motorsiklo

509 64 3
                                    

Habang abala  si asalan at shelly sa itaas ng bundok sa tabi ng malawak na batis.

“Ang bilis mong matutunan ang grimoir na yan.ilan pa ang hindi mo natutunan sa mga spell.?”sabi ni aslan habang namamahinga matapos ang set ng training program.

“namaster ko na ang basic ng light magic lahat yun ay makakatulong sa panggagamot,
Natutunan ko na rin ang mga advance defense at offensive light magic.
Ang inaaral ko nalang ay ang mga supportive magic,may alam na akong tatlo,pero may tatlo pang hindi ko alam gamitin.
Pero nasisiguro ko,bago matapos ang 15 araw natin dito,mamaster ko na lahat ito.may 6 na araw pa naman tayo eh.
Ikaw kamusta ang training exercise mo?”sabi ni shelly.

“ayos naman dati parin ang mga techniques pero habang tumatagal maslalong bumibilis ang mga stance na parang normal nang kilos ng katawan ko.
Nitong mga nakaraang araw,natuklasan ko na may bagong kakayahan akong nakuha doon sa dambuhalang palaka na kinain ko sa balon.
Masmainit pa sa apoy at napakadilikado sa normal na katawan ng tao,kaya kong bumuga ng enerhiya na kayang butasin ang lahat ng tamaan sa sobrang init at nakawawasak na pwersa at may kakayahan akong magpasabog gamit lang ang kamay ko,ang balat ko ay  may kakayahan nang magbaga ng masmainit pa kaysa sa init ng apoy at habang pinapag iinit ko ay lalu pang umiinit na kayang tunawin ang nasapaligid.
Minsan natatakot na rin ako sa sarili ko,kasi daig ko pa ang mapaminsalang halimaw sa dami ng kakayahan ko.”sabi ni aslan.

“hindi naman masama yun,kung gagamitin mo sa mabuti,basta ang importante,wag kang mag babago.manatili kang ikaw.at wag  lalaki ang ulo mo.
Ibig sabihin pala sayo nanggagaling ang mga pagasabog na naririnig ko?”sabi ni shelly.

“Oo,yun yung unang beses na ginamit ko yung pampasabog sa kamay ko,hinawakan ko lang yung puno,tapos  nanunuot yung sobrang init sa puno tsaka sumabog.ginamit ko rin yung enerhiya na sinasabi ko sayo,6 na matatandang puno ang napabagsak ko,nung subukin ko naman yung nagbabagang balat,sigundo palang ay nagliliyab na yung puno sa paligid ko.ganun kainit yung bagong kakayahan na nakuha ko.kaya sobrang delikado.
Hindi ko namalayan,nasira ko na pala yung kalikasan doon kaya sabi ko,gagamitin ko lang yung kakayahan na yun kung kinakailangan.”sabi ni aslan.

“Wow,hindi mo akalain na,may ganun palang kakayahan yung halimaw sa balon?”.sabi ni shelly.

“Oo nga eh,palagay ko wala lang nagawa kasi hindi sya makakilos doon at kinakain ko sya mula sa loob,mainit man sya kinakaya naman ng balat ko na immune sa apoy.
Malaking tulong ang kakayahan,pero delikado sa kalikasan,buti nga wala pang nakakakita nung nasira ko.”sabi ni aslan.

“Hahaha,hala ka lagot,isusumbong kita.”sabi ni shelly.

“naku wag naman.hindi ko naman sinasadya yun eh.malay ko ba na ganun pala kalakas yun.”sabi ni aslan.

“Hihihi.biro lang.basta mangako ka,na hindi lalaki ang ulo mo kahit napakalakas mo na.
Ikaw parin ang aslan ko habang buhay.”sabi ni shelly.

“um um pangako yan,gagamitin ko lang ang kapangyarihan para sa kabutihan.at para ubusin ang mga kriminal.”sabi ni aslan.

Habang nag uusap ang dalawa,ay may matang nagmamasid sa kanila at nagtatago sa makapal na halaman.

Niyakap ni shelly  si aslan.

“Aslan,may kasama tayo sa paligid natin,nandoon sya sa makapal na halaman na yun,kanina pa siguro sya dun,pero ngayon ko lang nalaman dahil ngayon ko lang ginamit ang air sense.”bulong ni shelly habang nakayakap kay aslan.

“ok ako nang bahala.buti at mayaman sa mineral na tingga ang lugar na ito.”bulong ni aslan kay shelly.

Dahan dahan na hinubad ni aslan ang kanyang chinelas upang ifikit ang paa sa lupa at nag activate ng tin cage sa nagtatagong nilalang sa halaman.

RPG universe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon