Ang atlan kingdom ay kaharian sa ilalim ng karagatan na nilikha ng mga poseiron o mga dragon ng tubig.
Sila ang mga nilalang na kilala ng mga tao sa tawag na merman dahil sa kanilang anyo ng pagiging tao na hindi perpektong tao ang transformation kumpara sa ibang dragon.
Ngunit mahusay nilang naipakilala ang kanilang angkan sa mga tao at naging maayos ang pakikihalubilo sa kabila ng kanilang mga naiibang itsura hanggang sa kasalukuyan.
Isa ang kanilang angkan sa mahusay na mangangalakal ng mga produktong dagat na tinatangkilik naman ng mga tao kayat naging sagana ang palitan ng kalakalan at ngayon ay tumatanggap na rin ng turismo.
Sakay sila aslan ng nautelica para sa mga turista kayat natural nang dumaan ito sa magagandang tanawin papunta palang sa kaharian capital ng atlan.Inabot ng 3 araw ang walang tigil na pagsisid ng nautelica.
Maging sa kailaliman ng karagatan ay laganap ang mga halimaw na sadyang iniiwasan ng nautelica.
At dahil matagal na itong gawain ng mga merman ay kabisado na nila ang karagatan.
Kung kaya ligtas na narating ng nautelica ang under ground deep ocean port ng atlan kingdom.
Doon kailangan nilang dumaan sa immigration system ng atlan seaport facility para sa pangkalahatang pangangalaga sa mga taong turista at iba pang nilalang na nagnanais na makapglibot sa atlan kingdom.
Mababait ang mga merman na karaniwan nang itsura ang taong may hasang sa ilalim ng tenga at mga palipik sa pagitan ng kilikili at mga daliri,habang ang iba naman ay kalahating tao at kalahating laman dagat ng ibat ibang uri,gaya ng octopus,isda,eel at iba pa.
Wirdo din kung titignan,ngunit sanay na ang mga tao sa kanila,dahil sa masiyahin at likas na mababait ang mga ito.
“uuuhhhhhh wwoooww!!! ,napakaastig naman dito,hindi ko akalain na makakatungtong ako sa atlan.”sabi ni xenoa.
“oo ibang klase,paano nila ito nagawa sa kailaliman ng karagatan,napakahusay nila.”sabi ni alice.
“madali lang ito para sa mga poseiron,maning mani.”sabi ni punmar.
“Ahehe nagsalita nanaman sya.”sabi ni xenoa.
“mayaman siguro ang atlan.napakaganda at kakaiba ang.pasilidad dito.”sabi ni shelly nang makita nya ang mga,gumagalaw na elevator at escalator,gayun din ang mga bagay na gawa sa metal at simpleng makinarya.
“Parang ganito din yung mga nasa panaginip ko.matalino at malikhain din pala sila dito.”sabi ni aslan.
“ding ding ding!!!”tunog ng announcent.
“Maari lamang po manatili sa kanikanilang linyang destinasyon upang hindi magkagulo at mapabilis ang proseso ng pagpasok sa lupain ng atlan,maraming salamat po mga mahal naming turista.”sabi ng tunog ng announcer na babae na lumalabas sa mga magic voice stone na nakakalat sa paligid ng terminal sea port.
“Oi!!dito tayo mahigsi ang pila bilisan nyo!!”sigaw ni alice na nauna palang humanap ng papasukan.
Isa isang kinukunan ng ipormasyon ang pumapasok at pinagsosoot din ng safety bracer upang maiwasan ang kaguluhan.
Matapos ang pila sa imigration ay papasok pa sa seminar room upang bigyan ng briefing at general.rules ng atlan kingdom bago sila tuluyan pakawalan sa loob ng atlan kingdom.
“Wow napaka astig talaga ng kaharian na ito.ibang iba sa lahat ng kaharian,totoo pala ang mga magitech(magic technology) na nakalathala sa mga babasahin na inuuwi ni ina.”sabi ni xenoa.