“haay sa wakas,Nakikita ko na yung liwanag,papalabas na tayo sa tunnel.”sabi ni shelly.
“Wala ba kayong napapansin.medyo mainit ang singaw ng hangin dito.”sabi ni aslan.
“Oo nga eh.lalu tuloy lumalagkit ang pakiramdam ko.”sabi ni petra.
“hindi ko na maalala kung kelan tayo huling naligo.sanay na rin akong mabaho.hihihi.”sabi ni shelly.
“Hahaha.ang sarap sana kung may madaanan naman tayong malinis na batis kahit maliit lang basta pwedeng magtampisaw.”sabi ni petra.
“nandito na tayo.wag na kayong maingay.tiisin nalang muna natin ang baho natin.
Hindi natin alam kung ano ang meron dito.
Pare perehas naman tayong mabaho.hehe”sabi ni aslan.Dahan dahan nilang pinasok ang chamber.malawak din ito at kapansin pansin ang naiibang mga bato sa paligid.
Mga metal ito na hindi pa nalalaman na mineral,nagkalat sa buong paligid na parang ibinuhos simento.
“Napakawirdo naman ng lugar na ito.”sabi ni shelly.
Walang kaalam alam na sila pala ay pinagmamasdan ng isang nilalang na noon ay hindi mapapansin dahil ang balat nito ay katulad ng metal na nakakalat sa buong paligid.
Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa matanaw nila ang malawak na hotspring.
“Wow!!!!.hotspring!!..hihihi.maligo tayo.”sabi ni shelly na sobrang nadala sa excitement.
“Huy!.wag kang maingay.”sabi ni aslan.
“shhh!!!.baka may halimaw dito?hindi pa natin alam.”sabi ni petra.
“Eh?!.naku sorry.hehe.”sabi ni shelly at biglang inihina ang boses.
Patuloy parin na nakasunod ang tingin ng halimaw na nakacamouflage sa mga bakal na nakatabon sa kapaligiran.
Matagal na nagmasid si aslan sa buong paligid gamit ang keen eye,ganun din si shelly gamit naman ang air sense.
Ngunit wala silang makitang kahit anong kakaiba dahil sa husay ng nilalang na nagtatago.
Kayat naging kampante na ang tatlo at naisip na maligo upang makapaglinis naman ng katawan at guminhawa.naghiwalay sila ng landas kung saan nahahati ng malaking bato ang malawak na hot spring.
“sumigaw kayo kapag may nakita kayong halimaw.”sabi ni aslan.
“ok.ikaw din ha.nandito lang kami sa kabila.”sabi ni shelly.
Mataas ang mga batong nakaharang sa pagitan ng malawak na hotspring pool.
Masayang masaya ang dalawang babae sa kanilang paliligo sa maligamgam na tubig.
Habang mag isa naman si aslan na naliligo at dinadama ang maligamgam na tubig sa kanyang buong katawan.
Nang biglang gumalaw ang kanyang sinasandalan na inakala nyang bakal na bahagi ng lupa.
Nagimbal si asalan sa kanyang nakita,dahil isa pala itong uri ng dragon na kung tawagin ay uron.(mini boss level 129).kayat agad na pinulot ang kanyang sandata.
“Sandali wag kang matakot tao,kanina ko pa kayo sinusundan.
Ako si purungga ang uron ng labyrinth na ito.hindi ako masamang uron.nandito ako para makipag kaibigan.”sabi ni purungga.“gaano naman ako nakakasiguro dyan.baka naman may masama kang binabalak sa amin.”sabi ni aslan.
“kung gugustuhin ko ay kanina ko pa sana kayo napatay at pinagppyestehan ang inyong mga laman.
Ngunit nagsawa na ako sa ganoong gawain libong taon na ang nakalipas.
Ipinakita sa akin ng mg kaibigan kong slime na hindi lahat ng tao ay masasama.
At nararamdaman ko iyon.kayat nasisiguro kong mabubuti kayo.”sabi ni purungga.