portal

455 67 4
                                    

Gaya nga ng naisip ni aslan ay binabato na nila ang buong paligid upang siguruhin na hindi sila mahuhulog sa bitag ng mga dromedon.

Kayat malayo palang ay nakikita na nila at iniiwasan.

Ngunit sadyang mayroon din mahusay na magtago.

Habang maingat na naglalakad ang grupo, isang dromedon ang tahimik na naghihintay ng tatapak sa kanya bago ito magpakita at lunukin ang biktima.

Hindi sinasadyang natapakan iyon ni aslan dahil sya ang nauuna sa paglalakad at kampanteng naiiwasan nila ang mga dromedon.

Walang nagawa si aslan dahil bigla nalang syang nilulon ng malaking bunganga ng halaman.

“eeeehh!!.aslan!!.iluwa mo sya halimaw!!”pag aalala ni shelly at agad na hiniwa ng kanyang wind split ang mahabang leeg ng dromedon na agad naman nakaiwas.

Ngunit huli na dahil nailulon na si aslan at naglabasan pa ang mga baging nitong galamay para pigilan sila,kayat napilitan na lumayo sila shelly dahil sa hagupit ng mga galamay at bunganga nitong halaman na nanghahabol ng kagat habang umiiwas sa kanilang pag atake.

Galit na galit si shelly kayat sunod sunod na atake ng matalim na wind split at matapang na sinasagupa ang dromedon upang iligtas ang minamahal.

Nakalimutan nito ang takot dahil sa matinding pag aalala,at buong tapang na nakikipag banggaan ng kapangyarihan sa dromedon.

Sumasalakay din si petra gaya ng pagiging agresibo ni shelly upang suportahan ito.

Maging si doki ay nag aalala para kay aslan.

Dahil sa matinding determinasyon ay uti unting naubos ni shelly at petra ang mga galamay ng dromedon at ang ulong halaman nalang ang natitira.

At nang puputulin na nila ang mahaba  nitong leeg ay bigla nalang itong nagkikisay at hindi mapakali na tila ba may iniinda.

Natigilan si shelly at petra dahil sila man ay nagtataka sa ikinikilos nito.

Patuloy na nasasaktan ang dromedon at unti unting nagbabago ang kulay nito sa pagiging brown.

Dahan dahan itong natutuyo at lumalabas ang usok sa kanyang bibig at mga naputol na galamay.

“Anong nangyayari,bakit nagkakaganyan?,bakit umuusok sya?”sabi ni shelly.

“Hindi lang yon.natutuyo na sya,ano kaya ang nagyayari?.”sabi ni petra.

Ilang saglit pa ay napapalibutan na ng usok ang buong dromedon.at tuluyan na itong nangitim at naluoy,tuyong tuyo sa tubig at wala nang buhay.

Ngunit hindi pa doon natapos ang hirap nito,dahil bigla nalang itong nagsiklab sa apoy at sumabog ang katawan nitong nakabaon sa lupa.

Nasilaw ang dalawa sa pagsabog ng dromedon at unti unti nilang nakita sa loob ng sumabog na katawan ng dromedon si aslan na noon ay hubot hubad na nagbabaga sa apoy,habang nakaupo.

Dahan dahan na humuhupa ang pagbabaga ng katawan ni  aslan hanggang sa bumalik na ito sa dating temperatura.

Dahan dahan na tumayo si aslan.

“pasensya na natagalan akong makalabas,pinaikot ikot ako sa loob bago ko naisip na pwede ko palang gamitin ang apoy.”sabi ni aslan na tila hindi pa alam ang nangyari sa kanyang kasootan.

Napatalikod si petra at namumula sa hiya matapos titigan ang buong katawan ni aslan ng hubot hubad.

Nakanganga at natulala naman si shelly at namumula din sa hiya habang pinagmamasdan ang buong katawan ni aslan at ang pagkalalake nito.na tila ba pansamantalang nawala sa kanyang sarili,at nadadala ang kanyang pagkababae.

RPG universe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon