Buong araw ang pinalipas ng grupo at hindi parin lumalabas sa tinataguang kakahuyan upang masiguro na hindi sila mahanap.
Ngunit sadyang matibay sa paghahanap ang batoron at furon na mga elite guard ng igniron family lalu pa at nagdagdag sa kanilang listahan si quanzo.
Kinagabihan upang makausad ay muling nagbyahe sila aslan sakay ng motorsiklo patungo sa kaharian ng pandoria kung saan matao at makakapagtago na ang magkasintahan sa lipon ng mga tao.
Magkasakay sa motorsiklo si aslan at shelly habang nasa sidecar naman sila mishka at quanzo.
Pinaandar ni aslan sa pinakamabilis na pagandar ang motorsiklo at sinadyang walang ilaw ngunit umaasa sa kanyang night vision upang hindi makita ng mga lumilipad na furon at batoron.
Sa buong magdamag ay malayo din ang kanilang narating at bago magliwanag ay naghahanap na ng mapagtataguan.
Abot tanaw na ang migration gate ng mercuria kingdom sa kanilang kinaroroonan.
At gaya ng inaasahan ay muling lumilipad sa himpapawid ang furon at batoron sa pagsikat palang ng araw na kasalukyan na rin palang pinaghahandaan ng mga kawal nang magkabilang kaharian sa posibleng pagsalakay nito sa kanikanilang kaharian dahil 24/7 din naman ang ginagawang pagbabantay ng mga kawal sa mga nasasakupan ng kaharian.
Lahat ay nagtataka kung bakit pabalik balik sa iisang lugar ang mga halimaw na dragon na ayaw nilang pakialaman upang hindi lumala hanggat wala naman itong naidudulot na kaguluhan sa kaharian.kayat ang mga kawal ay alerto din na nakaantabay.
“talagang hindi sila titigil hanggat hindi kayo nahuhuli,at sa oras na to malamang na alam na rin nila ang ginawa mong pagpasok doon.”sabi ni shelly.
“Hindi naman nila ako nakilala,kaya kahit makita nila ako ay hindi nila ako paghihinalaan.”sabi ni aslan.
“pero kilala nila kami kahit anong anyo pa ang gamitin namin.
Masmakakabuti siguro kung hihiwalay na kami sa inyo.”sabi ni mishka na nahihiya kay aslan at shelly.“wag kayong mag alala sa amin.sanay kami sa panganib.isa pa hindi naman nila kayo naaamoy,kaya kapag nadala namin kayo sa loob ng pandoria kingdom.mahihirapan na silang hanapin kayo kapag nakahalubilo na kayo sa maraming tao.
Kaya sa ngayon.sasamahan namin kayo hanggang sa maihatid kayo doon.”sabi ni aslan.“tama si aslan,tutal doon din naman kami papunta at mapapadaan.”sabi ni shelly.
“maraming salamat sa inyong dalawa.”sabi ni mishka.
“ugghh ahh nasaan ako?”sabi ni quanzo.
“Mahal ko,buti naman at gising ka na?”sabi ni mishka.“mahal?!mishka?!.mahal ko,salamat sa bathala at muli kitang nakasama.”sabi ni qunzo nang makilala nito agad si mishka.
Mahigpit na nagyakapan ang magkasintahan na naluha sa sobrang kaligayahan at miss na miss ang isat isa.
“Magpasalamat tayo kay ginoong aslan.sya ang nagligtas sayo.”sabi ni mishka.
“Oo naalala ko.dumating sya at gumising sa akin,bago ako nawalan ng malay ay pinalakas nya ang loob ko.
Maraming salamat ginoong aslan sa pagliligtas mo sa akin at pagtulong mo sa mahal ko.”sabi ni quanzo.“Wala yun.wag nyo na masyado alalahanin.”sabi ni aslan.
“Mahal.pasalamatan mo rin si binibining shelly.sya ang gumamot sa atin pareho.kasintahan sya ni ginoong aslan.”sabi ni mishka.
“ipagpaumanhin mo binibining shelly.maraming salamat din sayo.utang namin ang buhay namin sa inyong dalawa.”sabi ni quanzo.
“walang ano man.yun naman ang tama,ang tumulong sa nangangailangan.”sabi ni shelly.