Buhat nang makalabas ang muton demon sa kanyang silid at kasalukuyan nang nasa ika 22 palapag ng creohisya dungeon,ay inalis na ng limang malalaking clan ang mga tauhan na ipinakalat nila para pigilan na kumalat ang balita sa pagwawala ng muton at pag-ahon nito sa lupa.dahil hindi na ito mapipigilan na talagang makalabas.
Dahil doon ay hindi na napigilan na makarating ang balita sa hari at labis itong nagimbal.
Ang inakala nyang isang taon ng kapayapaan kapalit ng buhay ng tao bilang alay ay hindi pala naganap kayat naalarma ang hari at sa huli ay sa mga malalakas na clan din humingi ng tulong para pagbagsakin ang muton,bagay na inaasahan na ng mga leader ng limang malalaking clan dahil ito mismo ang kanilang plano para mapilitan ang hari na bigyan sila ng kalayaan na labanan ang muton at patayin.
Mula sa kapangyarihan na iginawad ng hari ay buong puso nilang tinanggap ang utos at sinamantala ang pagkakataon para pagbayarin ng malaki ang hari sa mga bagay na gagamit sa pakikipaglaban.dahil sa oras ng krisis gaya ng pangyayaring iyon ay pananagutan ng hari at buong kaharian ang lahat ng dapat na gagamitin sa pakikipaglaban.
Sinadya nilang pagastusin ng malaking halaga ang hari sa mga mamahalin at malalakas na kagamitan na ihaharap sa muton,kabilang ito sa plano upang maramdaman ng hari ang sakit sa kanyang bulsa.
Nagrereklamo pa noong una sa dami ng mga bagay na dapat bilhin para sa paghahanda,ngunit madali itong napapadahilanan ng limang leader ng malalaking clan.
At tuwang tuwa ang mga leader sa tuwing makikita ang muka ng hari na umuusok sa galit ngunit walang magawa kundi ilabas ang yaman sa kanyang vault.
Samantala habang nagkakagulo para sa paghahanda ay sumasabay din sa pananabutahe si laddis, tinatambangan at ninanakawan nito ang mga wagon na para sa hari at maraming koleksyon ang kanyang nanakaw at hindi nakakarating sa hari na ipinamumudmod sa mahihirap kung saan ito nanggaling.
Kayat lalong nararamdaman ng hari ang pressure ng nagaganap na paghahanda dahil nauubos ang kanyang yaman na tinatanggap sa mga ilegal na transaksyon.
At habang nagkakagulo ay nakarating din ang balita sa apat na dating private guards ng hari.
"Hahahaha.pagkakataon na natin ito para makaganti,tutulungan natin ang muton hanggang sa abutin nya ang kaharian at wasakin ang lahat ng dapat wasakin.at habang nangyayari iyon.kukunin natin ang hari at mamatamisin kong parusahan sya sa sarili kong mga kamay,ipaparanas ko sa kanya ang pagtalikod at pagttraydor nya sa atin."sabi ni rombus
"Magbabayad ang hari ng malaki sa pagsira nya sa buhay ko.kulang ang buhay nya.kayat sisingilin kong karagdagan ang buhay ng mga minamahal nya."sabi ni freya.
"Naging parang mga daga tayo na patagotago kung saan saan dahil sa kawalangyaan ng hari,tatapusin ko sya.tatapusin ko sya."sabi ni eula.
"gawin natin itong pinakahuling misyon bago tayo maghiwahiwalay,sisiguraduhin kong magbabayad ng malaki sa atin ang hari."sabi ni gawain.
"nakahanda na ang ating mga tauhan para dito,silang mga may galit sa hari ay sasama sa ating paghihiganti.
Doon tayo sa creohisya at hintayin ang paglabas ng muton.hahahaha."sabi ni rombus.Nadagdagan ang higpit sa kaharian at palaging mataas ang alarma sa dipensa at ang lahat ng mga kawal ay nakapakalat sapalibot ng kaharian dahil maaring gamitin ng kanyang mga kalaban ang nagaganap na krisis at sumabay ang mga ito gaya ng ginagawa ng joker.
Nagdulot ng takot ang balitang iyon sa buong kaharian at lahat ay nangangamba sapaglabas ng berdugo ng ika 61 plapag.
"mahal nagkakagulo na nangayon sa buong capital ng kaharian.may isang nakakatakot na halimaw ang nakatakas sa dungeon at lalabas para lipulin ang mga tao at ang lahat ng nabubuhay sa lupa,ang sabi nila 50 beses na masmalakas ang halimaw na iyon sa ordinaryong halimaw."sabi nang ama ni aslan na si kimbad kanok sa kanyang asawa na noon ay hindi na ngumiti pa buhat ng mapabalita na patay na ang kanyang anak.