dark figos at ang book of the dead

458 52 3
                                    

“Sapat na ang mga paghahanda natin at pag aaral sa buong structure ng musileyo.
Isa iyon sa pinakamalawak na muselayo ng kaharian,at sa pinaka puso nito matatagpuan ang himlayan ng dark book of the dead na matagal na panahon nang ipinagbabawal.sa kamay ng mga tao.”sabi ni rombus.

“kung ganon kunin na natin at sakupin ang kaharian gamit ang kapangyarihan ng libro na yun.”sabi ni gawain.

“yun ay kung Makakayanan ni freya na gamitin ang kapangyarihan ng aklat.pupunuin natin ng mga patay ang buong kaharian at walang tatayong buhay,ang ulo ng hari ang gagawin nating tropeyo sa gitna ng capital.”rombus.

“Wag mo akong maliitin rombus alam mo ang kakayahan ko bilang priest mage.balewala sa akin ang librong iyon”sabi ni freya.

“mabuti kung ganon.tinitiyak ko lang na hindi masasayang ang gagawin nating pagsakay sa musileyo.”sabi ni rombus.

“kaya wag na kayong mag alala,alam na natin ang dapat na gawin kaya maghanda nalang kayo.”sabi ni eula.

Gabing madilim,habang natutulog ang lahat,sinimulan ng mga dark figos ang  kanilang plano.

Madali nilang nalagpasan ang mga kawal sa mabilis na pagsalakay at walang ingay.

Itinago nila ang mga bangkay upang walang makaramdam sa kanilang pagsalakay patingo sa musileyo.

hanggang sa marating ang sektor ng capital kung saan naroon ang lihim na lagusan ng palasyo na konektado din sa kailaliman ng musileyo.

Sa musileyong iyon nakatago ang lahat ng makasaysayang kagamitan na ipinagbabawal ng kaharian simula pa noong unang maitatag ang kaharian.

Napapalibutan ito ng malawak na labyrinth na punong puno ng mga trap at magical creature na sadyang nakatalaga upang bantayan ang bawat chamber.

Kinatakutan ang dark book of the dead dahil sa nakakatakot nitong kapangyarihan mula sa mga demonyo,walang katapusan ang daloy ng kapangyarihan nito.na konektado sa daigdig ng mga demonyo.

Minsan nang nagdulit ito ng malaking delubyo sa buong kaharian na pinagbuwisan ng maraming buhay bago napigilan ang kapangyarihan nito na tanging ang nakakaalam ay ang mga bayaning pimugil sa aklat.

Ngunit sa kadamaang palad,matagal na.panahon nang pumabaw ang mga bayani at ang kwento patungkol sa aklat at nalimot na nag panahon.

At sa kasalukuyan ay mga piling myembro nalamang ng palasyo ang nakaalam nito mula sa royal family.

“hahaha,nangyayari na ang ating inaasahan matagal na panahon na ang nakakalipas.paparating na ang pinakamalalakas mong tauhan aking hari.
Gaya ng aking prediksyon,sila mismo ang magsusuko ng kanilang mga sarili para sa iyong pamumuno.”sabi ng itim na aninong nagmumula sa aklat.

“Salamat sayo anino,buhat ng dumating ka ay naging mayaman ang aking kaharian.
Tama ka,kailangan lang ng konting sakrepisyo ng maliliit na tao at magiging maayos ang lahat.
At ngayon gaya ng ipinangako mo na darating ang araw para sa apat na mandirigmang ipinangako mo sa akin na syang mamumuno sa aking binabalak na pagpapalawak ng kaharian.
Pero hindi ko parin lubos maisip kung anong koneksyon ng 4 na dati kong matatapat na royal guard sadyang hinasa natin upang maging mga halang ang bituka.”sabi ng hari.

“wag po kayong mag alala kamahalan,malalaman nyo din sa sandaling marating nila ang aking aklat.”sabi ng anino.

“hindi ko parin maintindihan, dahil masmahihina sila sa aking mga shadows guards.sa paanong paraan nila pamumunuan ang hukbo na aking ihahanda para sa pakikidigma.”sabi ng hari.

“magtiwala po kayo kamahalan.nalalapit na po ang inyong pamumuno sa masmalaki at masmalawak na kaharian.”sabi ng anino.

“hahaha,gusto ko yan anino,gusto ko yan.papasukin natin ang mga daga sa lungga ng ahas.”sabi ng hari.

RPG universe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon