fall of replica

272 47 4
                                    

Hindi makalapit si aslan at comar sa mga gate ng capital dahil mabilis na napalaganap ang checkpoint.

“hindi tayo pwedeng dumaan sa himpapawid at sa lupa papasok sa feronia.
Ang mga kawal na iyan ay nariyan para hulihin ka.ngayon lang uli nagkaroon ng inspeksyon sa mga manlalakbay.
Pero wag kang mag alala.kaya parin kitang ipasok sa loob.”sabi ni marco.

“paano?ang higpit ng inspeksyon nila.”sabi ni aslan.

“Basta sumunod ka sakin at makakapasok tayo sa loob.”sabi ni marco.

Samantala,hindi nasundan nila shelly si aslan kayat nanatili sila sa loob ng kapital at naghihintay ng balita.

“Sana naman ay nakatakas sya.hindi ko talaga akalain na bigla nalang nyang gagawin yun,hari ang sinuway nya.”sabi ni alice

“oo pero msamang hari at hindi dapat irespeto.naniniwala akong nakaligtas sya at babalikan nya tayo.”sabi ni shelly.

“Nagkakagulo ngayon sa buong bayan.nagkalat ang mga inspektor.
Kung naglakad lang sana sya o dumaan sya sa lupa o kalsada ay magiging napakadali lang sakin na mahanap sya”sabi ni xenoa.

Tulog na tulog naman si punmar.

“Nasaan ka na ba aslan.bumalik ka na.”sabi ni shelly sa kanyang isipan.

Sinundan ni aslan si marco na nanggigilid sa mataas na bakod ng kapital kung saan may malalim na tubig

Nilulusong nila ang gilid ng malalim na tubig hanggang sa dalin sya ni marco sa ilalim ng tubig.

Sinisid nila ito hanggang sa makarating sa lihim na pintuang bakal.

Pumasok sila doon kung saan may silid na nagdudugtong sa mahabang daan.

“paano mong nalaman ang daan na to?”sabi ni Aslan.

“galugad ko ang buong kapital.pag sinundan natin ang daan na yan,sa loob ng habylis ang labas natin,tamang tama.wala nang tao sa oras na to.”sabi ni marco.

“tamang tama.may naisip din akong gawin.magugulat sila pagbukas nila sa habylis bukas.”sabi ni aslan.

“ano naman yun.”sabi ni marco.

“Basta magugulat nalang sila.tara na.”sabi ni aslan.

Tinahak nila ang madilim at maputik na daan hanggang sa marating nila ang sewer ng habylis.

Mula doon ay napasok nila ang habylis.

Sabay na naghanap ng bagong kasootan upang itago ang pagkakakilanlan ni aslan.

Matapos iyon ay sabay na lumabas sa exit ng habylis.

Ngunit bago umalis ay hinawakan ni aslan ang isa sa mga silid ng habylis mula sa labas.

“ano pa bang ginagawa mo bakit hinahawakan mo pa ang sahig.”sabi ni marco.

“surpresa nga di ba,basta bukas magiging malaking balita ang surpresa ko para sa hari.”sabi ni aslan matapos pagaralan ang structure ng habylis.

Tumagal ng 20 minuto na nakahawak sa sahig si aslan at nakatoon ang isip sa buong tower ng habylis.

Matapos ang 20 minuto ng paghawak sa sahig ay dali dali nang lumakad ang dalawa palayo sa habylis,patungo sa inuupahan na hotel nila aslan.

Doon dinatnan ni aslan sina shelly na kararating lang din mula sa kakahanap kay aslan.

Nagulat pa si shelly at biglang napayakap kay aslan ng makita nya itong pumasok sa pinto

Alalang alala ang dalaga ngunit nag iba ang timpla ng makita nitong kasunod na pumasok si marco.

Kita ng lahat na isa din magandang babae si marco,kayat hindi agad napanatag si ahelly,xenoa at alice.

RPG universe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon