Mula sa lagusan ng 68 palapag na nilubog ng malalim na tubig,ay narating nila ang bahagi ng tunnel kung saan naroon ang mataas na butas na may patong patong na scaffolding na gawa sa kawayan.
Mataas ito tulad ng hagdan na dinaanan nila sa ika 101 palapag.
Ngunit luma na ang mga scaffold na libong taon nang nakatayo sa mataas na hukay na iyon,kayat delikado nang akyatin pa.
"ano sa palagay mo.ligtas pa kaya akyatin yan?"sabi ni shelly.
"Palagay ko hindi na,gupok na yung mga kawayan."sabi ni aslan.
"pano natin aakyatin yan,wala din naman hagdan,tsaka napakataas nyan parang yung inakyat natin sa ika 101 palapag."sabi ni petra.
"kung bubuhatin ko kayo,kasama ng mga bagahe,kaya nyo bang humawak ng matagal,natatakot kasi ako.baka mahulog kayo,hindi ko kayo agad makikita.
Lalu pa dito,nakahambalang yung mga lumang kawayan."sabi ni aslan.
"oo nga,masyadong mataas yan.baka hindi rin namin kayanin."sabi ni shelly.
"kung ganon,isang paraan nalang ang naiisip ko.para siguruhin na hindi kayo mahuhulog.
Isa isa ko kayong iaakyat doon."sabi ni aslan."Ibig sabihin tatlong beses kang babalik?"sabi ni shelly.
"Ganun na nga.masmabuti na yun para sigurado."sabi ni aslan.
"sige ikaw ang bahala,unahin mo na si ate petra."sabi ni shelly.
"Sige.sasarahan ko nalang ng cage ang tunnel.bago kita iwan dito."sabi ni aslan.
"ate dito ka sa harap ko.yumakap ka ng mabuti at tatalian pa kita para hindi ka mahulog sakaling makabitaw ka."sabi ni aslan at agad naman sumunod si petra.Nakayakap na parang unggoy sa harapan ni aslan si petra at inakyat ni aslan ang mataas na hukay na parang gagamba.
Sa ganitong paraan naiakyat ni aslan ang mga kasama ng ligtas.
At huling dinala ang mga bagahe.
Lumabas sila sa lagusan kung saan nasa harap ng lagusan ang isang lumang pugad ng halimaw na matagal nang inabanduna,nasa gilid ito ng mataas na ding ding ng ika 54 na palapag.
"hindi ka ba napagod aslan?gusto mo magpahinga na muna tayo.tutal oras na din para kumain."sabi ni shelly.
"oo nga halos inabot tayo ng buong araw,gabi na dito sa oras ko."sabi ni petra.
"kaya pala inaantok na ko.hindi pa pala tayo nagpapahinga buhat kaninang umaga.nagugutom ma rin ako."sabi ni shelly.
"sige dito na muna tayo magpahinga,madalas naman natin gawin pahingahan ang mga lagusan .
Sandali at lulutuin ko lang yung karne sa loob ng bag,meron pa yata akong nakita doon.sige magpahinga nalang kayo,ako nang bahala sa pagluluto."sabi ni aslan."hindi na,magpahinga ka nalang.Dapat kami na ang gumagawa nyan .,tatlong beses kang kumakyat panaog sa malalim na hukay para sa amin.nakakapagod yun di ba.?"sabi ni shelly.
"hindi naman masyado,di ba parang gagamaba din ako."sabi ni aslan.
"kahit na,basta gusto ko ikaw naman ang pagsisilbihan ko,magpahinga ka nalang dyan at ako nalang ang magluluto at maghahanda ng pagkain."sabi ni shelly.
"Sige ikaw ang bahala,salamat shelly."sabi ni aslan."tignan nyo,nalagpasan na pala natin kung saan tayong lahat nagsimula.
Nasa 54 palapag na tayo,malapit na talaga tayong makalabas."masayang sabi ni petra habang pinagmamasdan ang mapa."Huh?!.oo nga ate,posible na pala tayong makakita ng tao mula dito.haaay ayus!!."masayang sabi ni aslan na noon ay nabuhayan ng loob at nakaramdam ng sigla.