Chapter 18

70 3 0
                                    

Andito ako ngayon sa karwahe. Kasama ko si tiny ngayon. Papunta na kami sa Epiviosi Academy ngayon at hindi nako makapag hintay. Wahhhhhh!!! Excited nako!!

Ilang oras ang itinagal ng tumigil na ang sinasakyan kong karwahe. May pinadalang kasama ang reyna sakin. Katulong ko raw sa pag bubuhat ng gamit ko.

Nakakahiya nga eh, yung damit na binili ko kasama si tiny yun lang meron ako. Tapos binilhan pako ng reyna ng damit. Take note di lang damit! Ibat ibang klase ng mamahaling damit! Grabe nga eh! Tinalo yung sikat na mga Brand. Chanel, LV, Dior, at Gucci.

Sa entrance ng palang ng school mahahalataan mong malaki. Gate palang abot langit na sa sobrang taas. Pag pasok ko sa loob may nakikita akong mga istudyanteng nauna rito. Muka silang mamahalin.

Nakakailang nga eh yung iba grabe makatitig sakin kala mo artista.

"Sino sya?"

"Prinsesa?"

"Anong kaharian daw?"

"May nag bibitbit pa ng gamit baka nga prinsesa?"

"Ang ganda nya!"

Rinig kong bulungan sa paligid ko.

Nilibot ko ang tingin ko.

An tataas ng mga building!. Mukang tinalo yung mga company building sa sobrang taas! Ang lawak pa ng school. Tapos akala ko namamalik mata lang ako pero legit na may coffee shop sa loob ng school. May nakikita pakong resto dito angas!.

Nag titingin tingin pko ng may lumapit sakin na lalaki. Matanda na sya. May tinuro sya sakin at napatingin ako sa gawing iyon at isang karwahe sa loob ng school?. Pinasok ang gamit ko sa loob kaya pumasok na rin ako.

"Maharlika te?!"

"Yung simbolo!"

"Bampira!"

"Prinsesa ng mga bampira?"

Habang umaandar ang karwahe palayo sa mga nag uusap ay nakaramdam ako ng pagkakaba.

Ewan ko pero parang big deal yung sinabi nila sakin.

'prinsesa? Baka personal maid'

Sabi ko sa isip ko. Tumigil ang sinasakyan ko sa isang building.

Bumaba ang kasama ko dala ang mga gamit ko. Bumaba narin ako kase alangan naman mag stay ako don. Pinag titinginan ako ng mga ibang istudyante dito.

'bat ba sila tingin ng tingin?'

Kahit ayoko silang pansinin naiilang ako sa mga tinginan nila.

"Prinsesa?"

"Baka mayaman lang?"

"Mayaman pero kasama ng mga tauhan ng reyna ng bampira? Tignan mo yung simbolo!"

"Amputi! 100% bampira yan!"

"Bampira tapos andito?"

Sumakay ako sa isang parang elevator ata dito? Ang galing tumataas at bumababa din sya ayon sa floor na gusto mo

Tumigil ang sinasakyan ko sa di ko alam na floor.

'wait nga lang! San bako? Sinusundan ko lang tong kasama ko'

Tumigil ako tas nakakapag taka tumigil din si kuya.

Hinihintay ko kung san sya papunta pero nakahinto lang sya.

"San tayo papunta kuya?" Tanong rito. Napakamot nalang si kuya sakin.

"Hindi ko po alam ma'am, sinusundan ko lang po kayo"

'wadapak?!'

Hindi na ma-explain ang istura ko ngayon.

Kung ganon muka kaming tanga lakad ng lakad tapos di alam kung san papunta?

Di pa first day of school pero stress nako.

"Ma'am?" Napalingon ako sa tumawag ata sakin. Ang ganda nya ah. "Kaylangan nyo po ba ng tulong?"

'anghel!'

"Ah, oo di ko kase alam kung san ako papunta. Dapat talaga pupunta ako sa magiging dorm ko kaso di ko alam eh" tumango naman sya.

