level gap?

484 64 3
                                    

Muling binuksan ng gatekeeper ang pintuan ng labyrinth para sa party ni aslan.

Ang napakaluwang na teritoryo ng sanctuary ay 30% lang kabuoang luwang ng bawat palapag kayat malaking tulong ang mapa na ibinigay ng gatekeeper.

“Humayo kayo mga bago naming kaibigan.naway ligtas kayong makalabas sa dungeon na ito.hindi ko kayo makakalimutan.”sabi ng gatekeeper.

“sakaling maging magaan po ang buhay namin at kayanin namin na makabalik ulit dito.dadalawin po namin ulit kayo.maraming salamat po ulit.”sabi ni aslan.

Paglabas nila ng gate ay simula na ng kanilang matinding pagiingat.

Sinundan nila ang mapa na nagtuturo sa luntiang marka at napadaan sila sa maputik na bahagi ng lupa.

para itago ang kanilang mga sarili ay naisipan ni aslan na pahiran ng putik ang mga pangibabaw na kasootang ginawa ni shelly upang gamiting camouflage sa kulay ng lupa.

Kinalimutan na ng mga babae ang arte sa janilang katawan kahit gaano pa maging karumi at kadungis.

Sunod sunod na hindi kalawakan na chamber ang kanilang dapat na daanan sa gilid na bahagi ng napakaluwang na palapag.

Nilakad nila ang maputik at  mabatong landas,maingat at walang kaluskos hangagat maari.

Pinakinabangan ni aslan ang kanyang malakas na pangamoy at keen eye.

Habang binabagtas nila ang mga gilid na bahagi ng ika 129 palapag kung saan malalaki ang tipak ng mga bato.

Isang malaking halimaw na kawangis ng talangka ang kabod nalang gumalaw at umahon sa bato na katulad din ng kanyang balat na bato.

Nagulat at nagimbal sila aslan dahil halos nasa tabi lang nila ang halimaw na iyon.

“Walang gagalaw.”bulong ni aslan nang maramdaman nyang gumalaw ang dambuhalang batong talangka.

Dahil sa soot nilang binalot ng putik ay hindi sila napansin ng halimaw na iyon na nabibilang sa mga level 129.

Dahan dahan itong lumalakad papalayo sa kinaroroonan nila aslan.

Nang bigIa itong huminto at ilabas nito ang kanyang mga mata na tulad din ng sa mga talangka,mahaba at parang antena.

Umikot ang mata nito na parang iniscan ang buong paligid.

Kakayahan ng dambuhalang talangka ang infrared vision,ngunit nakatulong parin ang putik na ipinahid nila aslan sa soot nilang pang ibabaw kayat hindi sila nakita ng dambuhalang talangka.

Hindi intenayon ng kanilang grupo ang makipaglaban at magpalevel kayat gagawin ang lahat matakasan lang ang isang malakas na halimaw.

“samantalahin natin ang pagkakataon,mukang hindi nya tayo nakikita.”sabi ni aslan.

Dahan dahan silang lumakad tuwing tatalikod ang talangka.Na noon ay hindi umaalis dahil kahit hindi sila nakikita ay nararamdaman nito ang tibok ng kanilang mga puso na noon ay matindi ang kaba.

Nararamdaman ni doki na malapit na silang matunton kayat lakas loob itong lumabas sa makapal na paldang pang ibabaw ni shelly upang magpahabol sa talangka at iligtas ang mga kasama.

Buong lakas na binangga ng bolang katawan ni doki ang tiyan ng talangka upang pahabulin ito at ilayo sa tatlong kasamang kinakabahan.

“doki!anong ginagawa mo?!.bumalik ka dito!.”bulong ni shelly ngunit walang magawa dahil baka makuha ang pansin ng dambuhalang talangka.

“aslan si doki.”sabi ni shelly na labis ang pag aalala.

Matapang na hinarap ni doki ang talangka na hindi naman nasasaktan sa kanyang pagbangga.

RPG universe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon