infernal barangok

423 62 2
                                    

Wala parin nagbabago sa kanilang plano at nasanay na ang tatlo sa panganib ng avian at madali na nilang nilalagpasan ang panganib.

Kayat karamihan sa avian ay natakot na at pinili nalang lumayo sa cage habang ang iba naman ay patuloy parin na lumalaban sa kasalukuyang araw.

Marami na sa mga avian ang pinabagsak ng party ni aslan at sila din ang nagsilbing pagkain ng mga ito, lalu na si aslan na sinasamantala ang pagkakataon habang nagpapahinga ang mga kalaban,isa isa nyang kinakain ang mga patay na avian upang idagdag sa  tibay at lakas ng kanyang katawan.

“parang kumaunti na sila hindi na sila kasing dami  noong una natin silang labanan.”sabi ni petra habang nagpapahinga sila at kumakain ng nilutong karne ng avian.

“Oo nga ate,yung iba natakot na,buti nga at may mga sumasalakay pa.
Hindi ko na mabilang ang napatay natin sa loob ng tatlong araw.kasi naman kinakain din ni aslan agad.hahaha.”sabi ni shelly.

“Mainam na rin yon.kasi kung hindi nya ginawa yun.siguradong namamaho na sila ngayon.”sabi ni petra.

“tama,hindi lang dahil gusto ko silang kainin at idagdag sa lakas at tibay ng katawan ko.
Tama si ate petra.hindi naman tayo umaalis sa lokasyon natin kaya kung hindi ko kakainin yon,tayo din ang mapeperwisyo kapag nagsimula na silang mabulok.
Kaya naman isinisingit ko sa mga pagkakataon na nagpapahinga sila.”sabi ni aslan.

“Buti nalang hindi ka basta basta napupuno.hanga ako sa skills mo na yan eh.
Parang masdumami pa ang kaya mong kainin.
Napansin ko kasi,hindi na nangingilo ang ipin at sintido mo.”sabi ni shelly.

“siguro kasi dahil sa level natin,tsaka dahil din siguro sa madalas kong pagkain ng maraming halimaw.kaya parang nasasanay na din ang katawan ko at sikmura.”sabi ni aslan.

“kelan  tayo aalis dito?”sabi ni shelly.

“palagay ko dito muna tayo.hindi naman natin problema ang pagkain at inumin.
Itaguyod natin hanggang sa level 55 ni ate petra.
Lumipat tayo ng ibang posisyon doon sa mga white and black berry para makakain naman kayo ng ibang lasa.”sabi ni aslan.

“Gusto ko yan aslan.kahit nasanay na ako sa kakakain ng inihaw na karne ng mga halimaw na ito.
buti nalang at walang masamang ipekto sa katawan natin.”sabi ni petra.

“malalasahan ko naman ate kung hindi sya pwedeng kainin ng tao.kaya wag kang mag alala tungkol doon.”sabi ni aslan.

Matapos na kumain ng kanilang agahan sina shelly at petra,at maubos ni aslan ang huling katawan ng patay na avian ay nagmamadali na silang lumipat ng lokasyon malapit sa mga berry na hitik sa bunga.

Doon nagtayo ng cage upang sa susunod na magpahinga ang mga sasalakay na avian ay makakakuha sila ng white berry para kainin sa pamamahinga.

Palaging si aslan ang nagsisilbing runner ng party kayat sya ang nagdadala ng pagkain at matamis na berry para sa kanila.

Talagang mapapansin ang kakaunting bilang nalang ng avian na patuloy parin na sumasalakay.

Hanggang sa makalipas pa ang dalawang araw,hindi na hihigit kumulang sa 20 avian ang matyagang nagbabakaskali parin na mawasak ang mithril cage at makaganti.

Matagumpay na naitaguyod nila na mag level 55 si petra,67 kay aslan at 66 naman kay shelly.

18 nalang ang huling bilang ni shelly sa mga avian na matyagang sumasalakay sa kanila.

“haaay sawakas Naubos na natin sila.”sabi ni.petra.

“Oo nga ate,18 nalang sila,siguro kapag napatay natin yan.hindi na tayo guguluhin ng iba pang naduwag.
Ibig sabin tayo na ang hari sa teritoryong ito.hihini.”sabi ni shelly.

RPG universe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon