Chapter 1

189 5 0
                                    

"BANANACUE, TURON!,BANANACUE! TURON! BANANACUE! TURON KAYO DYAN!" Sigaw ko habang dumadaan daan sa bahay bahay.

"Iha pabili ako!" Lumapit ako sa matandang babae na sumigaw.

Nilapag ko ang bilao sa lamesa sa harap ng bahay nila.

"Dalawang turon at dalawang bananacue iha" sabi nito. Kinuha ko ang dalawang turon at bananacue sa bilao ko at nilagay sa plastic labo. Inabot ko sa kanya iyon.

"50 pesos po lahat" sabi ko. Binigyan naman nya ako ng isang daan kaya sinuklian ko sya ng singkwenta.

"Salamat po" sabi ko sabay kuha ng paninda at umalis na.

Ubos na ang turon at dalawang bananacue nalang ang natitira. Pauwi nako ng bahay namin dahil malapit na mag ala sais ng gabi. Nang napagod ako sa kakalakad napag disisyunan kong umupo muna dahil ansakit na ng paa ko sa ilang oras kong pag lalakad.

Nilapag ko ang paninda ko sa tabi ko at iniunat ko ang mga binti ko.

Pag katapos kong mag unat tumunog ang tyan ko. Kumuha ako ng bananacue sa bilao ko at kinain iyon.

Mmmmm sarap...

Kumagat ulit ako sa bananacue ng tumama ang tingin ko sa matandang babae na madungis. Nakatingin sya sa direksyon ko. Kumagat ulit ako sa bananacue ko at nakita kong sinusundan nya ng tingin ang pag kain ko.

Tumingin ako sa bilao ko at kinuha ko ang huling bananacue roon at lumapit sa matanda.

"Ito po la" sabi ko sabay ngiti.

"Iha wala akong pambayad" sabi nya na nag aanlinlangan.

"Libre po ito lola kaya sige na po at kunin nyo na" sabi ko at inabot ko sakanya. Kinuha nya naman ito sakin.

"Maraming salamat iha" sabi nya na naiiyak.

"Walang anuman lola kaya sige na po at kumain kana. Bye po la" sabi at tatalikod ng tinawag ako ni lola. Humarap naman ako kay lola.

"Bakit po?" May inabot sya sakin na pulang bato.

"Kunin mo iha" kinuha ko naman ang inaabot nya sakin. " Ingatan mo yan iha. Alam kong kakaylanganin mo iyan sa hinaharap" sabay ngiti sakin ni lola. Nag tataka man ay tumango nalang ako.

"Maraming salamat po" sabi ko sabay ngiti. Ngumiti naman ang matanda sakin. Tumalikod nalang ako at binalikan ang bilao. Nag lakad na ako at sinubukan kong silipin ang matanda ng wala akong makita.

Humarap ako sa pwesto ng matanda ngunit wala na iyon. Nilibot ko ang paningin ko ngunit wala nakong nakita. Kinikilabutan ako kaya dali dali akong nag lakad ng mabilis paalis sa lugar na iyon.

Binuksan ko ang pintuan ng bahay namin.

"Nakauwi nako!" Sigaw ko at nakita ko si papa na nakaupo sa sofa at nanonood ng wrestling.

Lumapit ako kay papa at nag mano.

"Asan po si mama?"

"Nasa kusina anak" sabi nito na nakatingin parin sa tv.

Pumunta ako sa kusina at nakita kong may hinihiwa si mama.

"Oh anak" sabay lapit sakin ni mama. Nag mano naman ako. Binaba ko ang bilaong hawak ko sa lamesa.

"Ano pong ginagawa nyo mama" sabay back hug ko sakanya.

"Nag hihiwa ng rekados na gagamitin ko upang maluto ang paborito mong sinigang na baboy" sabi nya ng nakangiti. Nanlaki ang mata ko.

"Talaga pooooo?" Ngumiti naman sakin si mama. "Yessss" sabay talon ng maliit. "Tulungan na kita mama"

"O sige." Sabay kuha ni mama ng plastic. " eto hugasan mo nalang itong baboy" sabay bigay sakin ni mama. Tumango naman ako at pumunta sa lababo.

Nang natapos nako ay binigay ko kay mama ang baboy at pinaalis nya na ako sa kusina para mag bihis na daw ako kase amoy pawis daw ako.

Umakyat ako sa kwarto ko at naligo.

Pag katapos kong maligo ay nag bihis nako at nag bukas muna social media account. Napatingin ako sa messages.

Lucas:

Kairan, bukas 8:30 ka pumasok ah?

Nag taka naman ako. 7:30 kase dapat nasa school na kaya nakakapag taka kung bakit 8:30 ang naging pasok bukas.

Ako:

Bakit? Anong meron?

Lucas:

May announcement kase sa SG namin kaya ganun.

Ako:

Ahhh ok.

Isa akong grade 12 student sa Carlos University. Hindi naman ako matalino. Masipag lang talaga ako. Gusto ko kase pag katapos kong mag aral sa college ay mabibigyan ko ng magandang pamumuhay ang pamilya ko. Si mama ay isang mananahi at si papa naman ay isang tricycle driver.

Maraming nag sasabi na maganda daw ako. Hindi ako nagiging vain pero yun talaga kadalasan ang sinasabi ng iba sakin. Tulad ng kapitbahay namin. Sinabihan nyako nun pero ang sagot ko ay mana ako kay mama. Pero malayo raw. Hindi naman pangit si mama pero marami daw kaming pag kakaiba. Ako ay natural na red hair at si mama at papa naman ay black. Pag nag eenroll ngako sa school lagi akong sinasabihan na mag pakulay ng buhok kase bawal daw may kulay kaya lagi kong sinasabi na di ako nag papakulay at natural hair yun. Tinatanong nga ako lagi kung may half ba daw ako. Sinasabi ko na fil am ako. Filipino amput* pero syempre joke lang yun. Di pa nga ako nakaka pag enroll ay kick out na agad ako.

Napatingin ako sa pinto ko ng bumukas ito.

"Kain na nak" sabi ni mama. Tumango naman ako kay mama at tumayo at umalis na sa kwarto.

Umupo nako sa lamesa at sinandukan na kami ni mama ng ulam

"Mmmmm asim kilig" sabi ko. Natawa naman si mama sakin at umupo sya sa katapat kong upuan.

"Pray muna bago kumain" sabi ni mama sabay tingin sakin. Tumango ako at pumikit.

"Lord, maraming salamat sa blessing na binibigay nyo sa nakakain naman sa araw araw at sa walang sawang pag bigay samin ng blessing. Thank you Lord and amen" sabi ko sabay dilat.

Nag lagay nako ng kanin sa mesa at kumain na.

"Nga pala nak, aalis kami ng mama mo bukas." Napatingin ako kay papa

"Po? San kayo pupunta?" Tanong ko.

"Aalis kami ng mama papunta kila tito Roy mo. Baka gabihin kami don" sabi nya. Tumango naman ako.

"Ok po. Ingat po kayo bukas" sabi ko. Pag katapos namin kumain ay nag hugas nako at nag handa na para matulog.

Fantasia of Mageia: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon