Mahigpit ang pagbabantay ng mga kawal dahil sa balita ng umaaligid na mga dragon sa boundary ng mercuria at pandoria.
“magandang gabi mga estranghero,kasama ba kayo sa mga sinalakay ng mga halimaw na dragon sa migration gate?”sabi ng kawal na sumalubong kila aslan sa tarangkahan ng pandoria kingdom capital.
“Ah opo?.paano nyo pong nalaman.?”sab ni aslan.
“Kaninang umaga pa kami tumatanggap ng mga nakaligtas sa dragon.bakit ginabi kayo?”sabi ng kawal.
“Ahm natakot po kami kaya naligaw pa po kami.”sakay ni aslan.
“di bale,ligtas na kayo sa loob,24 na oras na nagbabantay ang mga kawal.
Wala ba kayong napansin na nakasunod sa inyon.”sabi ng kawal.“Kung yung dragon po ang tinutukoy nyo.wala po,kaya po gabi kaming nagbyahe.”sabi ni aslan.
“Buti naman kung ganon,maari ko bang malaman ang dahilan ng inyong pagparito sa kaharian?”sabi ng kawal.
Ipinakita ni aslan ang gatepass na ibinigay ng heneral.
“ah mga panauhing pandangal pala kayo mula sa mercuria,sige makakapasok na kayo.pasasamahan ko kayo sa kasamahan ko para maihatid kayo sa pribadong panuluyan para sa mga panauhing pandangal.
Ngunit kailangan nyo parin magsoot ng bracer,pansamantala lamang habang nandito kayo sa loob ng pandoria,utos ito ng hari.”sabi ng kawal.“sige salamat po,napapagod na nga po kami.kakabyahe at kakaiwas doon sa dragon.”sabi ni aslan.
“o sige at nang makapagpahinga na kayo,malalim na ang gabi”sabi ng kawal.
Muling nakabalik sa dranuenia wyvaria ang batoron at muli itong nagpalit anyo sa pagiging tao.
“lord varikus nakabalik na po si goro.”sabi ng butler na si fureon.
“Sige papasukin mo sya.”sani ni lord varikus.
“lord varikus ipagpaumanhin nyo po ang aking pagparito sa kabila ng pangit na balita,hindi ko pa po nahahanap si misstes mishka,natakasan nya po ako dahil sa tulong isang mahusay na adventurer na maaring pinagkatiwalaan ng kapangyarihan ng misstes”sabi ng nahihiyang goro,nakayuko at walang mukang maiharap sa mabagsik na lord.
“rrrrhhhhh mga inuteel!!!!..ang lakas ng loob nyong humarap sa akin ng bigo,napaglalangan ka ng isang tao lamang.
At ang mata mo,sya din ba ang may gawa nyan sayo.isa kang kahihiyan sa aking mga ipinagmamalaking tauhan!!!
Kayong dalawa ni punmar pareho kayong inutell!!.
Maging ang garapatang quanzo ay nakatakas dahil din sa taong nakapasok sa ating mansyon.
Hindi ko ito mapapayagan waaahhh!!”gigil ng lord.“Bigyan nyo pa po ako ng isa pang pagkakataon lord varikus at hahanapin ko ang taong tumulong sa misstess na maaring sya ding tumulong kay quanzo dahil nakita ko po silang magkakasama bago nila ako natakasan dahil sa panggugulo ng humaigniron.
At hahanapin ko din po ang taong may gawa nito sa aking mata,sa kanya ako magsisimula,nasa akin po ang sibat na tumarak sa aking mata.
Isang pagkataon pa po lord varikus.”sabi ni goro.“hhhmmmm haaaaaa hhmmm hhhaaaaaaa.sige goro bibigyan pa kita isang pagkakataon para patunayan sa akin ang iyong sarili.
Ibalik mo sa akin si mishka at quanzo buhay man o patay,wala akong paki alam.gawin mo ang dapat mong gawin basta ibalik mo ang dalawang iyon at tatanggapin kitang muli.
Umalis ka sa aking harapan at wag kang babalik hanggat hindi mo nagagawa ang ipinapagawa ko sayo.”sabi ni lord varikus.“opo lord varikus salamat po.”sabi ni goro.
Muling lubas sa mansyon ang hiyang hiya na batoron at agad na nagtungo sa pribadong mangagamot ng pamilya igniron kung saan inabutan nya ang furon.