love of a dragon lady 2

451 70 4
                                    

"Oras na shelly,mishka.sasamantalahin ko habang madilim at nakukublihan ng makapal na ulap ang mga buwan."sabi ni aslan na noon ay humaignion tranformation.

"mag iingat ka ha.bumalik ka ng buhay,wag mong pipilitin pag hindi kaya.hihintayin kita."sabi ni shelly.

"Oo babalik ako,at sana magtagumapay ako sa pagliligtas.mag iingat din kayo dito."sabi ni aslan at ginawaran ng halik ni shelly.

"Mag iingat ka.maraming salamat.dalin mo ang aking kwintas.para magtiwala sya sayo.ipakita mo sa kanya."sabi ni mishka,sabay abot sa kanyang kwintas.

"sige,ako nang bahala."sabi ni aslan.

Madilim ang gabi ng oras na iyon nang lumipad si aslan sa pinakamabilis na kayang liparin ng kanyang humanoid dragon mode.

Maingat at puspusan ang binata na nakabanty sa kanyang paligid habang lumilipad ng napakabilis.

Tinahak ang direksyon ng lumulutang na lupain.

Gamit ang night vision mula sa mga slime ay mas malikot ang mga mata ni aslan upang maagapan ang ano mang pagsalakay.

May tatlong layer ng himpapawid sa planeta ng mythomideia at nasa ikatlong layer ang dragnuenia wyvara.

May halong kaba ang binata sa kanyang paglipad dahil maaring nagtatago din sa mga ulap ang mga kalaban.

Hanggang sa abutin nya ang unang ulap,kung saan nakatulong ito sa kanyang pagkukubli.

Hindi ramdam ang lamig sa kanyang pagmamadali hanggang sa lagpasan ang unang layer ng ulap.

Parang palasong lumilipad sa himpapawid at hindi na lumiliko pa.

Tahimik parin ang ikalawang layer ng himpapawid hanggang sa mapasok ng ikalawang ulap.

Ngunit ikinagulat nya ng matagpos nya ang ikalawang layer ng ulap.

Dahil sa ikatlong layer ng himpapawid ay naglipanan ang mga halimaw na paniki na kung tawagin ay bankai (lvl 121)na naninirahan sa ilalim na bahagi ng lumulutang na lupain.

Naroon din ang mga halimaw na mukang bwitre na kung tawagin ay galle (lvl 125),mortal na kaaway ng mga bankai.

Sila sila ang naglalaban at nagkakainan at ang lahat ng halimaw na hindi bahagi ng kanilang himpapawid ay kanilang sinasalakay at pinagtutulungan kahit dragon pa ang mga ito.

Parang mga hayok sa laman na nag aagawan ang dalawang lahi habang nagpapatayan sa pagdagit kay aslan.

Kayat napilitan na lumaban ang binata sa mga lumilipad na halimaw na dalawang veses ang laki kumpara sa kanya,gamit ang rakshasa at shadow dagger sa magkabilang kamay.

Lahat ng makalapit ay hindi hinahayan ng binata na masaling ang kanyang pakpak at matagumpay na nahihiwa ng tagusan na halos pumunit sa katawan.

Ngunit dahil sa dami ay hindi agad makapagpatuloy sa paglipad ang binata.

Wala naman nasasayang sa mga namamatay dahil ang karamihan sa mga bankai at galle ay nagaabang.lang ng madadagit buhay man o patay.

At dahil sa dami ay napilitan narin gamitin ang combinasyon ng humaignion,adamant fur at hard armor skin upang protektahan ang kanyang katawan at partikular na ang pakpa na kinatatakutan nyang mapunit.

Naging napakatigas at napakatibay ng buong katawan ni aslan upang siguraduhin na hindi sya mapipinsala ng maraming halimaw na iyon.

Hindi nya magamit ang mga elemental skill dahil maaring makatawag pansin iyon sa mga dragon na posibleng lumilipad sa paligid.

RPG universe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon