"aww!" Daing ko habang umuupo sa pag kakahiga. "Asan bako?" Sabi ko sabay tayo.
Tumingin ako sa paligid at papalubog palang ang araw. Kinuha kona ang bilao kong walang laman sa lupa at pag kuha ko don may dalawang pilak na naroon.
"San galing to?" Sabi ko sabay kuha sa dalawang pilak. "Nga pala ano ba nang yare bat ako natutulog sa sahig---- yung babae!" Sabi ko ng maalala ko yung babaeng naka cloak. Di ko nakita ang muka nya pero may binato syang kung ano sakin dahilan ng di ko pag hinga.
"Baka bayad nya to?" Sabi ko. Binulsa ko nalang iyon at umalis nako don. Pumunta nako sa tagpuan nmin nila Giya.
"Ate bat antagal mo?" Tanong ni giya sakin pag karating ko.
"Sorry may nangyare kasi eh, nga pala naubos nyo yung paninda nyo?" Tanong ko sa kanila.
"Ah oo ate! Sabi nga ng iba ansarap daw nun staka balik daw ako dun bukas" sabi ni giya. Tumango ako.
"Ikaw piyo?"
"Ubos din ate! Andaming bumili sakin" tumango ako.
"Galing nyo naman." Sabay tawa ko. "Sige na't mag si uwi na tayo" sabi ko. Sumunod naman ang dalawa.
Pag uwi namin ng bahay nakakapag taka at wala pa si nanay isme roon.
"Bat wala pa si nanay?" Tanong ni piyo sabay tingin kay giya. Nag kibit balikat naman si Giya.
"Mag pahinga muna kayo, ako muna mag luluto ng pagkain natin" sabi ko sa dalawa.
Pumunta nako sa kusina at nag luto. Pag tapos kong mag luto ay kumain na kaming tatlo at maya-maya pag katapos kumain naka tulog na ang dalawa sa sobrang pagod.
Humiga nako sa higaan ko at natulog narin.
"Ate Destin! Ate Destin! Si nanay!" Umiiyak na takbo ni piyo at giya habang nag luluto ako ng pag kain namin.
"Bakit anong nangyare?" Tanong ko sa kanila. Hindi parin umuwi si nanay isme mula kagabi kaya nag aalala na ang dalawa kaya lumabas muna sila para hanapin si nanay isme.
"Si nanay dinakip ng mga guwardiya!" Umiiyak na sabi nito.
"Panong nadakip? Staka san nyo naman nasagap ang balitang iyan?" Takang tanong ko sa kanila.
"Sinabi samin ni kapitan nakita daw nila na may babae daw na dinakip daw dahil nag nakaw. Nung una di ako naniniwala kase di naman yun magagawa ni nanay pero nung tinanong ko sa kanila anong itsura nung dinakip detalyadong detalyado na si nanay nga yung dinakip" umiiyak na sabi ni giya.
"D-dyan lang kayo! Bantayan mo giya yung niluluto ko at wag mo iiwan si piyo."sabi ko sa kanila sabay labas ng bahay. Nag tanong tanong ako kung may kilala ba silang dinakip na babae kahapon at oo daw meron.
"Kilala nyo ba yung dumakip don?" Tanong ko sa dalawang matandang babae. Umiling silang pareho.
Anong oras na at di pko nakakain pero di yon dahilan para mawalan ako ng lakas para hanapin si nanay isme. Di ko hahayaan na may mawala pa sa tinuturing kong pangalawang pamilya.
Sa ilang oras kona atang pag hahanap ngayon ko lang nakuha ang sagot.
"Yung babaeng nag nakaw daw ay kinuha ng mga guwardiya ng kaharian daw ng Valdomor"
"Valdomor?" Taka kong tanong.
"Oo" sagot nito.
"Asan ba yung Valdomor kingdom dito?" Tanong ko sa matandang babae.
"Ah napakalayo nun iha." Sabi nito. " Nga pala bat mo tinatanong iha? Balak mo ba pumunta dun?" Tanong nito.
