Masayang masaya ang hari at nabawasan ang kanyang problema sa pagalis ng muton,ngunit labis na nasaktan ang kanyang bulsa sa laki ng halagang inubos para sa paghahanda ng mga clan ng adventurer na humarap sa muton.
Tuwang tuwa din ang mga clan leader sa hindi inaasahang pangyayaring nagawa ni aslan at lalu pa nilang ikinatuwa ang malaking halaga ng geni na naubos ng hari na kanilang sinamantala.
Patuloy ang komunikasyon ng big 5 kay laddisloth para sa pagpapabagsak sa hari upang mapalitan ito ng masnararapat at makataong hari.
Patuloy din ang ginagawang pananabutahe ni night joker(laddisloth) at night queen(petra) sa mga kolektor at ilegal na gawain ng hari para bigyan ng katarungan ang malilit na mamamayan na masapektado.
Lihim din na kumakalap ng impormasyon at ebidensya ang limang leader ng malalaking clan na gagamitin sa sandaling maisadlak sa paglilitis ang hari.
Naisip nila ipunin ang mga ipormasyon at ebidensya pagdating ng araw na haharapin na nila ang hari sa mataas na hukuman ng kaharian.
Pribilehiyo ng hari na ingatan ang kanyang karapatan kayat kailangan maging maingat sa bawat ebidensya at ipormasyon na ihaharap sa hukuman.
Naisip naman ni aslan na hanapin ang dating private guards ng hari na oplan sandigan para pagbayarin sa kanilang kasalanan at gamiting tistigo laban sa hari.
Ngunit nalalaman din ni aslan na hindi basta basta aamin ang mga taong ganoon na halang ang mga bituka.
Kayat kailangan nyang ihanda ang lahat bago hulihin ang mga ito upang hindi mabulabog at lumayo.
Kayat nakaisip ng paraan ang magkasintahan upang maging tagumpay ang paggamit sa mga dating oplan sabdihlgan bilang testigo.
Kinausap nya sina laddisloth at petra na hihiwalay sila ng lakad upang tutukan ang inihahanda nilang ebidensya laban sa hari para makatulong sa pagaalsa pagdating ng araw.
Naunawaan naman agad ni laddisloth at petra kayat pinayagan ng mga ito sila aslan at shelly.
“pano ate petra,kuya laddisloth.maglalakbay na muna kami ni shelly para makatulong sa layunin nating lahat.”sabi ni aslan.
“Mag iingat kayo,babalitaan nyo kami,kung kailanganin ninyo ng tulong ay nandito lang kami.
Maraming salamat aslan,hindi ko makakalimutan ang tulong nyo sa akin,utang ko sayo ang aking kalayaan.”sabi ni petra.“wala yon ate,masaya akong ligtas tayong lahat at ngayon ay kasama mo na si kuya.magkikita pa tayo ulit pag kailangan alisin sa trono ang hari.”sabi ni aslan.
“oo nga ate,masaya kaming magkasama na kayo ni kuya laddisloth.para masolo ko tuloy ang baby ko.wraaawwr!!.”mahalay na sabi ni shelly.
“ahahaha sige tigre,kainin mo na yan ha.”sabi ni petra kay shelly.
“ahehe.nagkasundo nanaman sila.”sabi ni aslan.
At nagtawanan ang magkakaibigan.
“saan ang tungo nyo ngayon?”sabi ni laddisloth.
“sa kaharian ng mercuria,maghahanap kami ng buto?”sabi ni aslan.
“anong buto?”sabi ni petra.
“buto ng katotohanan.naniniwala kaming kakailanganin natin yun,para siguraduhin na hindi magloloko ang katotohanan.”sabi ni aslan.
“mukang may nabuo ka nang plano,sige mag iingat kayo,hanggang sa muling pagkikita,pagbagsakin natin ang hari.”sabi ni laddisloth at nakipagkamay.
Hindi na nagtagal pa ang magkasintahan ng umagang iyon para magtungo sa kaharian ng mercuria sakay ng kanilang motorsiklo.
Ang mercuria ay masmatandang kaharian sa apolonia kayat masmarami ang masmalalakas na adventurer at mga bandido sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
RPG universe.
Viễn tưởngrpg naman tayo,kwentuhan lang. have a nice day,and keep safe