Hapon na nang marating nila ang bahay panuluyan sa di kalayuang malapit sa habylis.
“lalabas kami,sasama ba kayo?”sabi ni shelly.
“Haaahh(hikab).nakakapagod ang araw na to matutulog muna ako.”sabi ni xenoa.
“mamaya nalang din ako.sabay na kami ni xenoa.”sabi ni alice
Tahimik naman si punmar na nagpapahinga.
Magkasamang naglakad lakad sa bayan si shelly at aslan at intensyon talagang lapitan ang habylis.
Habang iniikot ang paligid ng habylis ay laking gulat nila sa kanilang Nalaman.
Habang nakatanaw sila sa malaking ads sa harap ng gate ng habylis kasama ng iba pang turista at mga matagal nang manonood.
“Aba napakaganda pala ng premyo ngayon sa ika 100 na palapag.
Napakahirap humanap ng dragon para gawing pet at 100 piraso ng ginto,tiyak na maraming sasali sa ika 100 palapag.magiging maganda ang pustahan bukas.”sabi ng isa sa matagal nang manonood na nakikipagpustahan.
Narinig iyon ni shelly at napalingon din sa bahagi ng ads kung saan nakasulat ang event sa ika 100 palapag.
“Baby ko tignan mo.”sabi ni shelly.
“Mga salbahe talaga sila.ito pala ang plano nila sa batang dragon,yan na siguro ang anak ng venoron.
Kailangan makuha natin yan at maibalik sa nanay nya.”sabi ni aslan.“ano gagawin natin?.nanakawin ba natin yan?hindi ba masama yun?.”sabi ni shelly.
“Natural masama yun.pero masmasama ang ginawa nila. hindi tayo magnanakaw.sasali ako bukas.at pipilitin kong manalo o kahit makalapit manlang sa venoron para mapakawalan ko sya.yung talaga ang pinaplano ko.”sabi ni aslan.
“pinakamataas na bahagi yun ng habylis,tiyak na maraming malalakas na player ang sasali.”sabi ni shelly.
“Bahala na shelly,ipinangako ko sa dragon na ibabalik ko ang anak nya pagnahanap ko.”sabi ni aslan.
“haay parang delikado yata yan naiisip mo.pero susuporthan kita.
Halika magmasidmasid kung anong level ang mga sumasali sa ika 100 palapag.”sabi ni Shelly.Una nilang nakausap ang fan ng mga pinakamalalakas na player.
“nako ihahanda ko ang mga pangpinta ko,bukas magsisilaro ang mga paborito ko.”sabi ng diehard fan ng hari at mga high level player.
“sino sino naman sila?”sabi ni shelly.
“hindi mo ba alam.nariyan si haring proton covelien level 175 ang tinaguriang may ari ng ika 100 palapag.at ang kapatid nyang si atom covelien level 180 ang dyos ng maso at berdugo ng kaharian.
Hindi rin pwedeng maliitin si lucien sharpeye level 179 na may dambuhalang espadang itim,si darikus anuka level 178 ang mabangis na halimaw,si rina moonfang level 180 ang beast master at marami pang iba.”sabi ng diehard fan.“Ang lalakas pala nila.”sabi ni shelly.
“Maraming beses na silang nagkakaharap at kamontikan mamatay.doon mo makikita ang tunay na malalakas dahil natatakasan nila ang kamatayan.
Ang iba sa kanila ay maraming beses nang nakikipagharap sa ika 100 palapag para mapili ang lalaban sa hari o sa berdugo ng hari.”sabi ng diehard fan.“Ibig bang sabihin.pinakamalakas ang berdugo at ang hari?”sabi ni aslan.
“hhmmm?????.o_oo pero ang pinakamalakas talaga ay si comar deriora level 185 dual Blade assassin.kaya ka nyang patayin ng hindi mo nararamdan.”sabi ng diehard fan.
BINABASA MO ANG
RPG universe.
Fantastikrpg naman tayo,kwentuhan lang. have a nice day,and keep safe