"May id ka po ba?" Tumango ako at binigay sakanya. Nanlaki ang mata nya. "Sa deluxe dorm po pala kayo" sabi nito.

"Deluxe?"

"Ah opo. Tara at sundan nyo po ako at dadalhin ko kayo sa magiging dorm nyo" tumango ako at sinundan sya. Lumabas kami ng building na pinasukan namin.

'amp pati driver ng karwahe di alam!'

Nakakahiya man pero pinilit ko mag poker face habang nag lalakad.

"Sabi sayo mali eh!"

"Pero tama ako na bampira sya!"

Dahil sa kahihiyan binilisan ko mag lakad papunta sa nakatambay na karwahe.

'ito yung nag hatid sakin sa maling building ah?'

Siningkitan ko ng tingin yung driver.

"Pasensya na ma'am, maling lugar ho pala ito, sa susunod na building po pala yung dorm nyo"sabay Yuko neto.

Napabuntong hininga ako. Sumakay nalang ako sa karwahe kasama ng babae na tumulong sakin. Nakatingin ito sakin at parang kinakabahan.

"Ayos ka lang po ba?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman ito. Ewan ko pero parang di sya nag sasabi ng totoo.

Tumigil ang karwaheng sinasakyan namin. "Dito na po talaga ba kuya?" Tanong ko sa driver.

"Opo ma'am" tumango naman ako at bumaba na. Pag baba ko ibang lamig yung bumungad sakin. Maraming tao ang nakatingin sakin.

'glutathione party bato? Bat lahat ng tao dito ampuputi?'

Pumasok nako sa building at ang building nato parang pinamana pa sa kanuno nunuan. Kung walang ilaw dito at hindi malinis na lugar iisipin ko talagang hunted to.

Sumakay nako sa elevator ata dito. Walang nag oopen sesame dito parang elevator ito ng mga sinaunang panahon.

Tumigil ang elevator sa pinakamataas na floor. Nag lakad na kami at tumigil ang babae sa isang pinto.

"Dito na po ang room nyo" sabi nito. Tumango naman ko.

"Marami pong salamat" sabay ngiti ko rito. Nanlaki naman ang mata nya. Para syang nakakita ng multo sa itsura nya. Tumingin ako sa likod ko baka may nakita sya. Old building pa naman ito baka malay mo.

"W-walang ano man po" sabi nito at yumuko. Umalis na sya kaya binuksan ko na ang magiging kwarto ko.

Nasilaw ako sa sobrang liwanag ng kwartong ito. Laglag panga kong nilibot ang tingin ko. Sinarado ko ang pinto at pumasok sa loob. May lutuan dito, may sofa at book shelf, may malaki ding open window. Sinarado ko iyon at tinakpan ng kurtina. Maganda sana yung bintana kaso di magandang view nakita ko ron. Puno na wala man lang dahon. Creepy.

Napatalon ako ng may bumagsak na gamit. Pag lingon ko yung kasama ko pala na may dala ng gamit ko.

"Kuya! Muntik nako mag ka heart attack sainyo!" Sabay hawak ko sa puso ko.

"Sorry ho ma'am" Tumango naman ako. Tumango din si kuya at lumabas na ng dorm ko.

'dorm pa ba to? Mukang penthouse na to eh'

Napailing nalang ako at binaba ang bag kong suot. Nasa loob ng bag ko ay si Tiny. Bawal daw kaseng mag dala ng kahit anong pet or kasama. Di ko naman pet si Tiny at kaibigan ko sya kaya dinala ko sya.

Binuksan ko ang bag ko at lumabas naman si tiny.

"Ok ka lang ba?" Tanong ko rito. Tumango naman ito.

"Excited nako mamaya tiny! Wah! Opening ball!" Sabay higa ko sa kama. Sa di inaasahan ay nakatulog ako.

'kasalanan ng kama! Anlambot!'

Fantasia of Mageia: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon