Inikot nila ang palibot ng chamber na iyon upang humanap ng iba pang lagusan,at nagsilbi na rin na oras para malibot nila ang mga kahangahangang lugar sa dalawang teritoryong iyon.
Walang halimaw na ngangahas na kumalaban sa kanila,kayat nasulit nila ang bawat oras ng ligtas at panatag.
Hanggang sa mahanap nila ang susunod na lagusan patungo sa hindi pa nalalaman na chamber.
Nagipon sila ng pagkain at mga sulo bago nila pinasok ang tunnel.
May mga halimaw parin sa tunnel ngunit hindi ito agresibo at hindi bayolente.
Ang tawag sa kanila ay ferus madilo(level 65),halimaw na kasing laki lang ng daga ngunit ang batal ay parang matigas na bakal at kaya pang patigasin sa oras ng pangangailangan.
Hindi sumasalakay ang mga ito.ngunit napakabagsik na kalab sa sandaling masaktan at lumaban.
Bumibilot itong parang bola at buong lakas na tatama sa kanyang kalaban na parang bola ng kanyon mula sa pagsabog.
Nagulat sila aslan ng salubungin sila ng maraming ferus madilo.at maamong nakatayo sa kanilang harapan.
Paboritong pagkain ng mga ito ay ang metal kayat nangakalingon sa hawak na sibat Ng tatlo.
Hindi makaraan dahil ayaw silang padaanin ng mga ito na tila ba binabantayan ang tunnel.
“ang cute nyo naman,pwede ba kaming makiraan?”sabi ni shelly.
“sana naiintindihan nila tayo”sabi ni aslan.
“Sa tingin ko wala silang balak magpadaan.”sabi ni petra.
“Bigyan kaya natin ng pagkain?”sabi ni shelly at iniabot ang isang malaking white berry at pansamantalang ibinaba ang hawak nyang sibat.
“heto kumain kayo,makikiraan lang kami.”sabi ni shelly.
Nagulat pa ang tatlo, nang snabin ng mga ferus madilo ang malaking white berry at biglang hinila ang bakal na sibat at tulong tulong na kinain.
“wa?!hindi pala nila gusto ang berry,kumakain pala sila ng bakal?”sabi ni shelly.
“ibang klaseng halimaw din ang mga ito.”sabi ni petra.
Nang maubos ng mga halimaw ang sibat ni shelly ay muli itong lumapit at tila hinihingi ang sibat ni aslan at ang lance ni petra.
“woow hindi pwede mga kaibigan,gamit namin ito.”sabi ni aslan.
Dahan dahan na lumalapit ang mga madilo kayat napaatras sila aslan hanggang sa muli silang mapalabas sa lagusan.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi lumalabas sa lagusan ang mga madilo at huminto na sa bukana bago pa nila marating ang labas ng lagusan.
“Paano natin lalagpasan yan,muka lang pala silang mababait pero may pagkaadik pala sa bakal.”sabi ni shelly.
“lumayo kayo at Susubukan ko ang apoy.”sabi ni aslan.
Sumunod naman si shelly at petra.
Binugahan ng apoy ni asalan sa loob ng tunnel ang mga madilo,ngunit bumilot lamang ang mga ito at nagmukang bola at hinayaang lamunin ng apot ang kanilang katawan.
Matapos ang pagbuga ng apoy ay parang bale wala ang init at muling nagsitayo ng maayos.
Nang biglang tumama ang napakabilis na bola ng ferus madilo sa dibdib ni aslan at napatilapon ang binata,ngunit nasalo nito ang madilo kahit naskatan pa at napanatili ang kanyang pagkakatayo habang umuusad.