survival/leveling

519 63 1
                                    

Agad na ipinaalam sa guild house ang gawa gawang balita na napatay sa boss raid si aslan dala ng kahinaan nito at hindi pag iingat hanggang nakain ng halimaw.

Ginawa iyon ng oplan sandigan upang alisin na sa listahan ang pangalan ng binata.

Nagimbal ang lahat ng newbie sa balitang iyon kahit sila man sa kanilang mga sarili ay walang respeto at pagpapahalaga kay aslan ay nakaramdam sila ng tadyak sa kanilang mga konsensya,sila na mga nilapitan ng binata at imbes na makatulong ay kinutya pa at minaliit ang kaawa awang newbie na pinakamahina sa lahat.

Hanggang sa umabot na ang balita sa pamilya ni aslan.

Hindi makapaniwala ang kanyang mga magulang at mga kapatid na wala na si aslan sa napakaikling panahon na naging adventurer ito.

Nagdadalamhati ang buong pamilya sa balita ng kanyang pagkamatay na walang katawan na babawiin at ibuburol.

Ngunit sa puso ng kanyang ina ay may bahagi na nagsasabing buhay pa si aslan kayat may bahagi sa puso ng ina na umaasang buhay pa ang anak at hindi totoo ang balita.

Kayat patuloy na nagdarasal para sa anak na walang kasiguruhan kung buhay pa nga.
Ngunit kailangan nilang magpatuloy sa buhay.

Nagsilbing aral sa mga newbie ang kamatayan ni aslan kayat naging masmaingat ang mga ito.

Madilim parin ang karamihan sa mga bahagi ng dungeon,ngunit hindi iyon problema sa mata ni aslan na may kakayahan ng night vision mula sa mga slime ball.

Kayat madali na nyang natunton ang mga tunnel na nagdudugtong sa mga lagusan patungo sa mga yungib ng ibat ibang mga halimaw.

Pinili nya ang mga tunnel na papataas upang maiwasan na mapalalim pa ang kanyang paglalakad.

At habang nilalakad ang madilim na mga tunnel ay isa isang inoobserbahan bago pinapatay ang makitang mahihinang halimaw na hindi hihigit sa level 3 dahil kasalukyang nasa level 1 ang level ni aslan,at sinisiguro nyang may pakikinabangan na kakayahan sa halimaw na kakainin nya dahil alam na rin nya ang ibig sabihin ng limitasyon na 10 na nakasulat sa digest skill.

Kayat gamit ang cage ay ikinukulong nya ang mga iyon upang hindi makatakbo at pinapatay sa patuloy parin na inaaral na water splitter technique sa mga nahuhuling halimaw.

Pinagtyagan nyang kainin ang lumot sa pader,ugat at tubig na dumadaloy dito habang pinipili pa ang halimaw na dapat kainin upang hindi masayang ang kanyang open slot sa pag aakalang hindi na iyon mapapalitan.

Sa ganitong paraan namuhay si aslan sa madilim na kapaligiran.

Hanggang sa mahanap nya ang chamber na pinamumugaran ng pero arachnid.

Isa itong dambuhalang halimaw na gagamba na triple ang laki sa tao at ang kalahating katawan ay kasing wangis ng babaeng tao.

Hindi ito nakakakita sa dilim ngunit napaka sensitibo ng pakiramdam nito sa kanyang mga sapot na nakapakalat sa buong chamber upang bantayan ang kanyang mga itlog,habang taga hakot naman ng samutsaring pagkain ang kanyang mga nagiging anak na masmaliit sa kanya.

Maliwanag ang chamber na iyon dahil sa dikit dikit na batong hiyas na kumukuha ng repleksyon ng liwanag mula sa mga katabing batong hiyas.

"may liwanag doon.pero may paparating.wala akong tataguan.naku po wala akong takas."sabi ni aslan at naisipan na kumubli sa nakabukol na lupa sa pader ng tunnel.

Kinakabahan dahil hindi pa alam ang kakayahan ng mga halimaw na iyon na mukang malalakas ngunit level 5 lang pala na nasa kailaliman kasama ng malalakas.

Nang bIglang lagpasan sya nito.

"haay,hindi nila ako nakita sa kalagayan ng pagtatago ko?.dumikit lang naman ako sa pader."sabi ni aslan habang minamasdan ng night vision ang likuran ng mga pero worker arachnid.

RPG universe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon