Umagang umaga kumatok sila Sanya at Abi sa dorm ko dala dala ang mga gown nila. Ang gown ko naman ay nakasabit sa wall ko kasama ng white shoes na binili rin kahapon.
Nilalagyan ako nila Abi at Sanya ng lipstick at blush on sa mukha ko. Napatingin kami sa pinto ng may kumatok. Binuksan naman ito ni Abi.
Pumasok ang isang kaklase naming si Aba na dala dala ang isang box. Nag taka naman kami.
"Wahhhhhh!" Dali dali namang lumapit si Sanya rito at kinuha ang box. "Thank you talaga!"
"Walang anuman. Sige na mauna nako" tumango naman Sanya.
"Anong meron sis?" Sabay lapit ni Abi kay Sanya.
"Mask natin!!" Masayang sabi ni Sanya
"Mask?" Taka kong tanong
"Yeah girl! Masquerade ball ang gaganapin mamaya at dinala na dito ni Aba ang magiging mask natin" sabi Sanya.
Binuksan ni Sanya ang box at nakita ko ron ang tatlong mask. Isang yellow, green at white mask. Inabot ni Sanya ang yellow mask kay abi at sakin naman white.
"O my gosh! Excited nako mamaya!" Masayang sabi ni Sanya.
"Tsk. May partner kana ba?" Tanong ni Abi rito.
"Oo naman!"Masayang sabi ni Sanya.
"Sino?" Tanong ko.
"Si ano-- j-josh" naiilang na sabi nito. Nag tinginan kami ni Abi at nanliit ang mata namin.
"YIEEEEEEEEEEEE!" Asar namin kay sanya.
"Ano ba! Partner lang naman! Walang halong malisya" sabi nito
"Weh?" Duda namin ni Abi.
"Oo nga!." Nakasimangot naman nito. "Bat kayo sino partner nyo?"
"Wala"sagot ni Abi.
"Tsk! Yayain mo na kasi si Lowan--"
"IH!. Yoko nga" tanggi nito.
"Ay ewan ko sayo!" Tumingin si Sanya sakin. "Sino partner mo?"
"Si president" sabi ko rito. Nanliit naman ang mga mata nila. "Kayo malisyosa kayo. Kuya kuyahan ko lang si Keil!" Sabi ko sa kanila.
"Sus" tanging sabi nila. Napailing nalang ako.
Malapit na mag 19 pm kaya bumaba na kami papuntang field. Pag rating namin don, marami akong nakitang mga babae at lalaki na nag gagandahan sa mga suot nila. Yung iba halatang pinag handaan.
Pumunta kami sa assign seat namin. Nakita ko ang mga kaklase kong nag gagandahan at nag gwa-gwapuhan sa mga suot nila.
Pag upo namin don at halos mahimatay ako sa kilig ng niyaya ni Lowan si Abi na maging partner nya sa ball.
Kinikilig naman ang ate mo Abi! Kinakanchawan kasi silang dalawa. Sa huli pumayag naman si Abi.
"Kunware reception to ng bagong kasal" sabi ni mark.
"Iw! Like so Gross!" Sabay taray ni jain. Naka pink mask sya at pink gown den. Wala naman kaming narinig na comment kay hanjo kaya lalo syang inasar.
"Uy! Di na tumatanggi!" Asar ni Josh.
"Tsk! Patigilin mo nga tong bebe mo Sanya!" Tawag ni Hanjo sa katabi ko. Naka sky blue mask si Hanjo ganun din ang coat nya.
'Grabe! Barbie and Ken'
"YIEEEEEEEEEEEE!" Inasar naman sila Sanya at Josh. Natatawa naman kami.
After ilang minuto ay nag simula narin ang ball. Nag sayaw sayaw na ang mag kaka partner rito at nag sasayaw kami ngayon ni Keil.
"Ang ganda mo Destin" Sabi ni Keil sakin.
"Alam ko" sagot ko rito. Napailing nalang si Keil sakin at natatawa.
Pag katapos naming mag sayaw ni Keil ay umupo nako. Maya maya ay Nakaramdam ako ng pag ka ihi kaya nag CR muna ako sa sobrang layo ng CR natagal pako. Babalik na sana ako sa field ng may narinig akong agos ng tubig. Sinundan ko iyon at dinala ako nito sa lawa. Ang ganda rito. Punong puno pa ng alitaptap. Masaya naman akong umupo sa sahig. Tinignan ko ang repleksyon ko sa sapa at nakita ko ang itim kong buhok. Hindi ako nag dalawang isip at tinanggal ko ang kwintas ko. Nilagay ko iyon sa bulsa ng gown ko. Kitang kita ko sa lawa ang repleksyon ko kung pano naging pula ang itim kong buhok. Ngumiti naman ako.
"Aray!" Napahawak ako sa braso ko ng sumakit iyon. "Argh!" Kulay itim ang kulay non.
Nakarinig ako ng foot step ng kung sino na palapit sa pwesto ko. Dali dali kong sinuot ang kwintas ko. Lumingon ako sa likod ko at buti nalang may mask ako. Naka mask din ang lalaking nakatitigan ko. Ewan ko kung ako lang pero may kung anong emosyon mula sa lalaki ang nakikita ko mula sa mata nya.
"Kairan" mahinang bigkas nito. Nanlaki ang mata ko.
The heck?
'kilala nyako?'
"Pinag s-sasabi mo?"utal kong sabi rito. Ngunit wala syang sinabi ni isang word sakin. titig na titig ito sakin.
Lumingon lingon sya sa paligid ko na kala mo may hinahanap."It's strange" bulong nito pero rinig ko.
'pinag sasabi nito?'
Hindi ko makilala ang lalaking kaharap ko. Naka mask sya ng itim dagdagan pa may ginawang spell ang school para matago ang amoy ng bawat student at tinanggalan ng familiarization sa bawat boses nito para di makilala. Makilala mo lang ito kung makikita mo ang mukha nya.
Napabuntong hininga ako."What's your name?" Tanong ng lalaking ito.
"Ah.....mmm"
'sasabihin ko ba ang pangalan ko? Wag na nga lang---'
"Wag monang subukan na mag isip ng ibang pangalan" napatingin ako rito.
"Tsk. Destin. Ang pangalan ko ay Destin" Sabi ko rito. Kumunot naman ang nuo nito.
"Destin? As in yung babaeng napakaingay na kala mo kinakatay sa sobrang ingay----"
"Oy grabe ka naman sakin!" Putol ko sa sasabihin nya. " Bat ikaw sino ka?"
"You guess" sabi nito.
"Base sa pustura mo...... Mahilig sa black, lagi kang nakakunot ang noo, pag mag sasalita laging harsh at higit sa lahat kinakausap lang kala mo may ginawa kang kasalan sa kanya kaya ang guess ko ay ikaw si prince Zaiden---"
"Alam mo bang pwede kang mapatawan ng parusa sa pag describe mo sa pinakaguwapong prinsipe---" pinutol ko ang pagiging vain nya sa pamamagitan ng pag tawa ko. May pa punas Luha pako at sa base sa mukha nya ngayon nababatrip sya. "Bat ka tumatawa?" Kumunot nuo nitong tanong.
"Grabe prince Zaiden---ppfftt.." maluha luha nako. Ngayon ko lang narinig ang prinsipe na'to na sinasabihan nya ang sarili nya na gwapo.
'well gwapo naman talaga sya'
Pero ayokong sabihin sa kanya baka lumaki ulo nito ni prince.
BINABASA MO ANG
Fantasia of Mageia: The Lost Princess
Fantasyshe is an ordinary woman living in the mortal world. but unexpectedly, they were attacks by the dark creatures. a portal appeared in front of her and she went to the strange world that was new to her. she met many people in that world until she foun...