Chapter 2

124 3 0
                                    

"napakaganda naman dito ama!" Sabay takbo ng isang batang babae sa hardin na punong puno ng ibat ibang klase ng halaman.

"Mag iingat ka anak" sabi ng isang matandang lalaki na may korona sa ulo.

Habang nag lalaro ang bata ay may nakita itong isang lobo na kasing laki nito. Nilapitan ng batang babae ito kahit na natatakot. Nang nakalapit na ito ay itinaas nito ang palad nya at nilapit sa lobo. Nakapikit naman ang batang babae habang nilalapit nya ang kamay nya. Maya-maya ang lobo mismo ang nag lapit ng ulo nya sa kamay nag batang babae. Binuksan ng batang babae ang mata nya at napangiti sya lobo.

Maya maya ay umalis ang lobo sakanya. Nag taka sya kung san papunta ang lobo kaya sinundan nya ito. Nakita nya na unti unting naging tao ang lobong nakita nya. Nanlaki ang mata ng bata lalo na't humarap ang batang lalaki na walang saplot at nakita nya ang maliit butil sa ibaba ng bata. Napatalikod agad ang bata at nag takip ng bata at napasigaw. Maraming nag si lapit na lalaking puno ng vest na silver.

Tinutukan ng mga lalaki na mukang Sundalo ng spear ang batang lalaki.

"Ayos lang ba kayo prinsesa?"tanong ng sundalo sa bata. Tumango naman ang bata at napatingin sa batang lalaki may saplot na.

Maraming naka tutok na spear dito kaya pinag utos ng batang babae na ibaba ang sandata nila dahil kaibigan nya ang batang lalaki. Sumunod naman ang mga sundalo at lumapit ang batang babae sa lalaki.

Nag usap ang batang babae at batang lalaki hanggang sa nag lalaro na sila ng may isang grupo ng batang babae at lalaki ang lumapit sa kanila. Ang tatlong lalaki ay may ibat ibang kulay ng buhok sa unang lalaki ay asul, ang sumunod ay gray at sa pangatlo ay pula. Sa dalawang babae naman ay isang brown at isang green. Lumapit ang batang babae sa kanila at nakipag usap hanggang sa nag laro na sila.

Habang nag lalaro at napapalayo sa hardin ang mga bata, napunta sila sa dalawang batang nag aaway. Isang batang babae at lalaki. Ang batang lalaki ay may asul na kapa at may hawak ng stick at ang batang babae naman ay may purple na kapa at nakasakay sa broom stick nito. Lumapit ang mga bata sa kanila at tinatanong kung anong meron hanggang sa niyaya ng mga ito ang dalawang bata na makipag laro.

Habang nag lalaro ang mga bata ay napunta sila sa sapa at may nakita silang isang batang babae na sirena. Nilapitan nila ito at nakipag kwentuhan na rito.

Maya maya may isang batang lalaki na naka itim na kanina pa sila pinag mamasdan sa malayo. Kanina pa sya naiirita sa ingay ng mga batang ito. Nag coconcentrate kasi ito upang magawa ang kakayahan nya sa Hardin dahil isa ito sa tahimik sa lugar ngunit hindi na ito tahimik dahil sa mga batang nag sama sama. Lumapit sya sa mga bata at sinabihan nya ito ng wag maingay ngunit ang mga batang babae ay natulala sa ka gwapuhan ng batang lalaki. Ang mga batang lalaki naman ay nilapitan ang lalaki at tinanong ito kung anong uri ng nilalang at napag alaman na isa itong bampira.

Dahil sa nag sama sama na sila nakabuo ang mga bata ng pagkakaibigan at ang tagpuan nila sa sapa sa hardin na sila sila lang ang nakakaalam.

( Kairan's POV )
Napadilat agad ako sa mahimbing napag kakatulog. Ano kayang meron sa weirdong panaginip nayon? Napa shrug nalang ako at nag unat unat nalang bago ako tumayo. Nag linis muna ako ng higaan bago mag hilamos sa banyo.

Pag katapos kong mag banyo ay bumaba nako para kumain ng breakfast.

"Anak alis na kami ng papa mo" napatingin ako kila mama at tumayo.

"Bye ma, bye pa ingat kayo" sabay yakap ko sa kanila.

"Mag ingat karin dito at wag kang mag dadala ng boyfriend dito ah?" Sabi ni papa.

"Luh? Wala nga ko non papa" sabay tawa ko. " Sige na po bye po love you po" sabi ko sa kanila.

"Sige nak love you den" sabay flying kiss ni mama. Kinuha ko kunware ito at nilagay sa puso. Natawa naman si mama sakin. Kumaway ako sa kanila hanggang sa hindi kona nakikita ang tricycle na sinasakyan nila.

Pumasok nako sa loob at nag handa nako sa pag pasok.

7:30 am na nang naka bihis nako. Oo nga pala 8:30 ang pasok daw kaya inubos ko ang oras na iyon sa pag cecellphone ko.

Malapit ng mag 8:15 ay umalis na ako sa bahay at sumakay sa jeep.

Nang makarating na ako sa school ay nag lakad nako papunta sa room ko. As usual pinag titinginan parin ako pero dahil sanay nakong i-ignore iyon ay di kona sila pinansin.

Nag taka ako bat sarado ang pinto ng room nmin.

Prinack kaya ako ni lucas? Pero bat naman nya gagawin yun?

Napailing nalang ako at nag dasal na sana walang teacher sa room namin dahil kung meron man na teacher? awit nalang sakin.

Kumatok ako sa pinto at tinulak ko iyon at nagulat ako na may confetti na tumama sa muka ko.

"HAPPY BIRTHDAY KAIRAN!!!!!!" Bati ng mga kaklase ko. Nanlaki ang mata ko ng nakita ko sila mama at papa ron. Nag taka ako.

Kala koba pupunta sila kila tito Roy? Ano ito? Prank para sa birthday ko?

Nangingiti ako tapos naiiyak.

"Gurl! Happy debu day!! 18 kana legal kana para makulong" sabay yakap sakin ni Ana.

"Legal na para uminom!" Sunod na sabi ni Hilary sabay tawa.

"Te mahiya ka nga andito magulang ni Kairan" saway ni Axel sa pabirong paraan.

"Happy birthday"sabay abot ng flowers sakin ni Lucas.

"YIEEEEEEEEEEEE" nabingi ako sa lakas ng ayiee ng mga kaklase ko.

"Ehem ehem" napatigil ang mga kaklase ko dahil kay papa. Pinalo naman ni mama si papa sa tyan nito at sinamaan ng tingin.

Lumapit sakin si mama at niyakap.

"Dati bata ka palang,ngayon dalaga kana anak" mangiyak-ngiyak na saad ni mama.

"Baby nyo naman parin ako mama eh" sabi ko sabay yakap.

"Kay mama mo lang?" Napatingin ako kay papa. Ngumiti naman ako.

"Syempre kasama ang pinakapogi kong papa" sabay tawa ko. Nag group hug naman kami. Puno ng picturan sa loob ng room namin. Mamayang uwian mag kakaroon ng salo salo sa bahay namin.

Fantasia of Mageia: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon