Tumunog ang tyan ko habang nakasakay parin kami sa kabayo. Hindi ako makalingon sa likod ko sa kahihiyan.
'kakahiya ka naman self'
Hindi ako gumawa ng kahit anong kilos sa sobrang kahihiyan. Nakakarinig ako ng maingay at sa tingin ko ay malapit na kami sa bayan.
Tama nga ang hinala ko pero ang nakakapag taka kung bakit pinag titinginan kami ng mga tao.
'ah oo nga pala kasama ko yung prinsipe ng mga bampira'
Tinigil ng kasama ko ang kabayo sa isang bahay. Bumaba yung kasama ko at ang walang hiya di man lang ako inalok ng kamay para tulungan bumaba at nakatayo lang sa tabi.
Matalim ang tingin ko sa kanya at naramdaman nya ata ang masamang tingin ko saknya kaya lumingon sya sakin.
"Baka naman?" Sabay pameywang ko.
Nag dikit naman ang kilay nya."Marunong kang sumampa sa kabayo tas di marunong bumaba?" Sabay taas kilay sakin.
'Taray!'
"Mag papatulong lang bumaba kung ano na pumuputok sa butchi mo!" Banas kong sabi dito.
"Bababa ka ba dyan o aalis na tayo at hahayaan kitang magutom sa byahe?" Sabi nito.
"Eto naman di mabiro! Eto na bababa na" nilipat ko ang isang binti ko paharap sa kanya at tumalon para makababa. Nag pagpag ako ng damit at ngumiti ng pilit sa prinsipeng bwiset.
Napailing nalang ito at naunang mag lakad. Umamba naman akong sasapak sakanya sa gigil ko pero nung lilingon ata sya ay dali dali kong dineretso ang mga kamay ko at nag titingin tingin sa paligid kunware.
Pag pasok namin sa loob ng bahay ay nakita ko na isa pala itong kainan at andaming mga matchong balbalsing mga lalaki. Muka silang Vikings.
Anlalaki ng mga baso nila na alam kong laman ay alak tapos sa ibabaw bula. Rinig na rinig ko ang maiingay nilang tawanan.
'ano bang lugar nato!?'
Hindi lang mga balbasing mga lalaki ang naririto. May grupo din na mga binata na parang nag pre-prepair sa kung anong ganap nila sa buhay.
Tumigil ang kasama ko sa isang mesa kaya umupo ako ron. May tinawag syang babae at may sinabi sya ron. Pag ka alis ng babae ay tumingin ako sa kasama ko.
"Asan tayo?" Sabay lingon ko sa paligid.
"Garzon" sagot ng kasama ko. Tumingin ako sa kanya kasi akala ko may idudugtog pa sya ron. Kumunot naman ang noo nya kase di parin naaalis ang tingin ko sa kanya. "Ano!?" Irita nyang tanong.
"Oh? Bat ka nanaman galit?! Parang tinitingnan ka lang eh,staka anong meron ba sa Garzon? Staka bat ba ang tipid mong mag salita ah!?" Banas kong tanong sa kanya.
"Alam mo ba pwede kang mahatulan ng pag kamatay sa ginagawa mo?" Tumaas ang isang kilay ko
"Bat naman ako hahatulan?!" Naging bored naman ang tingin nya sakin.
"Baka nakakalimutan mo kung sino ako?!"
Nanlaki ang mata ko na napatingin sakanya.
"Parang di naman tayo mag kaibigan!" Sabay suntok ko ng mahina sa braso nya. Sinundan nya naman ng tingin ang kamay ko. Tinago ko naman iyon.
"Di kita kaibigan" sabi nito. Napahawak ako sa puso ko at nag kunwaring nasaktan sa sinabi nya.
"Grabe ka naman sakin!"sabi ko rito. Napailing naman ito sakin.
Maya maya ay dumating na ang babae at may nilapag na mga plato sa harap namin. Amoy palang ay lalong nag wala ang mga alaga ko sa tyan.
Kinuha ko agad ang tinidor at kutsara at sumubo ng karne. Napapikit pako.
MmmmmMmmm!
"Anong hayop to?" Tanong ko sa kasama ko.
"Deer" tipid nitong sagot.
"Walang baboy dito? Baka o di kaya manok?" Curious kong tanong. Kumunot ang nuo ng kasama ko at uminom muna sa mug bago sumagot sakin.
"Anong tinutukoy mo?" Tanong nito. Kumunot ang nuo ko.
'di nya alam? Wawa naman'
"Ah wala" sabi ko rito. Habang kumakain kami rito ay napapasin ko ang mga taong nag lalabas pasok mula sa isang kwarto. Napakaingay rito. Pag tapos kumain ay tumingin ako sa kasama ko.
"Anong meron don?" Sabay turo ko sa kwartong yon. Tumangin din ang kasama ko ron at walang emosyon na sumagot.
"Wrestling" sabi nito. Nanlaki ang mata ko.
"Tara nuod muna tayo!" Masaya kong sabi ko rito. Kumunot ang nuo nya.
"Wag na" sabi nito. Ngumuso naman ako.
"Dali na! Kj nito!" Sabi ko rito. Nag please sign pako rito. Huminga sya ng malalim bago pumayag sakin. "Yes!" Masaya kong pag diriwang.
Pumasok kami sa kwartong iyon at nakita ko ang mistulang ring nila sa baba. Mali lower ground pala ito. Nakapalibot ang mga hagdan na ginawang upuan. Punong puno ng mga tao ang lugar na ito. Kitang kita ko sa baba na hawak ng isang lalaki ang kalaban nya sa leeg at namumula ang kalaban nya. Pinalo ng lalaki ang sahig at sign ata ito ng give up na yung lalaking sakal sakal. Nag hiyawan ang mga tao sa loob dahil sa pagkapanalo ng lalaki na nasa baba. Nag ingay yung lalaki sa baba nag sisigaw sigaw na parang sira. Sinusuntok pa yung dibdib habang sumisigaw.
"Sino pa dyan ang gusto lumaban kay Koyong!" Sigaw ng emcee sa baba. Ilang minuto pa ang tinagal bago may sumagot.
"Ako!" Napalingon kami ron at lalaking malaking katawan ang gustong lumaban sa Koyong na lalaki sa baba.
Nag hiyawan ang mga tao at napatakip ako sa tenga.
Nag ready ang dalawang lalaki sa baba upang mag laban.
Maya maya ay nag laban na sila. Napasigaw din ako kasama ng mga tao dito sa sobrang excite.
Pinag susuntok na ni Koyong ang lalaki at inipit ang dalawang paa. Maya maya ay lumayo si Koyong sa lalaki at biglang tumakbo at nakapormang dadaganan nya ang lalaki. Napasigaw ako sa sobrang intense ng laban. Nanalo ulit yung Koyong sa laban.
"Ganda ng laban no?" Sabi ko na nakatingin kay Koyong. Wala akong narinig na reply sa kasama ko. Nag sisigaw sigaw si Koyong at pasuntok ulit sa dibdib. Pinapakita nya ata na sya ang hari ng laban dito.
Nag tanong ulit ang emcee kung sino ang gusto lumaban. Wala pang sumasagot. Napatingin ako sa kasama ko.
Nakatingin lang din sya sa laban.
"Tingin mo? May makaka talo pa dyan kay Koyong?" Sabay balik sa baba ang tingin. "Well imposible ata. Laki nung katawan eh. Nag babarbell ata. Staka katakot kalaban." Daldal ko sa kasama ko na wala man lang reply. Mag rereklamo na sana ako ng nag taas ang kasama ko ng kamay.
Nag ingay ang crowd. Nanlaki ang matang tumingin ako sa kasama ko.
"Anong ginagawa mo!?" Napalingon ako sa mga tao.
"Lalaban" pipigilan ko na sana sya ng bumaba na sya.
'fvck!'
BINABASA MO ANG
Fantasia of Mageia: The Lost Princess
Фэнтезиshe is an ordinary woman living in the mortal world. but unexpectedly, they were attacks by the dark creatures. a portal appeared in front of her and she went to the strange world that was new to her. she met many people in that world until she foun...