Umuwi na kami sa bahay at tinuloy ang kasiyahan.
May pa videoke pa kami sa bahay at isinayaw ako ng mga lalaki kong classmate kase daw debu ko raw. Naka dress ako sa araw ng birthday ko pero dapat daw gown kaso ayoko kaya dress nalang.
"Anak halika rito!" Napatingin ako kay mama at lumapit sakanya. Niyakap nya naman ako. "Happy birthday sa anak kong prinsesa"
"Thank you ma" sabay yakap ko pabalik. Lumapit naman samin si papa at nakisali. Nasa gitna nila akong dalawa habang may nag pipicture samin.
"Anak may regalo si mama para sayo" sabay abot sakin ni mama ng isang maliit na box. Tinignan ko ito ng malungkot.
"Mama naman eh dapat di kana nag regalo. sobra sobra na yung ginawa nyo sakin" sabi ko na naiiyak. Sumimangot naman si mama.
"Ano ka ba naman nak! Deserve mo lahat ng ginawa namin ng papa mo dahil isa kang mabuti, masunurin at mabait na anak samin" sabay punas ni mama ng luha ko.
"Thank you mama love you po" sabay yakap ko sakanya.
"Love you den nak. Kaya sige na buksan mona ang gift namin sayo"
Tumango ako at binuksan ang box. Ang laman ng box ay isang puting amulet at ang lace nito ay ginto.Napakaganda neto at mukang bago. Tumingin ako kay mama.
"Thank you ma" sabi ko.
"Akin na nak, isuot ko sayo" binigay ko naman iyon kay mama at sinuot nya sakin. "Ang ganda mo talaga anak! mana sakin" sabay tawa ni mama.
"Naman ma" sabi ko na nakangiti. Lumungkot ang mata ni mama.
"Anak basta tandaan mo na mahal na mahal ka namin ng papa mo" malungkot nyang sabi.
"Alam ko po iyon ma. Mahal ko rin kayo ni papa" sabay yakap ko kay mama. Niyakap naman nyako pabalik.
"Sige na nak pumunta ka na sa mga kaibigan mo at mag enjoy ka." Sabi ni mama. Tumango naman ako at pumunta sa mga kaibigan ko.
"Picture picture tayo mga te!" Sabi ni Axel samin kaya lumapit naman kami sa kanya.
Malapit ng mag alasdose ng napag pasyahan kong pumunta ng CR kase nangangati nako sa mga koloreteng nilagay sakin ng mga kaibigan ko.
Ginawa ko rin nga palang bracelet yung pulang bato binigay ng ale. Nilagyan ko ng tali.
Nag pupunas nako ng wetwipes sa muka sa loob ng kwarto ko. Sa tapat ng kama ko meron akong malaking salamin kaya kita ko ang buong katawan ko roon.
Habang nag pupunas ako biglang umilaw ang kwintas ko. Hinawakan ko ito na nag tataka.
Anong nang yayare?
Kinuha ko ang suot kong amulet at hindi ko alam kung namamalikmata ba ako kasi biglang nag iba ang itsura ng amulet na regalo ni mama. pinikit pikit ko ang mata ko at tinignan ko ang kwintas pero wala naman nag iba. siguro nga namamalikmata lang ako. Habang nakatingin ako sa hawak ko ng may narinig akong sigawan.
Dali-dali akong bumaba at nanlaki ang mata ko ng may nakita akong itim na usok na hugis tao sa bahay namin. Kasama neto ang mga ang puro butong nilalang na kasama ang mga kaibigan kong natatakot.
Napatakip ako sa bibig ng nakita kong nasa lapag ang kaibigan kong si Axel na sumusuka ng dugo.
Ang mga magulang ko ay hawak ng isang matang nilalang na nakakatakot. Umiiyak ang mama ko habang ang papa ko ay nanlaban. Napasigaw ako ng sinaksak ng nilalang na iyon ang papa ko.
Dali dali akong tumakbo roon ngunit hinarangan ako ng puro butong nilalang. Hinawakan nya naman akong naiiyak at natatakot.
Kitang kita ng dalawang mata ko
ang unti unti nilang pag patay sa mga kaibigan ko. Hinaklit ng mama ko ang kanyang braso sa pag kakahawak at may lumabas na kung anong itim na bagay sa kanyang paladItinapat nya iyon sa puro butong nilalang na nakahawak sakin.
Lumapit sakin si mama na naiiyak.
"Anak makinig ka sakin! Sa oras na matanggal ko ang nakabantay sa pinto natin tumakbo ka at wag ng lumingon pa sa pinang galingan mo! Naiintindihan moba ako?" Sabi ni mama.
"Hindi kita iiwan ma!"sabi ko rito na umiiyak.
"Anak please! Makinig ka sakin! Gusto kitang protektahan! Kaya makinig ka!" Sabay tutok ni mama ng palad nya at may tumamang itim na mahika sa nag tangkang lumapit samin.
"Pag pa patay ko sa nilalang na nasa pinto tumakbo kana! Tandaan mo mahal na mahal ka nmin ng papa mo" sabi nya na naiiyak.
"MAMA!" Napasigaw ako ng sumugod si mama sa pinto at pinatay ang nilalang na naka bantay dito.
"TUMAKBO KANA!!!" Ngunit nanatili parin ako na umiiyak. " TUMAKBO KANA ANAK PLEASE" kahit ayoko ay tumakbo ako. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko na nakatingin sakin si mama habang may nakatarak sa tyan nya. Babalik na sana ako para tulungan sya ng umiling sya. She smiled at me and say, "Mahal na mahal kita anak" then she fall down.
Pupuntahan ko na sana si mama ngunit hindi ko magawa dahil tumambad sakin ang mga nakakatakot na mga halimaw na nakatingin sakin at tumakbo. Sa takot ko ay tumakbo rin ako ng tumakbo.
Ngunit dahil tao lang ako ay madali nila akong naabutan. Itatarak na sana nila ang sandata nila ngunit biglang umilaw ang aking kwintas at lumiwanag sa paligid ko. Ang mga halimaw na nakapaligid sakin ay naging abo. Sa gulat ko ay di agad ako nakatayo ngunit ng may nakita akong mga halimaw ay tumakbo na ulit ako.
Nakalayo layo nako sa mga humahabol sakin na halimaw ngunit hindi parin ako makampante dahil baka mamaya may sumulpot at yun na ang aking katapusan.
Umiiyak parin akong tumatakbo dahil sa mga senaryong paulit ulit na gumugulo sa isip ko.
"mahal na mahal kita anak"
"TUMAKBO KANA!!!"
"TUMAKBO KANA ANAK PLEASE"
Hindi ko nakita ang daan ko kaya nadapa ako. Umiiyak akong sinubukan tumayo pero napakasakit talaga ng paa ko kaya napaupo ako. Wala na kong nagawa ngayon kundi ang umiyak.
Umiiyak akong nakaluhod habang inaalala ang masasayang pangyayari sa buhay ko kasama ang pamilya at kaibigan ko ng may napansin akong liwanag sa kwintas ko.
Hinawakan ko ito at nagulat ako ng umalis ang liwanag sa loob ng kwintas ko at lumutang ito sa ere at nag hugis oblong na may liwanag.
Nagtataka man kung bakit naisip kong pumasok doon na para bang may nag uudyok sakin. Pumasok ako sa loob at parang may pumasok sa katawan ko na kung anong mainit na bagay dahilan ng pag ka bagsak ko sa sahig at pag kawala ko ng malay.
BINABASA MO ANG
Fantasia of Mageia: The Lost Princess
Viễn tưởngshe is an ordinary woman living in the mortal world. but unexpectedly, they were attacks by the dark creatures. a portal appeared in front of her and she went to the strange world that was new to her. she met many people in that world until she foun...