Chapter 20

62 5 0
                                    

"Ayan ang prinsipe natin!" Napatingin ako kay Abi. "Gwapo nya kahit ganyan." Kinikilig na sabi nito. "Kahit ganyan yan si prince Zaiden marami parin nag kakagusto dyan.Si prince Zoro, Zaiden at princess Zein hayst sana ipasa nila sakin yung lahi nila hihihi" napangiwi ako kay abi.

"Pero alam moba? Pag bumibisita ang mag kakapatid sa bayan si prince Zaiden lang di kasama?" Chika nito sakin. "Sabi sabi nga rito eh, yang mga prinsipe at prinsesa sa stage..." Humina ang boses ni Abi. "Dati daw mag kakaibigan ang mga yan" nanlaki ang mata ko.

'ow?'

"Pero dati? Bat dati?" Takang tanong ko.

"Nag kahiwalay hiwalay ata simula ng mawala yung isa nilang kaibigan. Yun yung lux princess!" Intriga na intriga nako sa kinukwento sakin ni Abi.

" Alam mo ba kasabay ng mawala yung lux princess ay yung dark----"

"Sama kayo?" Natigil ang kwento ni Abi sakin ng kinausap kami ni Josh.

"San?" Takang tanong ni Abi.

"Mag kakaroon tayo ng small party sa magiging room natin mamaya" napatango ako.

"G ako!" Tumingin sakin si Abi.

"Ammmm" nag dadalawang isip ako.

'pupunta bako!?'

"Sama kana please!??? " Sabay puppy eyes sakin ni Abi.

"Sige" sagot ko. Napa yes naman si Abi at tumango naman si Josh.

Tumingin ako sa paligid at tumama ang tingin ko sa grupo ng Royals. Sa grupo lang nila ang tahimik. Nakikita kong nag uusap naman sila ngunit kumpara sa ibang mga mag kaklase ngayon dito na parang ansasaya,sa grupo ng Royals parang ang seryoso nila.

'Lost princess? Mmmmm... Yun bayung nawawalang kaibigan ni Zaiden na patuloy nya paring hinahanap?....baka nga'

Di ko na napansin na kanina pa pala ako nakatingin sa pwesto nila at napalingon ang ibang grupo nila sakin. Nanlaki ang mata ko at umiwas ng tingin.

'ebarg kakahiya!'

( Audrey's POV )

Nangangati ang dila at gusto ko ng sabihin sakanila na naramdaman ko si Kairan ng mag salita si Ruscov.

"Zaiden" napalingon kaming lahat kay Ruscov.

"Nasa teritoryo nyo si Kairan" kumunot naman ang nuo ko.

"Huh? Pinag sasabi mo Rus?" Takang tanong ni Lira.

" Ayokong mag karoon ng away sa pagitan natin guys! Wala ni isa satin ang may kasalanan kung bakit nawala si Kairan---"

"Talaga ba?" Putol ni Efir kay Lincoln.

"Tama na!" Saway ni ate Nedruda.

"Alam naman natin kung sino talaga ang may kasalanan diba?" Sabay tingin ni Efir sakin. Napayuko naman ako.

"Wag mo nga syang sisihin Efir! Lahat tayo May kasalanan kung bakit nawala si Kairan!" Napatingin ako kay
Cerres.

Sinisisi nyako. Malungkot akong ngumiti. Tama kasalanan ko.

"Wait nga lang" Pagitna ni ate Nedruda. "Ruscov, anong sinasabi mona nasa teritoryo nila Zaiden si Kairan?" Napatingin kaming lahat kay Ruscov.

"Nag mamasid ako sa paligid mula ng maramdaman kong umilaw ng puti ang tattoo ko." Yung kaarawan ni Kairan. "Simula non hinanap ko sya at sa di inaasahan ng habang nasa teritoryo ako ng mga bampira at lumalaban sa mga trelos ay biglang umilaw ang tattoo ko." Nanlaki ang mata ko. " Pinuntahan ko sya at nakita ko syang muntik nang malapa ng trelos ng dumating ako."tinignan ko ang muka ng mga kaibigan ko. Attentive silang lahat sa sasabihin ni Ruscov. "Nahanap ko sya. Nakita ko sya ng malapitan." Gusto kong mag comment sa sinabi ni Ruscov ngunit walang lumabas ni isang salita sa bibig ko. "Gusto ko mag palit anyo para makasama sya ngunit sumugod ang mga trelos at wala akong magawa
kundi ang lumaban" huminga sya ng malalim. "Pag tapos ko makipag laban tinignan ko ang pwesto ni Kairan at wala nakong nakita. Pati ang amoy nya walang bakas"

Fantasia of Mageia: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon