"wowwww" sabi ko sabay tingin sa paligid. kitang kita ko ang mga bundok sa malalayo ang mga lawa at mga pamayanan sa malalayo.
"ingat kayo mahal na prinsesa baka mahulog kayo" sabi ng lalaki sa gilid ko.
"sino ka po?" tanong ko rito. nag bow naman ito.
"ako po si Ruello prinsesa ang namumuno sa mga kawal" tumango naman ako.
"kinagagalak kitang makilala ginoong Ruello." tumango naman ito.
binalik ko ang paningin ko sa tanawin.
"malayo pa ba tayo ginoong ruello?" inip kong tanong.
naiihi na kasi ako.
"Malapit na po tayo mahal na prinsesa" tumango nalang ako at ngumiti. nag inhale exahale ako para makalimutan kong naiihi ako.
ilang sandali pa ay may natanaw akong kaharian sa malayo. nanlaki ang mata ko.
"ayon na po ba ang lux kingdom?" amaze kong tanong.
"opo mahal na prinsesa" sagot nito
nag ningning naman ang mga mata ko. sa malayo palang ay kitang kita mona ang kaharian na sobrang liwanag.
tapat pa nito ang sinag ng araw ngunit ayos lang ito dahil hindi masakit sa balat ang sinag nito.
unting unti binaba ng kutsero ang andar ng karwahe hanggang sa lumapag na nga ito sa lupa.
ang mga kasama naming kawal ay nag hilera sa bawat gilid ng dadaanan ko.
'ohhh hehehe ang angas ko naman, eheeee'
inalalayan pa ako ni ginoong ruello. sa dulo naman ay may dalawang mag asawa sa malayo na nakasuot ng kanilang mga korona. nagulat ako ng tinakbo ng reyna ang agwat namin at niyakap ako. nagulat ako ng umiyak ito.
"anak ko!" sabay hagulgol nito. naiiyak naman ako.
kinalas naman ng reyna ang yakap nito sakin at hinawakan ang pisngi ko gamit ang dalawa nitong kamay. tinitigan ako nito ng mariin sa mata at hinalikan sa noo.
"mahal na mahal kita anak ko" sabay yakap ulit nito sakin. naramdaman ko naman ng may lumapit samin at ito na siguro ang hari. kumalas ang reyna sakin at ang sumunod na yumakap sakin ay ang hari.
yumakap naman ako pabalik.
"maligayang pagbabalik anak ko" sabi nito sakin sabay punas sa luha kong tumulo.
"George tawag ng hari sa lalaking nakatayo sa gilid namin."
"yes your highness?"
"mag handa ka ng celebration sa ika 160 na araw.malapit na ang kaarawan ng aking anak at sa araw na iyon gusto kong icelebrate ang pag babalik nya kasama ng kaarawan nya"
"yes your highness" sabi nito sabay alis.
sinama naman nila ako papunta sa loob ng kaharian. namangha naman ako sa ganda ng dekorasyon. may mga statue pa at mga larawan na pinta ng mga hindi ko kilalang tao.
dinala ako ng hari at reyna sa dining hall at napakalawak naman. napakaputi pa. may mga dumating na tagapag silbi at pinag lalagyan ng mga utensil ang mesa at nako po napakaraming tinidor at kutsura naman nito.
isa isang nilapag ang mga putahe at napakarami nito.
may mga assistant sa mga gustong kuhaing pagkain ng hari at reyna. inalok narin ako at puro karne ang kinuha ko.
tinignan ko kung ano ang ginamit ng hari at reyna na utensil sa pagkain at ginaya ko. fork at knife. wow sosyal. naiilang naman ako.
may kung ano akong gusto maramdaman pero hindi ko alam kung ano iyon kaya napailing na lamang ako.
"ok ka lang ba anak?" tanong ng reyna.
"opo mahal na reyna." sagot ko rito. nalungkot naman ito.
"bat ganyan ang tawag mo sakin anak?" tanong nito.
