Maagang gumising ang grupo at tinahak ang landas pabalik sa capital ng kahariang apolonia.
Mula sa kanilang kinatatayuan ay napansin agad ni aslan ang malaking bilang ng adventurer.na nagtipon tipon sa dikalayuan sa harap ng dungeon ng creohisya.
"Tignan nyo yun, may malaking hukbo ng mga adventurer doon,sino kaya ang kalaban nila,parang susugod sila sa gera?"sabi ni aslan.
"Oo nga,hindi naman.sila mga sundalo ng kaharian pero bakit ganyan sila karami,tsaka tignan mo mukang pinaghandaan nila,may mga armas sila na ngayon ko lang nakita."sabi ni shelly.
"Kung ano man yung kalaban na pinaghahandaan nila,nasisiguro kong malakas yun at banta para sa kaharian kaya nandito sila at naghahanda sa pakikipagdigma.
Hindi gagambalain ng hari ang mga adventurer kung ang trabaho ay para sa mga kawal at mandirigma ng kaharian.kaya nasisiguro kong halimaw ang kakalabanin ng mga iyan."sabi ni shelly."Sa dami nila.malakas na halimaw talaga ang hinihintay nila.
Masmakakabuti siguro kung sa iba nalang tayo dadaan,hayan na muna natin sila dyan.baka ubligahin pa nila tayong lumaban.laban nila yan.may sarili din tayong laban."sabi ni aslan."ano ba ang gagawin natin sa capital,bakit kailangan pa natin pumunta doon?"sabi ni shelly.
"hindi mo naman siguro gustong buhatin ko itong rayearth habang buhay,masmabuti siguro kung ibebenta muna natin para maging geni,kakailanganin din natin ng geni."sabi ni aslan.
"hihihi.oo nga pala.sige akong magbenenta,magaling ako sa ganito.
geni maraming geni,magbebenta kami ng reyearth."masaya si shelly habang kinakanta ang geni."wala na to,nabaliw nanaman hahaha."sabi ni aslan.
Samantala,kakabalik lang ng rumorondang bantay ni rombus.
"Sir may tatlong adventurer po na lumabas galing sa dungeon,magdamag po sila doon sa kalapit na gubat,at kasalukuyan na po silang umaalis sa east road patungo sa north gate ng capital."sabi ng myembro ng clan ni bakster na syang leader ng roaming team.
"akala ko ba nailikas na lahat ng adventurer sa loob."sabi ni bakster.
"Yun din po ang akala namin sir,hindi po namin alam kung saan sila nagtago at ngayon lang sila lumabas.
Sa itsura po nila ay mukang looting party."sabi ng member."halika at sundan natin,kailangan ko silang makausap."sabi ni bakster.
Agad sumakay ng kabayo si bakster kasama ang apat na myembro.
Dali daling hinabol sila aslan at hinarang."Mga kaibigan,sandali lang hindi kami mga kaaway,ako si bakster ang leader ng silver light clan.
Maaaari ko ba kayong makausap sandali?"sabi ni bakster.Matagal na tinitigan ni aslan si bakster at nakilala nya ito,isa si bakster sa mga clan leader na tumawa at nagtakwil kay aslan noong sinusubukan nyang pumasok sa clan ng mga ito.
"pasensya na.wala naman kaming atraso kahit kanino,kailangan na namin magpunta sa kaharian.
Mabigat itong dala ko na kailangan na namin maibenta."sabi ni aslan."kahit saglit lang,may mga itatanong lang ako,kung gusto mo sa akin mo nalang ibenta kung ano man ang dala mo.pagbigyan mo lang ako"sabi ni bakster.
Tumigil si aslan at napaisip.agad na pinulong si shelly.
"Ano sa palagay mo,sa kanya nalang natin ibenta?"sabi ni aslan.
"Sige ,pero listo ka.kapag niloko nila tayo,alam mo na ang gagawin mo.pero wag mo silang papatayin ha."sabi ni shelly.
"wala din akong tiwala sa kanila.Ate listo ka din sakaling lokohin tayo.basura din mag isip ang isang ito,naaalala ko pa sya."sabi ni aslan.
Muling lumapit si aslan.