lone dragon

388 60 10
                                    

“hik!! Hik!! Bwiset talaga ,bakit ba hindi maalis alis sa isip ko ang pang mamaliit sa akin ng lord varikus.
Sa kabila ng pagiging mabuti at matapat kong tagasunod sa kanya,sa kabila ng maraming tagumpay na ibinigay ko sa kanya.
Lahay yon nakalimutan nya na para bang isa akong basura.hik hik!!.
Buong buhay ko ay inalay ko sa pamilya igniron pero heto ang napala ko.
Tama si ina,dapat pala hindi nako nagpumilit na mapabilang sa mga berdugo ng lord.
Tama pala si ina,sa bandang huli ay aabandunahin parin ako dahil hindi ako isang igniron.kahit ilang ulit kong patunayan ang lakas naming mga furon.
Haaaaaa kainis.kung tutuusin sya ang walang kwenta.matapobre at walang pagmamahal sa kapwa,kahit ang sarili nyang anak ay ipinapapatay nya.
Huuuwaaaaaa!!! Walanghiyaaaa!!!”pagsasabi ng saloobin ni punmar habang nakikipag inuman sa isang matandang estranghero na nakasama nya sa pagpasok sa pandoria.

“hhmm mukang matindi ang pinagdadaanan mo sa iyong lord.
Alam mo hindi naman basehan ang.pagiging iba mo kung hindi ka man nya matanggap.
Marami pang magagandang bagay sa mundo na pwede mong gawin bukod dyan sa ikinasasama ng loob mo.
Hindi sila ang mundo mo,heto lahat ng nakikita mo bahagi ng mundo mo yan.imbis na kulungin mo ang sarili mo sa kanila na hindi nagbibigay ng halaga sayo.
Baka kailangan mo na silang iwan at bitawan para hanapin naman ang bagay na magpapasaya sayo,hanapin mo ulit ang sarili mo.
Alam mo kaibigan,maraming beses na din akong bumagsak at nalugmok sa buhay,ngunit hanggat nakahanda kang magpatuloy at kalimutan ang nakaraan ,humakbang ka lang pasulong at iwasan mo nang umatras.
Mahahanap mo din ang hinahanap mo o maaring ikaw ang mahanap ng hinahanap mo,kailangan mo lang makalimot,magpatawad at magpatuloy.”sabi ng matandang estranghero na lasinggero din.

“haaay tatang bahala na sila.ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ulit ako tutungtong sa lupain na iyon.at lahat ng ginagawa ko dati ngayon ay gagawin ko ng kabaligtaran.
Dati akong masamang nilalang tatang,pero ngayon ay magpapakabuti ako salungat sa mga dati kong gawain.”sabi ni punmar.

“edi lalong masmabuti kung ganon,kailangan mong maging mabuti para maging tahimik ang bubay mo hik hik!!”sabi ng matanda.

“yun na nag gagawin ko.hik hik,ang kulit mo naman eh ha tatang.”sabi ni punmar.

“hehehe,sige kung ganon,pagbutihan mo.iwan na kita at lasing na ko hik hik!!,uuwi na ko at mag uumaga na”.sabi ng matanda at tumayo na at iniwan sa lamesa si punmar.

“Haaay paano ba maging mabuting nilalang,buong buhay ko ay puro kasamaan ang ginawa ko.
Saan ba  ko magsisimula”sabi ni punmar.

Binayaran ang bill at nilisan ang tavern.
Lasing na lasing at hindi alam kung saan tutungo,kaya lumakad lang ng lumakad na gegewang gewang sa kalsada hanggang sa marating nya ang tarangkahan.

Sumabit ang kanyang damit sa likod ng isang karwahe at hindi sinasadyang nasubsob papasok sa nakabukas na kompartment at napagsaran.

Kasamang nagbayahe ng karwahe ng iyon si punmar na noon ay tulog na tulog na sa compartment.

Mahaba ang linya ng mga kariton,wagon at karwahe  na pareparehong patungo sa see port ng atlan kingdom dahil doon nanggagaling ang pinakamagagandang lamang dagan na maaring maikalakal at mabili.

Mahaba ang byahe patungo sa see port kung saan karamihan sa mga merchant ay palagi nang may escort na mga adventurer upang sila ay protektahan dahil sa mga bulubundukin na madadaan ay naglipanan ang mababangis na halimaw at sumasabay pa ang mga bandido.

Kasagsagan ng pag bbayahe ng mga byahero na hindi sinasadyang magkakaconvoy dahil lahat ay nag iingat,nang pasukin nila ang unang bundok.

Listo ang mga bantay na adventurer,ngunit sa kasamaang palad ay nakatimbre na ang mahabang linya ng mga byaherong iyon sa mga bandido,kayat mabilis nilang nataniman ng mga trap magic talisman ang mga dadaanan.

RPG universe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon