Hindi man sigurado sa tunnel na papasukin ay muling pinangunahan ni aslan ang paglalakbay.
"Marami salamat po sa mga pagkain at mga kumot na ibinigay ninyo sa aming apo lyra."sabi ni aslan.
"Walang ano man.masmalaki ang dapat namin ipasalamat sa inyo.
20 sa aming mga kaanak ang muli ninyong naibalik.
Maraming salamat ginoong aslan.kulang pa ang mga bagay na iyan para masuklian namin ang iyong kabutihan.
Mag iingat kayo,ipagdarasal namin ang matagumpay ninyong paglabas."sabi ng apo at ginawaran ng marka sa noo si aslan at ang mga kasama tanda ng pananalig at suporta ng buong clan.Nilisan ng tatlo ang kampo ng clan at nagtungo sa lagusan na ginawang lungga ng mga manchum.
"wag nyong aalisin ang mga tela sa muka nyo at hindi tayo nakakasiguro,sakaling may buhay pa dito sa loob na gaya ng mga manchum.
Akong mauuna.dumistansya kayo sakin ng konti."sabi ni aslan."heto nanamn tayo sa madilim na tunnel.sana naman ay walang kalaban dito sa loob."sabi ni shelly.
"Wala naman siguro,kasi tahimik naman eh."sabi ni petra.
Nang biglang gulatin ni aslan ang dalawa.
"ano yang nasalikod nyo!?"sabi ni aslan.
"Eeeeehhhh!!!.nanay ko po!!."sigaw ni shelly at agad na napatalon kay aslan at yumakap
"eeeiiiiii!!!.halimaw!!"sigaw naman ni petra at napatalon din kay aslan at napayakap din
"hihihi.Biro lang wala naman eh.hahaha."tawa ni aslan.
Biglang umalis sa pagkakayakap ang dalawa at sabay na sinikmuraan si aslan
"Aw!!Ughh kasakit."sabi ni aslan habang tukop ang tyan at naglalakad.
"Hump!.natatakot na nga ang tao dito tapos tatakutin mo pa,ang salbahe mo."sabi ni shelly.
"bagay lang sayo yan.hump!."sabi ni petra.
"hehe.rule number 3.wag magbibiro kapag nasa loob ng tunnel.masama,masama talaga,tatandaan ko to.hehe"sabi ni aslan sa sarili at tumahimik nalang upang hindi mainis ang mga babae..
"may sinasabi ka ba?."sabi ni shelly.
"ah wala wala,sabi ko maglakad nalang tayo ulit.kalimutan nyo yun."sabi ni aslan.
Tahimik na naglakad si aslan sa unahan habang hawak ang maliwanag na talisman na kinuha nya sa kisame.
Matagal na nilakad nila ang tunnel.may kahabaan ito.
At sa layu ng kanilang nalakad ay nalagpasan nila ang teritiryo ng mga manchum na tunnel at may kalayuan na ang kanilang nilalakad.
"Magpahinga muna tayo pagod na ko."sabi ni shelly
Huminto si aslan at tahimik parin na naupo,kumuha ng pagkain sa kanyang bag at tahimik na kumakain kung saan sya naupo.
"Shelly nagtatampo yata.kanina pa hindi kumikibo eh.parang napasobra yata yung ginawa natin."sabi ni petra.
"Palagay ko nga ate,kanina pa hindi kumikibo eh.pag kinausap tatangulang.sandali lang ate at susuyuin ko."sabi ni shell.
Dahan dahan na lumapit si shelly.
"dinalan kita ng tubig,pasensya ka na kanina ha.natakot kasi kami eh.kaya ayun.nasaktan ka tuloy namin.galit ka ba?
Napansin ko kasi,hindi ka kumikibo."mahinahon na sabi ni shelly.Tahimik parin si aslan.na nginunguya ang pagkain at inabot ang tubig.
"hindi naman ako galit,May iniisip lang ako,naalala ko lang yung kapatid kong bunso.madals ko syang biruin gaya ng ginawa ko sa inyo.madalas tinatapakan nya ako sa paa o kaya kinukurot sa pisngi ko,pipilitin nya akong abutin hanggang hindi sya nakakaganti.pero masya kami palgi.
Bigla ko lang talaga naalala ang bunso nami."sabi ni aslan.