Matapos ang kagubatan ng ahulf sa bahagi ng dungeon sanctuary na iyon ay muli nanaman nilang iniwan ang liwanag at sinuong ang madilim na tunnel na nagdudugtong sa iba pang lagusan at chamber ng iba pang uri ng halimaw.
Sa pangunguna si aslan ay kampanteng nakasunod si shelly at petra na magkakahawak upang hindi mawala sa madilim na tunnel ang dalawa.
Isang buong araw ang ginugol nila sa loob ng tunnel na minsan ay pinaghihiwalay ng masmarami pang sangang daan.
Maraming beses na napupunta sa mga dead end ang kanilang grupo at nagpapabalik balik hanggang sa mahanap ang susunod na chamber na kasing luwang din chamber ng mga ahulf kung saan meroon din sariling eco system.
Ngunit walang puno sa teritoryong iyon at laganap ang mga halaman na namumunga nga black berry,gayun din ang mga halaman na may matatabang sanga na nagpalupot at nagbubunga naman ng white berry.
Ito ang mga paboritong pagkain ng mga halimaw na infernal avian(level 60 to 65)
Malalaking ibon ito na tila agila,ngunit ang muka ay parang sa pusa na may tuka.At ang labis na kahangahanag sa mga halimaw na ito ay nagliliyab sa apoy ngunit hindi natutupok ang balat at balahibo.
Immune sa apoy ang eco system ng teritoryong iyon kayat hindi nagkakasunog ang mga halaman na berry.
“hhhmmm sawakas nakalabas din tayo.
Huh?!.bakit ang baho?”sabi ni shelly na noon ay nakatapak pala sa mga tuyong tae ng mga avian.“oo nga eh.ngayon mo lang pala naamoy?”sabi ni petra.
“hindi kaya dahil dyan sa mga tinatapakan nyo?”sabi ni aslan habang tinitignan ang paligid na nagkalat ang natuyong tae ng ibon na kapansin pansin na nagmula sa malaking nilalang dahil sa dami at laki ng kalat nito.
Napatingin ang dalaw sa kanilang tinatapakan.
“iwww tae ng ibon.”sabi ni shelly.
“Oo nga ang baho.wheehh!.”sabi naman ni petra at naduduwal.
“Hahaha.lakad kasi kayo ng lakad eh.
Sa itsura nyan ay tae yan ng malaking ibon.hahaha.”sabi ni aslan at napalingon sa itaas.Napalingon din ang dalawang kasama at nagulat pa sila sa kanilang nakita.
Nangakadapo sa matatabang baging na tila kahoy ang mga avian na noon ay natutulog ngunit nag aapoy.
Nakakapit sa dingding na lupa ng malawak na teritoryo na iyon ang mga kahoy na baging at paborito itong tulugan ng mga infernal avian dahil sa kalupaan ng teritoryong iyon ay naghahari din ang mga kalabang mortal ng mga avian,at ito ay ang mga infernal barangok(level 60 to 65) o mga nagaapoy na baboy ramo.
Kalahti ng buong teritoryo ay pinaghaharian ng mga avian at ang kalahati naman ay sa mga barangok.
Parehong nilalang ng apoy ngunit hindi nagkakasundo at patuloy na nag aagawan ng lupain.
“Mahabaging langit,anong klaseng nilalang ang mga ito.”sabi ni petra.
“Tikman mo kaya aslan.”sabi ni shelly.
“alin?ang tae nila?”sabi ni aslan.
“Hihihi.oo para malaman natin ang kakayahan nila.”sabi ni shelly.
“hu ayoko nga,may iba pa naman pwedeng tikman bukod sa tae.nababaliw ka nanaman.”sabi ni aslan.
“Hihihi.biro lang.ikaw naman ang arte mo.hihihi.”biro ni shelly.
“shh! wag kayong maingay mukang nagigising na sila.”sabi ni petra.
Nang biglang magliparan ang mga avian.