"Ah opo" sabi ko rito.
"Hala iha, wag kana tumuloy delikado ang kaharian nayun, tapos maraming mga bampirang uhaw na uhaw sa dugo baka napano kapa dun" sabi nito.
"Bampira po?" Taka kong tanong.
"Oo bampira. Kaharian ng bampira ang Valdomor kaya wag kana tumuloy" sabi nito.
Edi nasa delikadong lugar pala si nanay isme?
Kaylangan ko syang iligtas!
"San po ba ang kaharian ng Valdomor?" Tanong ko ulit dito. Para namang nadisappoint si ate.
"Pupunta ka talaga dun iha?"tanong nito.
"Opo, andun po kase ang nanay-nanayan ko" sabi ko rito tumango naman si ate.
"Sumakay ka ng tren iha papuntang silangan. Pag karating mo ron mag iingat ka. Maraming pagala galang bampirang uhaw sa dugo. Isa iyon sa suliranin ng kaharian kaya bago ka pumunta dun, kumuha ka muna ng mga armas na babaunin mo at isang kagamitan na mag tatago ng amoy mo." Sabi neto.
Amoy ko?
Inamoy ko ang sarili ko.
Di naman ako mabaho
napansin ata ni ate na inaamoy ko ang sarili ko. Natawa naman ito.
"Iha ang ibig kong sabihin ay amoy ng dugo mo"natatawa nitong sabi. Nahihiya naman ako tumingin dito.
"Sige na iha, mauna na ako marami pakong gagawin. Mag iingat ka sa pag lalakbay" sabi neto nag pasalamat naman ako at umalis na si ate. Umalis narin ako para mag handa sa pag lalakbay.Umuwi ako sa bahay at nag baon ng onting damit.
"Ate san ka pupunta?" Tanong ni giya.
"Iiwan mona kami?" Tanong din ni piyo.
Lumapit ako sa kanila.
"Babalik ako din. Pupuntahan ko lang si nanay isme at ibabalik dito" sabi ko sa kanila. Kumunot ang mga nuo nila.
"Asan ba si nanay ate?"
"Napahamak ba si mama ate?" Tanong nilang dalawa.
"Di ko alam kung anong nangyare kay nanay pero ipapangako na ibabalik ko sya dito" sabi ko sa kanila. Tumango naman sila. "Kaya kayong dalawa mag iingat kayo. Wag kayo sasama kung kani-kanino." Tumingin ako kay giya. "Ikaw giya ikaw ang pinaka matanda alagaan mo si piyo ok?" Tumango naman si Giya. Tumingin naman ako kay piyo. "ikaw piyo, wag kang mag papasaway sa ate giya mo" sabi ko rito tumango naman sila. "Ah oo nga pala, marunong kaba mag luto giya?" Tumango naman ito.
"Kaso onti lang alam kong lutuin" sabi nito.
"Bibili ako ng stock nyo ng pagkain bago ako aalis. Mag iiwan din ako ng pera kapag nangulang ang pagkain nyo. Pag kasyahin nyo nalang ang ibibigay ko sainyo kasi di ko alam kung kaylan ako makaka balik"sabi ko sa kanila. Tumango naman sila.
"Good sige na mag si tulog na kayo" sabi ko sa kanila."Aalis kaba bukas agad ate?" Tanong ni piyo.
"Hindi. Bibili muna ako ng mga kakaylanganin nyo tas pag tapos non aalis nako" tumango naman sila.
"Mag iingat ka ate ah?" Sabi ni piyo.
"Naman ako pa! Sige na mag si tulog na kayo" tumango naman sila at pumikit na.
BINABASA MO ANG
Fantasia of Mageia: The Lost Princess
Fantasyshe is an ordinary woman living in the mortal world. but unexpectedly, they were attacks by the dark creatures. a portal appeared in front of her and she went to the strange world that was new to her. she met many people in that world until she foun...