Lumapit ang babae sakin at kinuha sa kamay ko si Tiny.
"A-away ko" naiiyak na daing ni tiny sa hawak ng babae.
"Pano mo nagawang mag trydor sakin?!" Sabi ng babae na gigil na gigil. Umiiyak lang si Tiny.
Di ko napigil at nag salita nako.
"Pakawalan mo si Tiny" sabi ko sa babae. Tumingin naman ito sakin at natatawa.
"Sino ka naman para utusan ako?"sabi nito sa nakakabanas na tono.
"Bitiwan mona si tiny"sabi ko ulit at tumawa lang ang babae.
"At bat ko gagawin? Sino kaba?" Sabi nito na natatawa. "Wait.... Diba ikaw yung ampon ni isme?" Tumawa ulit ito "akalain mo nga naman nandito ang ampon ng mag nanakaw" at tumawa ulit sya. Naikuyom ko ang kamao ko.
" Di mag nanakaw si nanay!" Pagalit kong sabi dito. Tumingin naman sya sakin sa maluha luha na mata dahil sa pag tawa.
"Panong di mag nanakaw? Diba nga dinakip sya ng mga kawal ng mga bampira kasi nga nag nakaw sy----"
"Isa pang ulit ng mag nanakaw mag sisisi ka" putol ko sa kanya. Tumawa naman sya.
"Oh? Nakakatakot ka naman" sabay tawa nya. "anong gagawin mo sakin ah?" Sabay ngiti nya sakin "Ampon ng mag nanaka---" di ko na sya pinatapos at sinapak kona sya sa mukha.
Nabitawan nya si tiny kaya sinalo ko ito at nilapag ko sa counter na nanginginig.
Tinignan ko ang nakakabanas na babae na naka higa sa sahig. Tumayo sya at galit na tumingin sakin.
"Anong karapatan mong gawin sakin yon!" Sigaw nya sakin
"Binalaan na kita" sabi ko sakanya. Tinignan nya ako sa nanlilisik na mata at sumigaw bako sumugod sakin.
Umilag ako sa atake nya at tinulak sya ng pagkalakas lakas. Napahiga sya ulit sa pangalawang pag kakataon. Lumapit ako sa kanya at linuhod ang isa kong tuhod.
"Mula ngayon, ako na mag aalaga kay Tiny" sabi ko rito.
Dumilat agad sya at tumingin sakin.
"Hindi p-pwede!" apila nya sa sinabi ko. Tumayo sya kaya tumayo narin ako sa pag kakaluhod "A-akin s-sya!" Tumingin ako kay tiny. Nanginginig sya habang umiiyak. "T-tiny" tawag nito kay tiny.
Tumingin naman si tiny rito na umiiyak.
"Ha-halika rito" utos ng babae kay tiny. Ngunit umiwas lang ito ng tingin.
"TINY!!" sigaw nya. "Lumapit ka rito!"Umiling si tiny. Nanlaki naman ang mata ng babae.
"Bat ka umiiling ah!?? Sasama ka sakin! Pag katapos ng mga ginawa ko sayo! Pinalamon kita kaya sasama ka sakin! Tingin mo may mag titiis pa sayo na fairy na walang pakpak?!?" Tumawa ito. "wala! Kaya sasama ka sakin kasi ako nalang makakapag tiis sayo----" di na natapos ng babae ang sasabihin ng may sumampal sakanya. Nagulat ako at napatingin sa sumampal.
Yung matandang babae pala.
"Umalis ka sa tindahan ko!" Sigaw ng matandang babae. Napatingin ako sa babae na hawak ang pisngi nya."Di ako aalis hangga't di ko kasama si tin----"
"Di ako shashama sh-shaiyo!" Sabi ni tiny na nag pupunas ng luha.
"A-ano?!?" Nanlaki ang mata ng babae. "Sasama ka sakin!sa ayaw o sa gusto mo!" Lalapitan na sana nya si tiny ng humarang ako kaya tumama ang tingin nya sakin. "Tumabi ka dyan!"
"Umalis kana sa tindahan ko kung ayaw mong may gawin pkong iba sayo para mapaalis ka rito" sabi ng matandang babae. Tumingin naman ang babae sa May ari ng tindahan.
