Chapter 8

68 2 0
                                    

Hawak hawak ko ang pulang bato na binigay sakin nung matandang babaeng binigyan ko ng banana cue noon.

Bumili nako ng stock na pagkain para kila giya. Dinala kona ito sa bahay at bago ako umalis kiniss ko muna sila sa noo habang tulog pa sila.

Hinanap ko ang store ng witchcrap para bumili ng gagamitin ko papunta sa Valdomor kingdom.

Tumunog ang bell sa pinto ng binuksan ko ito. Ewan ko pero parang may pumasok sa katawan ko na kakaibang elektrisidad.

Dali daling lumabas may lumabas na late 40's na babae. Matanda na ito pero mahahalata mona maganda ito nung dalaga pa. Nag tama ang tingin namin.

Lumapit ako sa kanya kahit parang may ackward air saming dalawa.

"Ammm meron po ba kayong gamit na mag tatayo ng amoy ko?" Tanong ko rito.

"Dito ka lang" sabi nito at umalis. Tumambay lang ako dito sa counter nya at nilibot ko ang tingin.

Napangiwi ako ng may nakita akong mga jar ng mata, tenga at kung ano anong nakakadiring bagay. Nilapitan ko ang jar ng mga mata at tinitigan ko ng tumingin sa direksyon ko ang mga mata. Napasigaw ako sa gulat.

Napaatras ako at napatingin sa likod ko ng may humawak.

"Ok ka lang iha?" Sabi ng matandang babae sa counter.

"Ah opo" sabay atras sa kanya. "Ah matanong ko lang po" sabi ko sabay kamot sa siko ko "para san po ang mga mata yun?" Sabay turo sa jar na puro mata. Tumingin naman din ang babae dun.

"A third eye yan" sabi nito sabay kuha sa jar. "Kung gusto mo makakita ng mga engkanto magagamit mo ito. Ilalagay mo ito sa palad mo at ito ang mag sisilbing mata mo para makakita ng engkanto" sabi nito sabay balik ng jar sa lalagyan. Tumango ako. Humarap sakin ang matanda at may inabot na kwintas sakin.

"Ito ang hinahanap mo" tinanggap ko ito sa kanya at nakakapag taka na pangil ito. Napansin ata ng matanda ang pag kunot ko. "Ito ay pangil ng bampira. Habang suot mo ito hindi ka maamoy o mapag kakamalan na tao."

'oh?'

Napatingin ako sa pangil nayun. "Ngunit...." Napatingin ako sa babae.
"Kagaya ng isang bampira, makakatanggap ka ng lakas, bilis at liksi tulad ng isang bampira" nanlaki ang mata ko.

'Cool!'

"At kagaya ng isang bampira,.... makakaranas karin ng pag kauhaw sa dugo", sabi nito na nag palaki lalo sa mata ko.

'nge?"

"Po? Bat may side effect?" Tanong ko rito. Kumunot lang ang noo nito. " Ah wala po" sabi ko ito. "Ah oo nga pala,... May gamit din po ba kayo panlaban?"
Tumango naman ito at umalis ulit.

Habang nag aantay ako tumunog ang bell na hudyat na may pumasok. Napatingin ako sa pinto at wala akong nakita ni isa ron. Kumunot ang nuo ko ng napatingin ako sa baba ng may maliit na ingay akong naririnig duon.

Isang maliit na batang babae na kasing dangkal lang ng kamay ko na binubuhat ang maliit na karton. Naawa ako dahil mukang pagod na pagod na ang batang babae kaya kinuha ko ang karton.

Napatingin sakin ang batang babae nung nilagay ko ang dala nya sa counter. Ngumiti ito ng pagka cute.

"Yamat po!" Sabi nito. Ngumiti rin ako dito.

"Your welcome" sabi ko rito.

"Eto ang armas" napatingin ako sa matandang babae na nasa tabi kona.
Inabot nya sakin iyon at kinuha ko naman. "Mag isip ka lang ng armas at mag huhulma iyan ayon sa naisip mo"

Nakanganga ako habang tinitingnan ang armas.

"Angas!"

"Tiny ikaw pala" sabi ng matandang babae sa batang babae. Tumango ang bata.

"Ibabawik ko po iyon" sabay turo sa box na nasa counter. Niluhod ko ang isang tuhod ko sa sahig at nilagay ko ang palad ko sa tapat nung maliit. Kumunot noo nito sa una at ngumiti pag katapos. Sumakay sya sa palad ko kaya nilagay kona sya sa counter.

Kumunot ang nuo nung matandang babae at napatingin sa box.

"Panong nasainyo ito?" Tanong ng babae. Kumunot ang noo ko.

"Nikuha ng amo ko po, tapos nikuha ko win paya ibawik" sabi nito sabay upo sa counter. Mukang nanghihina sya. Namumutla kase.

"Kumain kana ba?" Tanong nung babae.

"Di po" napailing naman ang matanda sa sagot ng batang nangangalang Tiny.

"Dyan ka muna may kukunin lang ako" sabay alis nito. Maya maya bumalik ito ng may dalawang tinapay at inabot kay Tiny "Hay nako bat ayaw mo pa kaseng iwan ang amo mo tiny?" Namomroblemang ani nung matandang babae. Ngumuso naman si tiny.

"Bawal ko sya iwan po" sabi nito sabay kagat sa tinapay. "Nag pwamise po ako at ang pwamise ng isang faiwy ay di na babayi"

"Anong promise bayan?" Tanong nung matanda. Nilunok muna ni Tiny ang kinakain nya bago nag salita.

"Ganito po, Ako shi Tiny na pag shishilbihan si moya at aayagaan ko sya at aayagaan nya win ako" sabi nito at kagat sa tinapay.

"Hay nako Tiny ni di ka naman inaalagaan ng amo mo! Di ka nga binibilhan ng bagong damit." Sabi nito at tinignan ko ang suot ni Tony. Kulay itim at parang gawa sa medyas ang damit nya. Tinignan din ni Tiny ang damit nya.

"Ah di po! Biyi ito ni moya sa pusod at uso daw po iyo" sabi ni Tiny at kagat sa bagong tinapay.

"Uso? Wala akong naririnig na damit na gawa sa medyas naging uso na isuot tiny!" Sabi ng matanda. Ngumuso naman si tiny at parang naiiyak.

"Pag niiwan ko sya waya pong mag aayaga sakin" sabay punas sa luha. "Isa akong faiwy pewo wayang pakpak" walang mag aalaga? Imposible naman ang cute nya kaya maraming willing mag alaga sakanya.

"Ako! Pwede akong mag alaga sayo" sabat ko sa usapan nila. Tumingin naman sila sakin.

"Oh diba? May gustong mag alaga sayo" sabi ng matandang babae. "Iwan mona ang amo mong mala alagad ng dark kingdom sa ugali! Staka kala mo di ko nakikita na nag kakapasa ka sa ginagawa ng amo mo?" Sabi ng matanda. Nanlaki ang mata ko.

'Sino kaya amo neto?Pa isa lang ng sampal'

Umiiyak lang ang tugon ni Tiny.

Naawa naman ako kaya binuhat ko sya at nilagay sa palad ko.

"Wag kanang umiiyak" sabi ko rito. "Gusto mo sumama ka nalang saki----"

"Tiny!" Napatingin kami sa babaeng kakapasok lang ng tindahan.

Fantasia of Mageia: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon