dark kingdom

345 53 5
                                    

Nagdaan ang isang araw ng kanilang pagpaparoon sa mansyon at nahimasmasan ang galit ng ministro.

sa mansyon ni lugshiah pansamantalang nanuluyan ang grupo bilang paghingi na rin ng tawad ni lugshiah sa kanyang mga bisita.

At nang araw na iyon kung saan nakabangon na si lugshiah sa kanyang pagkakaratay.

"Sa lagay ng panahon ngayon,hindi pa kayo pwedeng pumunta sa lumang minahan.
Panahon ngayon ng paglalandi ng hykyoken,laganap ang nakakalason na hininga nito sa lumang minahan.
Habang lumalalim papunta sa kanyang pugad ay lalong lumalakas ang lason sa hangin."sabi ni lugshiah habang magkakasamang nagkakape sa malawak na sala ng kanyang mansyon sa factory.

"ibig po bang sabihin mag asawang hykyoken ang naroon?"sabi ni shelly.

"hindi,mag isa lang doon ang hykyoken at ang bumubuhay na similya sa kanyang mga itlog ay ang simlya mismo ng kanyang mga anak.
Ibig kong sabihin ay,ang mga hykyokopen mismo ang kumakasta sa kanilang inahin.
Kayang makipagkastahan ng hykyoken sa 10 hykyokopen kada 40 minuto.kaya naman nagdagsaan doon ang mga hykyokopen para kastahin ang hykyoken,at lahat sila ay mapagbibigyan."sabi ni lugshiah.

"kung ganon po pala,ito ang tamang panahon para bumaba doon at pumuslit ng logi stone habang abala silang lahat sa pagaagawan ng pwesto at oras sa pagkasta sa kanilang nag iisang ina."sabi ni aslan.

"Tama,daig ng maagap ang masikap dahil mahigsi ang paa ng talangka,walang operasyon para sa paa."sabat naman ni punmar na wala parin emusyon.

Natigilan ang lahat na nakikinig.

"ahehe ano nanaman.ang sinasabi nya,lalo syang nagiging wirdo."bulong ni xenoa kay alice.

"Wag mo nalang intindihin.sasakit lang ulo mo."sabi ni alice.

"Haaay ano ba yan."bulong ni shelly.

"oo tama,pagkakataon ito,pero masyadong mapanganib,dahil lubhang masmalakas ang lason kapag naglalandi ang hykyoken.
Wala pang potion o kasootan ang makakatagal sa lason na daig pa ang asido na tumutunaw ng kahit anong bagay bukod sa balat ng hykyoken at hykyokopen.yun ang dahilan kung bakit hindi sila mapaalis sa lumang minahan.
Kaya naman ay walang magawa tungkol doon.
Mamimiligro ang buhay ninyo kaya wag na kayong tumuloy at maghintay nalang ng pagkakataon kapag nakumpleto namin ang pangangailangan ng mga kaharian na umaasa sa aming logi hand cuff."sabi ni lugshiah.

"Eh gaano naman po yun katagal kung hihintayin namin?"sabi ni aslan.

"ahm teka sandali at kakalkulahin ko lang base sa dami ng namimina sa minahan ng logi sa labas ng karagatan."sabi ni lugshiah at nagcompute.

"1465 araw ay makukumpleto namin ang kabuoang bilang ng logi hand cuff na kinakailangan namin maisupply sa bawat kaharian.
Masyado kasing kakaunti ang diposito ng logi stone sa bagong minahan."sabi ni lugshiah.

"ehe?!.ang tagal naman po pala,hindi na po kami makakapaghintay ng ganun katagal."sabi ni aslan.

"Pero halos imposible ang bumaba doon sa lumang minahan."sabi ni lugshiah.

Napabuntong hininga si aslan at napatitig kay shelly.

"aslan wag mo kong tignan ng ganyan,alam ko kung ano ng iniisip mo,hindi kita papayagan na pumuntadoon ng mag isa."sabi ni shelly na kinakabahan sa binabalak ng kasintahan.

"pero shelly alam natin pareho na ako lang ang makakababa doon,kung isasama ko kayo,siguradong ikamamatay nyo ang ganoon kalakas na lason.
Gusto kong kasama kayo,pero sa pagkakataon na ito,hindi tama na isama ko kayo.naiintindihan mo naman yun di ba."sabi ni aslan.

RPG universe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon