Taon taon,ang lahat ng lalake at babaeng nasa 18 yrs old mula sa malalayong lupain ng kahariang apolonia.ay sadyang pinupuntahan ng mga gato o yung mga tauhan ng kaharian na nagtatalaga sa mga bagong tao(18 yrs old) sa nararapat na trabaho para sa kanila na nauukol sa kanilang birth crest,para sunduin at dalin ang mga ito sa kanikanilang trabaho na dapat nitong tanggapin.
"ako po si aslan kanok,18 yrs old,anak ng mag asawang pesantes,at pangatlo sa limang magkakapatid na puro din pesantes sa pagsasaka.
Simula po noon magkaidad ako ng 7 taong gulang,maraming alaala ang kabod nalang pumapasok sa isip ko at sa panaginip,ipinapaalam po nito sa akin ang mga pangyayari at kung ano ako sa nakaraan kong buhay.sabi po doon isa daw akong hybrid wielder sa makalumang panahon at isa din akong engineer sa naiiba din panahon,hindi kumpleto ang detalye pero maraming alala.
Pero hindi ko po yon pinapansin at iniisip na lang na bahagi lang yon ng mga wirdong panaginip ko.
Mahilig po akong gumawa ng mga wirdong bagay na nakakatulong naman sa pamilya ko,gaya ng pangsalok ng tubig mula sa ilalim ng lupa,tinatawag iyon na poso sa panaginip ko,bakal na pang bungkal ng lupa,tinatawag naman na araro sa panaginip ko.
Masaya naman po ako sa piling ng pamilya ko at nakahanda na po akong maglingkod sa kaharian sa pamamagitan ng pagtatanim gaya ng aking pamilya."sabi ni aslan ng dumating sa kanila ang mga gato,dahil umaasa ito ng birth crest ng mga peasant.Ang mga gato ay grupo ng mga wizards na nag Bibigay gabay sa mga bagong tao,sila din ang gumigising sa mga birth crest na hindi pa ganap na nagpapakita sa katawan ng mga bagong tao.
"Kung ganon ginoo,pwede na ba natin gisingin ang iyong tatak.upang malaman natin kung tunay ngang ikaw ay nalilinya sa mga pesantes.
Ibigay mo sa akin ang iyong kamay."sabi ng gato wizard at ginawa ang birth crest spell.
Lumabas ang birth crest sa baraso ni aslan ngunit ikinagulat ito ng lahat."congratulations ginoong aslan,hindi namin ito inaasahan,bihira ang ganitong kaso na magkaroon ng anak ang mag asawang pesantes ng isang adventurer.
Dahil dito ay tungkulin mong gampanan ang pagiging adventurer,mahigpit itong batas mula sa hari."sabi ng gato wizards."pero imposible po mga mahal na gato,nakita nyo naman po na bukod sa maliit na ang lahi namin ay patpatin pa po ako,mahina ang loob at mahiyain.
Paano ko po haharapin ang isang halimaw na sobrang kinatatakutan ko kahit hindi ko pa po nakikita."sabi ni aslan na noon ay nagimbal sa kapalaran,tila nabasag ang kanyang daigdig sa katotohanang iyon na nagpapahina sa kanyang loob at pumupuno ng kalungkutan sa kanyang isipan."kung ganon,ikinalulungkot ko na sabihin sayo na wala na tayong magagawa pa dyan.ito ang inilaan sa iyo ng ating ama sa kalangitan.
May isang beses ng pagpapalit ng birth crest,ngunit hindi iyon pinapahintulutan ng hari para sa mga adventurer,dahil sa matinding pangangailangan ng mga taong haharap at pipigil sa mga halimaw ng kalupaan at mga dungeons pangunahin na ang creohissia dungeon kung saan nagmumula ang malalakas na halimaw at pinaniniwalaan na lagusan ng mga halimaw sa ibang dimensyon.
Maunawaan mo sana,isa ang ating kaharian sa mga kaharian na may ganoong uri ng dungeon,at kailangan natin magpatuloy sa pakikipaglaban upang maisara ang hinihinalang lagusan."sabi ng gato wizard.Nanginginig sa kaba at hindi malaman ang gagawin.
Nilapitan ng kanyang ina at ama si aslan.
"anak,nalulungkot din ako sa kapalaran mong ito dahil malalayo ka samin,ngunit may bahagi sa akin na natutuwa din ako,malaking karangalan ang maging bahagi ng mga adventurer,isipin mo nalang na may isang adventurer ang magpapakilala sa ating pamilya pagdating ng araw.wag mong isipin na isa yang kamalasan.harapin mo at gawing pagsubok na dapat mong lagpasan ang mga bagay na kinatatakutan mo at nagpapahina sayong loob."sabi ng ama ni aslan.
"mahal na mahal ka namin anak,at natutuwa kami na nais mo kaming samahan at tulungan dito sa bukid,ngunit kung iyan ang kapalaran na ibinigay sayo ng amang lumikha sa lahat ay nararapat mong tanggapin anak,labanan mo ang takot at itaguyod mo ang iyong sarili,para sayo at para sa buong pamilya."sabi ng ina ni aslan.