"po? - a ano po kasi, s-siguro hindi lang po ako sanay staka po, w-wala po akong m-maalala" utal utal kong sagot. nanlaki naman ang mata nung dalawa at dahan dahan naiyak ang reyna.
"nako po, aking mahal hindi tayo maalala ng ating anak" lumapit naman ang hari sa reyna at niyakap ito.
"wag kang mag alala, maalala nya rin tayo. diba anak?" sabay tingin nito sakin.
dali dali naman akong tumango. tumango narin ang reyna at pinunasan ang tumulong luha.
pag katapos naming salo salo kumain ay dinala nila ako sa Hardin.
"naalala ko pa non na lagi tayong tatlo tumatambay rito at nag lalaro anak" sabi nito na may ngiti sa labi. ganun din ang hari.
"oo tapos mahilig ka tumambay rito para mag basa ng mga paborito mong libro." tumango naman ako.
"pero nakakapag taka bigla ka nalang nag iba anak, akala namin nag ka sakit ka kasi namutla ka non" kwento ng reyna.
"po? bakit ano pong nangyari?"
"pag katapos mo kasing mamasyal kasama ng kawal ay nag iba kana pero buti nlng bumalik ka sa dati ng sinabi mong gusto mo ulit mamasyal. kaya nakilala mo mga kaibigan mo". kumunot ang noo ko.
"po? sino po?" nalungkot naman ang reyna.
"sila princess audrey,princess marina, princess nedruda at princess lira pati na sila prince thunder, prince lincoln, prince efir, prince cerres, prince ruscov at prince zaiden" nanlaki ang mga mata ko.
"m-mga kaibigan ko po sila?" tumango naman ito.
'kaya pala parang kilalang kilala nila ako kase kababata ko naman pala sila'
"pero yun nga isang araw bigla mo nalang silang iniwasan" kumunot naman ang noo ko.
"po? b-bakit ko naman po sila iniwasan" curious kong tanong.
"yun nga ang hindi namin alam pero lagi sila bumibisita rito pero ayaw mo silang harapin kase ang sabi mo sakin hindi mo sila kilala" kumunot ang noo ko.
"oh? pero ano pong nangyari after po nun?"
"mmmm wala naman pero pagkatapos non pumayag kang sumama sa kanila pero may binubulong bulong ka nun pero hindi ko narinig" tumango nalang ako.
pag katapos ng usapan na iyon ay pinasama ako ng reyna sa mga tagapag silbi para ayusan na daw ako. nag taka pako kung para san ako aayusan yun pala para makatulog na.
nilapitan naman ako ng mga taga pag silbi at hinawakan ako sa damit.
"ops ops opss a-anong ginagawa nyo?" taka kong tanong.
"huhubaran po namin kayo mahal na prinsesa" sabay bow nito. nawindang naman ako.
"h-huh? b-bakit nyoko h-huhubaran?" sabay yakap ko sa katawan ko.
"para makaligo na kayo mahal na prinsesa" sabi nito.
"handa na ang paliguan" sabi ng isang tagapagsilbi. lalapit na sana ulit sila ng...
"hep hep hep... dalhin nyo nlng ako sa paliguan staka ako na mag huhubad malaki nako" ilang na sabi ko. tumango nlng sila sakin.
"phweh" hinga ko ng maluwag
pagkatapos kong maligo ay nakahanda na ang damit kong pantulog at napakasosyal naman ng pantulog ko.
'material ghorl💅'
pumunta nako sa kama at nagulat ako dahil napakalaki nito. tinakbo ko ito at lumundag at geezz napakalambot!.
'kung kasama ko lang siguro si tiny siguro matutuwa rin yon'
nalungkot naman ako.
umayos nako ng higa at natulog na...
BINABASA MO ANG
Fantasia of Mageia: The Lost Princess
Fantasyshe is an ordinary woman living in the mortal world. but unexpectedly, they were attacks by the dark creatures. a portal appeared in front of her and she went to the strange world that was new to her. she met many people in that world until she foun...