ahulf

477 57 2
                                    

“Ang dilim naman dito,paano ka bang nakakita.”sabi ni  shelly habang nakahawak sa braso ni aslan at nilalakad nila ang mahabang tunnel na walang kahit anong talisman stone sa lupa.

“Nakuha ko sa kakayahan ng slime na makakita sa dilim,yun nga lang kulay berde at itim lang ang kulay ng paligid.night vision ang nakalagay sa skill page ko.”sabi ni aslan.

“Ang galing naman nun.sana ako din.
uy!aslan may nakikita na akong liwanag sa banda dun.”sabi ni shelly at itinuro.

“sige puntahan natin.mukang sarado din naman itong kabila.”sabi ni aslan.

Matyagang naglakad ang dalawa at ginagabayan parin ni aslan si shelly.

Hanggang sa marating nila ang liwanag.

Malawak at mataas ang kisame sa lugar na iyon gaya ng teritoryo ng mga reptilian,at laganap din ang kulay dilaw na talisman na nagpapaliwanag sa buong lugar.

ngunit ang kaibahan lang ay madamo at mapuno ang bahaging iyon na parang gubat din ngunit malinis sa mga halaman at baging na hindi tumutubo doon.

Mayaman din sa mga kabute na tumutubo sa balat ng mga puno at ibat ibang orchidyas.

Nagliliparan din ang ibat ibang uri ng ibon.

Kayat namangha ang dalawa nang lumabas sila sa lagusan,parang nakakita sila ng virgin forest sa ilalim ng lupa.

“whaaoooow.ang ganda naman dito.”sabi ni shelly.

“Oo nga astigen,sinong mag aakala na may ganito sa dungeon.ibig sabihin may iba pang ganito.masaya din pala maglibot sa dungeon.”sabi ni aslan.

“Oo,kung malakas ka.pero sa lagay natin,swertihan lang siguro,ano nanaman kaya ang naghihitay satin dito.
O saan ka pupunta?”sabi ni shelly.

“dito lang,kukunin ko lang yung bukos ng balahibo.”sabi ni aslan.

Pinulot ni aslan ang bugkos ng balahibo at inamoy amoy muna.

“iwww!.nakakadiri talaga ang kakayahan mo na yan.”sabi ni shelly.

“Mabuti na to kesa wala.”sabi ni aslan nang dilaan nito ang mga balahibo.

“eh?!nag upgrade narin yata ang panlasa ko,Level 48 ang isang ito,muka syang lobo na nakatayo na parang tao ang katawan(lycan),malakas ang pang amoy,mabilis,malakas,at may matatalim na kuko at pangil.”sabi ni aslan.

“ahulf(lycan) ang tawag sa kanila,paano mong nalaman?”sabi ni shelly.

“basta nakikita ko sa isip ko,yung itsura pati yung kakayahan nila.”sabi ni aslan.

“Palagay ko nga upgrade yan ng panlasa mo.astigen naman ng baby ko.hihihi”sabi ni shelly.

“Kailangan natin magingat,malakas din ang pang amoy nila.halika gayahin mo ko.habang hindi ko pa sila na aamoy.buti nalang may kakayahan din na pang amoy ang mga ingen.”sabi ni aslan.

“Anong gagawin natin?”sabi ni shelly.

“ganito lang,giling mo sa kamay ang mga damo tapos ipahid mo sa balat mo at dyan sa soot mo para hindi nila maamoy ang balat natin.
Sa ganitong paraan maitatago natin ang amoy natin sa kanila,hindi pangkaraniwan ang itsura nila.masmuka  na silang tao kaya masnakakatakot sila.marami silang pwedeng gawin.”sabi ni aslan.

“ah ganun ba,buti sinabi mo agad.”sabi ni shelly.

Natakot si shelly kayat agad na dumurog ng damo at ipinahid sa kanyang balat at soot na pinatuyong balat ng ingen.

Matapos na gawin ang pagtatago sa amoy ay maingat na naglakad ang dalawa para humanap ng lugar para magpahinga.

Habang naglalakad sa ilalim ng matatas na puno at matatas na damo.

RPG universe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon