Excited na ang mga manonood sa paghihintay ng gong upang magsimula ang laban ng dalawang mandirigma.
Nagkataon na hindi nagkakalayo ang level ni gregory (level 175) at aslan (170).
Hawak ni gregory ang malaking pamalo na parang baseball bat,habang si aslan ay espadang walang talim.
Nang biglang paluin ang gong.
“ggooooonnnggggggg!!!”””
Agad na sumalakas si gregory at walang awa ito na sadyang nais na lumpuhin si aslan kayat sunod sunod na malalakas na palo ng sandata.
Ngunit lahat iyon ay naiwasan ni aslan at sa sahig tumatama ang nakakabarag na palo ng mabigat na sandatang mukang magaan sa kamay ni gregory.
“Hahaha,lulumpuhin kita bata ,babaliin ko.lahat ng buto mo.puro ka nalang ba iwas hahaha,tatamaan ka rin.”gigil ni gregory.
Tahimik naman si aslan at nakafocus sa mabilis na pag iwas.
Habang ang manonood ay pigil hininga dahil higit na mas agresibo si gregory sa laban na iyon.
Kakayahan ng mga skills ni gregory ang tatlong uri ng elemento,ang lupa,hangin at ang yelo.
Kayat para sirain ang pag iwas ni aslan ay ginamit nya ang skill na kung tawagin ay earth smash upang unti unting mawasak ang bilog na arena sa tuwing maiiwasan ito ni aslan.
Dahil doon ay naging mahirap na takbuhan ang arena.
“matalino sya sinira nya ang sahig pata mahirapan akong umiwas,talagang malakas sya.”isip ni aslan.
Hindi pa natuwa si gregory at hinahalibas ng malalakas na hagupit ng hangin si aslan habang nasa mid air mula sa pagtalon.
Ito ang matagumpay na tumatama kay aslan ngunit sinasalag naman ng espada kayat tumitilapon lang ang binata.“delikado ako sa kombinasyon nya,sinisira nya ang sahig para mapilitan din akong tumalon,tsaka nya ako hahahupitin ng latigong hangin.
Kailan maLagpasan ko ito.”isip ni aslan.Sadyang napakalakas ni gregory dahil bago magsimula ang laban ay uminom pa ito ng gamot na kung tawagin ay audium.nagbibigay ito ng 2x amification sa natural strength at skills ng user at pinapatay ang ka yang pisikal na pandama upang maging matibay sa laban.
Nahirapan ng husto si aslan at maraming beses na tumilapon,ngunit mabilis na nasasalag ang bawat hagupit,ganun pa man ay nasasaktan sa pagtilapon.
Kayat kahit napakalakas ni gregory ay matagumpay na nababawasan ang lakas ng hagupit ng hangin nito at nalalayuan ni aslan sa kabila ng mga kombinasyon ng lupa at hangin na ipinaparanas sa kanya.
“Rrrhh nakakainis na bakit parang hindi sya nasasaktan,minamaliit ako ng taong ito,mahusay syang gumamit ng espadang pansalag,hindi ko sya mataaman ng pamalo ko,at hindi rin sya mapinsala ng hangin ko dahil naagapan nya ang bawat hagupit.
Tignan ko lang kung makatakas ka pa sa gagawin ko.”sabi ni gregory.“Ha ha ha ha,ang lakas at ang bilis nya,hindi ko manlang magawang makaganti ng pagsalakay,sumusugod nanaman sya.”sabi ni aslan habang abala sa pag ilag at pag salag.
“Boooo booo wala na talo na yan,lumaban ka naman puro ka ilag!!”sigaw ng mga manonood
“hahaha sige na gregory tapusin mo na yan walang laban sayo yan hahaha”pang uuyam ng iba pang manonood.
Pinagtatawanan ng mga ito si aslan na noon ay sunod sunod na tumitilapon sa hagupit ng hanging latigo.
“Hindi ka ba nag aalala sa kanya shelly,tignan mo panay ang pagtilapon nya at wala syang magawa.patigilin mo na,baka kung mapano pa sya.”sabi ni xenoa.