kelan mo huling sinilip ang character page mo?”sabi ni shelly kay aslan matapos ang isang masarap na hapunan.
“matagal na din pala.may sampung araw na din siguro?hindi ko na napapansin eh.”sabi ni aslan.
“Sisilipin mo.baka mamaya may bagong nadagdag na upgare sa skills mo,edi masasanay ka na agad na gamitin.”sabi ni shelly.
“sige teka sandali lang.”sabi ni aslan at binuksan ang kanyang character page.
“o kita mo na,may bagong upgrade ka sa cage mo.coffin cage?”sabi ni shelly.
“oo nga hano.tsaka eto pa.nadagdagan ako ng dalawang slot sa monster digest ability.”sabi ni aslan.
“sige nga subukan mo sakin ang coffin cage.”sabi ni shelly at tumayo sa harapan ni aslan habang nanonood naman si petra.
4 seconds casting time parin ang cage skill ni aslan kahit gaano pa ito kalaki.
Nagulat ang binata dahil naiiba ang effect ng coffin cage.hindi ito tulad ng mga rehas ng cage na lumalabas sa palibot ng targe at kumukulong.
Lumabas ang bakal na ataol sa likod ni shelly,nakabuka at kinulong sa loob si shelly sa pagsara nito.
Masikip at hindi makakilos si shelly kayat masyado ang takot nito.
“Eeehhhhh aslan!!.buksan mo to!.hindi ako makakilos!!.aahhh!!”sigaw ni shelly ngunit hindi marinig sa labas dahil selyado agad ang coffin cage upang hindi na ito mabuksan.
“wooow!!!.naku po!ganito pala ito.shelly!.”sabi ni aslan na kinabahan din sa takot na mamatay sa kawalan ng hangin si shelly na noon ay nagsisigaw ngunit hindi naman nya naririnig.
Kayat dali daling binuksan ni aslan ang coffin cage.
“naku pasensya na shelly,ngayon ko lang nakita ang ganitong kakayahan ng bagong cage.nasaktan ka ba?.pasensya na talaga.”alang ala ni aslan.
Iyak ng iyak si shelly at yumakap kay aslan at nang mahimasmasan ay kinagat nito sa tenga si aslan.
“Aw! Aw! Aw! Aray ko sorry na hindi ko naman alam na ganito yun.”sabi ni aslan.
“Huhuhu.natakot ako sa loob.”sabi ni shelly na noon ay kitang kita ang takot at hindi ito nagbibiro.
Matagal na nakayakap si shelly kay aslan at nagpapahupa ng takot.
“Ano bang nangyari sayo,ikaw ang may gusto na gawin ko sayo ang bagong cage.”sabi ni aslan.
“Akala ko kasi parang tulad lang din ng cage mo ang coffin cage.
Kaso nung makulong ako sa loob,sobrang natakot na ako,masikip at hindi ako makakilos.
Takot kasi talaga ako sa masisikip na lugar gaya nun.natataranta agad ako kaya naiyak nalang ako sa takot.
Tapos ang tagal tagal mo pa bago mo binuksan.hump!.”sabi ni shelly na tila nagtatampo.“patawarin mo na ko.hindi ko naman talaga alam eh.tsaka nagmamadali na nga akong binuksan nung magsara yung coffin cage.natakot ako baka hindi ka makahinga.
Ano gusto mong gawin ko.”sabi ni aslan.“Sige na nga,kasalanan ko rin naman.buhatin mo nalang ako.gusto ko yung matagal ha,natatakot pako eh.”sabi ni shelly na noon ay sinamantala naman ang pagkakataon at yumakap pa kay aslan at lihim na nakangiti habang buhay ni aslan at nagpapabebe.
Tuwang tuwa naman si petra na noon ay nakikita ang buong pangyayari at kapilyahan ni shelly.
Habang si aslan naman ay hindi nakakahalata na sinasamantala ni shelly ang kanyang kainosentihan.
Nagkikindatan pa ang dalawang babae sa ginagawang kalokohan kay aslan.
“Hindi ka pa ba nagsasawa dyan,pinagpapawisan ka na oh,kanina kapa nakayakap sa akin.”sabi ni aslan.