Chapter 44

42 2 0
                                    

"po?" tanging nasabi ko nalang.

"Kairan!!" sabay lapit sakin ng mga royals. kinunutan ko naman sila ng noo.

"b-bakit?" tumigil naman sila sa harapan ko. tinitigan nila ako.

"h-hindi mo ba kami naalala?" napangiwi naman ako tapos dahan dahan na napailing. napatakip naman sa bibig yung witch princess. nalungkot naman yung muka nung mermaid Princess.

"baka kaya hindi nya tayo naalala because of incident nong bata pa tayo?" sabi nung wizard.

"oo nga no? pwedeng makalimot dahil sa cause ng trauma" napatango naman sila.

napatingin lang ako sa kanila kase wala akong naiintindahan sa mga pinag sasabi nila.

"princess" sumingit naman yung kawal ng lux Kingdom.

nagulat naman ako ng sakin ito nakaharap. tinuro ko naman yung sarili ko.

"ako?" tumango naman ito.

"mahal na prinsesa sumama po kayo samin pabalik sa kaharian ng lux Kingdom. inuutos ito ng reyna." nanlaki ang mata ko.

'pinatatawag ako ng reyna ng lux Kingdom???'

"Bakit daw po?" tanong ko rito. pero hindi ako sinagot ng kawal.

"hindi maaaring kwestyunin ang utos ng hari at reyna." napalingon ako kay red hair guy.

"tara na po mahal na prinsesa" sabi ng kawal at pinakita ang karwahe na may pegasus. nawindang naman ako. dali dali ako lumapit sa kabayo at hinawakan ang pakpak neto.

"gagi legit na pakpak!" sabay tingin ko sa royals at tumawa. tumitig lang sila sakin.

"tara na po mahal na prinsesa" napatigil naman ako sa pag tawa at tinignan yung kawal.

"pero--"

"alam kong naguguluhan ka at maraming katanungan kairan, makukuha mo lang ang kasagutan kung sasama ka sa kanila papunta sa kaharian nyo" putol sakin ng witch princess.

"pero yung mga kaibigan ko---"

"wag kang mag alala kami na ang bahala sa mga bessy mo" sabi nung babaero raw sabi ni abi.

napatango nalang ako at sumakay na sa karwahe. pinaandar naman ng kutsero yung karwahe at na amaze naman ako. tinignan ko yung mga royals sa baba nung nasa taas na kami. kumaway naman sila kaya kumaway ako pabalik.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
(Unknown POV)

sumusugod ang mga dark creatures ngayon dito sa Epiviosi Academy.

'di na talaga sila makapag intay na mapasa kanila ang kaharian ng dark kingdom tss.'

napailing ako. kaylangan ko na matapos tong misyon ko. napahawak ako sa dibdib ko ng sumakit ang puso ko.

napakahina ko talaga compair sa kanya. pinahid ko ang luha ko at pumunta sa tagong lugar para masagawa ang inkantasyon.

kaylangan ko ipagpalit ang dalawang kwintas na hawak ko. ang dark amulet ay pansamantalang gagawin kong lux amulet at ang lux amulet ay pansamantalang gagawin kong dark amulet.

alam kong pag nalaman nilang ginawa ko ito mapapahamak ako or worst maari akong mamatay pero ito lang ang tanging paraan para matama yung mga kasalanan ko. gusto ko ng bumalik sa tama ang lahat, gusto ko ng bumalik sa pamilya ko at sisimulan ko to sa mga kwintas na hawak ko.

bumigkas na ako ng inkantasyon at ng matapos na ay nakita kong nag palit ng anyo ang dalawang kwintas. tumayo nako at dali daling umalis sa lugar na iyon. sinilip ko ang mga hawak kong kwintas.

Fantasia of Mageia: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon