Samantala,apat na araw na ang nakakaraan ay may Isang party mula sa isang clan ang magkakasamang nagreraid sa creohissia upang abutin ang kasalukuyang pinaka malalim na narating ng mga adventurer.
Malalakas at mahuhusay ang mga ito na binubuo ng limang myembro na nasa level 65 hanggang 70.
Maingat nilang nilagpasan ang 1 hanggang 60 palapag at nais lang na mahawakan din ang gate sa boss room ng 61 floor dahil alam nilang hindi rin nila kakayanin ang pumasok doon at kalabanin ang boss.
Ngunit pababa palang sa ika 61 palapag ay naririnig na ang malakas na kalabog sa malalaking pinto at ang galit na ungol ng muton.
Kinakabahan at hindi mapalagay ang party na iyon dahil kahit ang mga halimaw sa ika 61 na palapag ay nagtatago sa takot.
Hanggang sa marating ng party ang malaking pinto ng boss room.
Malalakas na kalabog sa pinto ang yumayanig sa buong kapaligiran,at ang malalaking pinto ay may maliliit nang lamat sa ibang bahagi,nagpapakita na malapit na itong bumigay.
Kayat sa takot ng party na pang abutan na mawasak ang gate ng boss room ay hindi na nagtagal pa doon.
Dahil kahit nasa labas sila ay naririnig ang ungol ng nagngangalit na boss monster.
Nang makabalik ang mga ito sa kaharian ay agad na ipinagbigay alam sa guild house dahil sa pangamba na baka makalabas doon ang agresibong boss monster.
Nakarating sa hari ang impormasyon at labis itong nabahala,dahil sa 50 beses na lakas ng boss level muton demon na wala pang nakakatalo sa karaniwang pinaka lakas ng mga pinakamalalakas na adventurer ng kaharian.
“rombus,anong nangyayari sa muton?bakit bigla itong nagwawala,ngayon lang ulit ito nangyari,ganito ang reaksyon nya kapag nagugutom sa laman ng tao,nasisiguro nyo bang nakuha ng mutom ang ating alay?”sabi ng hari nang ipatawag nito ang grupo ni rombus.
“opo kamahalan,magkakasama po kami ng iwan namin sa loob si aslan kaya imposible na po makalabas yon at hindi naman nya kakayaning buksan ang gate.”sabi ni rombus.
“pero wala kayong proweba na nakain nga ng muton ang taong yun.
Ikatlong beses na itong nangyari.
Masama ang kutob ko,hindi kaya nakatakas ang taong iyon at posibleng nakahanap ng madadaanang iba?.
Maraming posibilidad na lagusan sa loob ng dungeon kahit boss room iyon.yun din marahil ang dahilan sa una at ikalawang beses na nag alburuto ang muton.”sabi ng hari.“posible nga po mahal na hari.hindi rin po namin nasusuyod pa ang loob ng boss room,maaaring may nakatagong lagusan doon na hindi sinasadyang nahahanap ng mga taong alay kayat natatakasan nila ang muton.
Malaki po ang posibilidad.”sabi ni rombus.“isang paraan lang para matigil ito,kailangan magdala ng isa pang alay,at siguraduhin na hindi na iyon makakatakas pa at hayaang makain ng muton.
Wag na natin hintayin na mawasak ang gate.samantalahin ang pagkakataon habang nagpapahinga ang muton.”sabi ng hari.“masusunod po mahal na hari,kami na po ang bahalang umayos ng problema.”sabi ni rombus at nagmamadali nang lumabas.
“tsk bwiset!.posible nga kayang nakatakas ang inutil na adventurer na yun.pero saan sila dumadaan?”sabi ni rombus habang naglalakad kasama ng tatlo pang kasamahan.
“Mahirap sagutin ang tanong na iyan,dahil kahit tayo ay hindi tumatagal sa loob ng boss room na iyon.kaya paano natin malalaman kung may iba pang lagusan liban sa gate.
Dalawa lang naman ang gate doon.isa papasok at isa palabas patungo sa susunod na palapag.
At kahit anong gawin ni aslan ay hindi nya iyon kayang buksan dahil level 1 lang sya.”sabi ni gawain.