Matapos ang dalawang araw na pamamalagi sa piling ng pamilya kanok.
Nagpaalam na si petra at laddis upang ipagpatuloy ang misyon.“Mauuna na muna kami shelly,pagkatapos ng 15 araw ng pamamahinga nyo,sundan nyo nalang kami sa address na ibinigay namin sa inyo,doon nalang namin kayo hihintayin.”sabi ni petra at niyakap si shelly.
“Mag iingat kayo ate,alam kong masaya ka ngayon at magkasama na kayo ni kuya laddis,susunod kami agad pagkatapos ng bakasyon namin dito.
Bawal mamatay ha.hihi”sabi ni shelly.“Oo naman,tatapusin pa natin ang misyon di ba?,sa ngayon sulitin mo ang araw na magkasama kayong dalaw ng sarilinan,dahil ganun din ang gagawin ko.hihihi.kita kita nalang ulit.”sabi ni petra.
“pano aslan aalis na muna kami,sulitin mo araw ng pamamahinga ninyo ni shelly,alam mo na ang gagawin,wag mo nang pawalan yan,kunin mo na ha,alam mo na ang ibig kong sabihin.hehe.”pilyo ni laddis.
Tumango naman si aslan kahit hindi nito naiintindihan ang ibig sabihin ni laddis.
“Hehe,sige kuya,mag iingat kayo,susunod po kami agad ,gusto ko lang syang bigyan ng sapat na pahinga,matagal din po kaming nakulong doon sa ilalim,pansamantala lang muna kaming iiwas sa gulo.
Ikaw na po ang bahala kay ate petra.alam ko naman kuya na iingatan mo si ate.”sabi ni aslan.“Maraming salamat aslan,isa kang tunay na kaibigan,ngayon na kasama ko na ulit si petra,hindi ko na hahayaan na mawalay ulit sa kanya.
Hihintayin namin kayo.”sabi ni laddis at nakipag kamay.Bago umalis ay isa isang iniabot ni laddis ang maskara.
“para sa inyo yan,ginawa ko kagabi,kapag soot nyo yan,magbabago ang kulay ng inyong mga kasootan,baluti at sandata upang itago ang ating pagkakakilanlan.gagamitin natin yan sa mga operasyon.
ginawa ko yan base sa diskripsyon nyo noong papunta tayo dito.”sabi ni laddis.“kita kita nalang ulit aslan,hihintayin namin kayo.maraming salamat.”sabi ni petra at hinalikan sa pisngi si aslan at niyakap.
Sumakay na sa wagon ang magkasintahan at nagpatuloy sa paglalakbay.
Agad na isinoot ni petra ang maskara habang nakasakay sa wagon.
Naging kulay blue ang lahat ng kasootan ni petra.“Kapag soot natin ito at nakahood ,imposible na nila tayong makilala,babalik din agad ang kulay ng mga kasootan natin at kagamitan sa sandaling mahubad ang maskara kayat siguraduhin mong nakatali ng maayos ang mga tali sa maskara mo.”sabi ni laddis.
“malaking tulong ang maskarang ito,ano ba ang unang gagawin natin mahal?”sabi ni petra.
“malapit nang makalabas ang muton,kailangan natin tumulong sa pagpatay ng halimaw,kung hahayaan natin na makarating yon sa kaharian maraming buhay ang manganganib.
Pero habang hindi pa nakakalabas,doon muna tayo sa bahay ko magkasama tayong mag hihintay doon.hayaan mong pagsilbihan kita mahal ko.
May komunikasyon ako sa limang leader ng malalaking clan na naghihintay ngayon sa bukana ng dungeon.”sabi ni laddis.Samantala,ginamit din ni shelly at aslan ang maskara.
Kulay red naman ang kay shelly at black ang kay aslan.
“Wow,ang astig pala nito,napalitan ng kulay lahat ng soot ko,pulang pula na parang puso.
Maganda rin ang sayo,bagay nabagay. ”sabi ni shelly.“Bagay din sayo ang pula,maputi kasi ang balat mo,para kang rosas.
Wala nang mastitingkad pa sa kagandahan mo shelly.”sabi ni aslan.“hihi.hindi mo naman ako kailangan bolahin eh,naturuan ka ni kuya laddis no?”sabi ni shelly.
“hahaha Hindi naman,nagsasabi lang ako ng totoo,ayaw mo yata eh.”sabi ni aslan.