Madaling nahanap ni aslan ang kanyang libreng silid sa advent corner ng kaharian.
Kinabukasa ay maagang nagtungo sa training ng palasyo para simulan ang basic training course ng 60 days period.
Sa buong talaan ng mga adventurer na nakasabay ni aslan ay 20 lang ang nangailangan ng basic training,sila na wala talagang kaalaman sa pakikipaglaban.
At sa 20 iyon ay 10 pa ang mage,5 ang archer,2 ang knight at 2 ang assassin.
Sa makatuwid ay mag isang swordsman si aslan.Inakala nya na may makakasabay pa syang adventurer na magsasanay at pinapalano nyang kaibiganin sana.
Ngunit ikinagulat pa nya ng salubingin sya ng trainer na si master glenmar.
susubok subok pa si aslan nang marating nya ang opisina ng mga kingdom guard warriors.
“Kanina pa kita hinihintay,late ka na ng 2 minutes.ako si glenmar vendic,ang blade master ng palasyo.
Wag ka nang sumilip silip dyan at maupo ka na dito,at gusto muna kitang maeksamen at makausap.”sabi ng blade master.Agad naman na sumunod si aslan sa loob ng opisina.
“ahm,wala po ba akong ibang kasabay na adventurer,parang mag isa lang po yata ako dito sa opisina nyo po?”sabi ni aslan.
“oo tama wala ng iba pa,alam mo ba na bihira na ang kumukuha ng basic swordsman class ng adventurer,dahil ito ang pinakamadali sa lahat,yun ang sabi nila dahil basta marunong ka humawak ng espada.swordsman ka na,
hindi nga nila siniseryoso dahil sa basic training ng knighthood na halos tulad din ng swordsman,kaibahan lang dahil humahawak sila ng kalasag at minsan naman ay sibat imbes na espada.
Sa makatuwid,masmaraming matutunan sa knighthood ang isang trainee na tulad mo.
Hindi mo siguro alam yun hano?.hindi naman importante kasi ang nakasulat sa ID mo.ang importante ay kung ano ang tunay mong kakayahan.
Kasi yung iba,halos sabay sabay ang kakayahan.assassin na archer na warrior at kung kakayanin ay lahat gagawin nila.pero hindi mo yun makikitang nakatala sa id mo.”sabi ni glenmar.“ganun po pala.pero ayos lang po,sa katawan ko po na ito,baka hindi ko kayanin kapag sabaysabay kong inaral iyon.hindi naman po ako mahusay sa pakikipaglaban.
Mabuti na rin po na magfocus ako sa isang sandata lang para masanay ako ng husto sa loob ng 60 araw.
Kinakabahan po talaga ako.dahil kung ano man po ang matutunan ko dito sa inyo ay yun lang ang maaasahan ko sa laban.
Masyado po mahina ang mga skills na meron ako at sa palagay ko ay hindi maasahan sa raid.
Kaya turuan nyo po ako ng mabuti,kayo lang po ang maasahan ko.”sabi ni aslan na noon ay taos ang paghingi ng tulong.Naramdaman ng trainer ang damdamin ni aslan at ang alab ng apoy sa mata ng patpatin na binata.
“hayaan mo at ituturo ko sayo ang nalalaman ko,ako mismo ang magtuturo sayo,maikli ang 60 araw,ngunit pipilitin kong matuto ka ng mga techniques na magagamit mo.
Ano ba ang problema ng mga skills mo na sinasabi mong hindi makakatulong sayo.”sabi ni glenmar.“ipapakita ko nalang po sa inyo ang stats at skills ko.”sabi ni aslan at inilabas ang kanyang stats at skills.
“may kamalasan ka pala talaga sa skills,muka ngang ang mga espada ko lang ang aasahan mo.
Sige nga maghubad ka.para makita ko ang mga energy channel ng katawan mo at mapag arala natin kung tutugma ang sandatang mapipili mo.dito ko kasi malalaman kung may sapat na enerhiya ang katawan mo para sa mga deadly moves ng sandatang gagamitin mo.
Tinataglay ko ang grand art ng blade mastery,kayat ano man ang piliin mo ay maituturo ko sayo.”sabi ni glenmar.“salamat po,pero wala po akong alam sa mga sandata?.”sabi ni aslan.
“madali na yon.sige na hubad na.”sabi ni glenmar.