"Mag sisisi ka tiny! Tandaan mo yan!" Sabay walk out ng babae.
"Iha" napatingin ako sa matandang babae. "Maraming salamat at pinagtanggol mo si tiny sa babaeng iyon" ngumiti sya sakin at ngumiti naman ako pabalik.
"Walang ano man po" sabi ko rito.
"Ako nga pala si Yina Samartan. Tawagin moko bilang Yina. Yina lang ah? ayoko ng nanay o lola kasi bata pako" sabi neto. Natawa naman ako.
"Ako naman si Destin Roxas" sabi ko rito.
"Kinagagalak kitang makilala Destin" sabi nito.
"Same po" sabay ngiti ko rito. Kumunot naman ang noo nya.
"Ah-- kinagagalak ko rin po kayong makilala miss Yina" sabi ko rito. Ngumiti naman ito. " Nga po pala... Mag kano po yung mga binili kong gamit!?" Tanong ko rito.
"Ahh, mag munang isipin iyon iha, bayad kana basta alagaan mo si tiny at wag syang pababayan" sabi nito. Nanlaki naman ang mata ko.
"T-talaga po!?" Pag siguro ko rito. Tumango naman ito. " Marami pong salamat" tumingin naman ako kay tiny at lumapit. "Tara na?" Ngumiti naman ako saknya.
"San po tayo pupunta?" Tanong nito.
"Papunta akong Valdomor kingdom. Pupuntahan ko si nanay" sabi ko rito. Tumango naman ito at sumakay sa kamay ko. Nilagay ko naman sya sa balikat ko.
"Upo ka sa balikat." Sabi ko rito. "Ok ka lang ba dyan?" Tumango naman ito. Tumingin ako kay miss Yina. Mauna na po kami. Tumango naman ito.
"Mag iingat kayo" sabi nito at tumango naman ako.
Lumabas na kami sa tindahan. Lumapit ako sa bilihan ng pagkain. Bibili din ako ng bag para sa pag lalagyan ko ng mga gamit ko.
"Mag kano po ito?" Tanong ko sa isang tyanggi.
"Isang pilak lang po" nag bigay naman ako ng isang pilak mula sa supot ko. Nilagay ko sa bag ang kwintas at ang metal na nag huhugis ng kahit na anong armas base sa iisipin ko. Sunod kong pinuntahan ang mga nag titinda ng pagkain.
"Anong gusto mo tiny?" Tanong ko rito.
"Po? Wag nyo na po ako ishipin"sabi nito.
"Mahabang pag byabyahe ang gagawin natin kaya pag di ka pumili ng kakainin magugutom ka" sabi ko rito.
"Ammm napay po tapos bewis" sabi nito. Tumango naman ako.
"Ate pabili naman po ng limang tinapay at isang kilo ng berries po" Tumango naman ito. Pagka bigay ng pagkain sakin nag bayad naman ako.
"Kuha ka Tiny" sabi ko rito. Kumuha naman ito ng tinapay.
"Shawap po!" Sabay nguya ng dahan dahan sa tinapay. Tumango naman ako at ngumiti.
Bumisita rin ako sa tyangge na puro damit at balabal. Bumili ako ng tatlong maliit at tatlong malaking damit at short saming dalawa ni tiny.
Pag katapos ay pumunta na kami sa bilihan ng ticket ng tren. Pag katapos ng ilang minuto ay nakabili na kami ng ticket at sumakay na kami sa tren. Umupo ako sa bakanteng upuan. Nilagay ko si tiny sa hita ko dahil nakikita kong pumipikit pikit ang mata nya na hudyat na inaantok na sya. Umandar na ang tren at sinandal ko ang ulo ko sa bintana nito at pumikit na.
![](https://img.wattpad.com/cover/272002163-288-k454494.jpg)
BINABASA MO ANG
Fantasia of Mageia: The Lost Princess
Fantasyshe is an ordinary woman living in the mortal world. but unexpectedly, they were attacks by the dark creatures. a portal appeared in front of her and she went to the strange world that was new to her. she met many people in that world until she foun...