Ramdam ko ang mga tingin nila sakin.
'naiilang ako yawaa'
Nagulat kaming lahat ng biglang yumanig ang lupa at may malakas na inerhiya ang paparating sa paaralan.
Nanlaki ang mata naming lahat ng dumating ang mga....
"Light creatures"
Sabi ng ilan rito.
Maraming nabuhayaan ng loob lalo na't sinugod ng mga light creatures ang mga dark creatures. At kitang kita ko ang tuwa sa mga studyante dahil matatapos na ang laban na ito.
Tinignan ko si Zaiden at nilagay sa lap ko ang ulo nya.
"Ok kalang?" Tanong ko. Nang mapansin ko ambobo ng tanong ko.
'ay gaga, ok kalang? Eh kita ngang di ok!'
Napabuntong hininga ako.
"You're h-her"
"Huh?" Pinag sasabi nito?
"Ikaw si--" napaigik ako ng may tumapik sa balikat ko. Mga kaibigan pala ni Zaiden.
"Here" sabay abot ng puting kwintas. Nanlaki ang mata ko.
'panong napunta eto sakanya? Ninakaw ba nito yung kwintas ko?'
Tinignan ko yung nag abot at yung Prinsesa ng mga witch ang nag abot.
"S-salamat he-he-he" ilang kong sagot. Sinuot kona ang ang kwintas at tinignan ko si Zaiden. Hinawakan ko ang muka nya at nanlaki ang mata ko nang nag ilaw sya.
"Halaaa? Gagi? Kinukuha na ata ng liwanag si Zaiden!" gulat na sabi ko.
"Pfft.." tinignan ko kung sino yung tumawa at yung gray hair guy na sinabi sakin ni Abi dati na mag ingat daw ako kase pati norms pinapatulan. Mmmm.
Tinignan ko kung sino humawak ng kamay ko at si Zaiden pala.
"l-lets t-talk--" huling sabi nito bago nawalan ng malay. Nawala rin yung itim- itim sa katawan nya. Nagulat ako. Pano nangyari yun?.
"Pagalingin mo rin sya please" sabi ng babaeng brown hair. Pinagalaw nya ang lupa at pinalapit ang lobo sakin.
'gagi pano ko to papagalingin?'
Tinignan ko sila.
'ano gagawin ko?'
Iniling ko ang ulo ko at hinaplos nalang yung lobo sa balahibo at unti unting nawawala ang itim sa katawan nya. Napatingin ako sa kamay ko.
'gagi may powers bako?'
Nagulat ako ng unti unting nag balik ang anyo ng lobo at hubad hubad. Napaiwas ako ng tingin kasi nakita ko yung pack of abs. dali daling tinakluban ng babaeng brown hair yung lalaki.
Napatingin ako sa tumapik sakin.
"I'm happy you're back Kairan" sabay yakap nito sakin. Napatingin din ako sa mga nakapalibot sakin. Yung mga kaibigan ni Zaiden at parang maluha luha sila.
'halaa anong meron? Staka bakit bako niyayakap nito?'
Nilayo ko yung yumakap sakin at parang may luha luha din sya sa mata. Napangiwi ako sa kanya. Nagulat ako ng may yumakap sakin.
"Masaya ako at nag balik kana Kairan" sabay hagulgol nya sa balikat ko. And i was to stunned to speak. Di ko alam kung anong gagawin ko. Staka ano ba sinasabi nito na masaya ako at nag balik kana? Staka pano nila nalaman na Kairan pangalan ko?
nabalik lang ako sa realidad ng nilayo ng yumakap sakin ang katawan nya at nagulat ako na sya yung Prinsesa ng mga witch.
'halaa? Bat nyako niyayakap? Hala gagi wala akong matandaan na close kami!!!'
"Masaya ako at nag balik kana Kairan, magagawa na ulit na din ang mga ginagawa natin simula nung bata palang tayo" sabi nito and Clueless naman yung muka ko.
'huh? Anong pinagsasabi nya?'
Di ko maintindihan yung prinsesa ng mga mermaid. Ni di ko nga alam na close pala kami.
'pero hihihi ang ganda nya'
"Destin!!" Napatingin ako sa tumawag sakin. Sila Abi at Sanya pala.
"Oh em Ji asan na sya? Destin!!!!" Tawag ni Abi sakin.
"Destin!?? Nakita nyo ba si Destin?"tanong ni Sanya sa mga istudyante.
"Gagi di natin sya makita, hindi kaya k-kinuha sya ng mga dark Cr-ceatures?" Takot na sabi ni Abi.
"Shhh! Wag ka ngang ganyan! Di sya kinuha baka nasa ibang sulok lang sya ng school! Tara hanapin natin dun" sabay hatak ni Sanya kay Abi papunta sa ibang direksyon.
Lalapitan ko sana sila at tatawagin ng may humatak sa kamay ko. Tinignan ko kung sino iyon at yung Red hair guy iyon.
'eh?'
"Where you going?" Tanong nito sakin. Kumunot noo ko.
"Wait nga lang po mga prinsipe at prinsesa, hindi ko po alam ang mga sinasabi nyo staka ano po bang sinasabi nyong nag balik? Hindi ko po kayo naiintindihan staka baka na wrong person po kayo hehehe" ilang na sabi. Iniwan ko silang tulala don at tinignan lang nila akong umalis.
Hinanap ko sila Abi at Sanya at habang hinahanap ko sila napapansin ko ang mga tingin ng mga istudyante sakin.
'bakit ba sila nakatingin sakin? Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?'
Hindi ko nlng sila pinansin at lumapit sa dalawang kaibigan ko na nag sisigaw sigaw ng Destin. Awww Mahal talaga nila ako.
Lumapit ako sa kanila at tinawag sila. Lumingon naman sila sakin ngunit inignore nila ako.
'abaaa!!'
"Hoy andito nako wag nyo na pinag sisigaw pangalan ko" sabay tawa ko sa kanila. Tinignan naman nila ako ng kunot nuo. "Bat ganyan reaksyon nyo?".
"Miss sino kaba?" Nanlaki ang mata ko.
"Plss wag mo kaming pinag tritripan at busy kami sa pag hahanap sa kaibigan namin" sabay tinalikuran nila ako.Kumunot noo ko.
'pinag sasabi nitong dalawang to.'
"Hoy mga sira ako to si Destin" tinignan nila ako.
"Miss may sayad kaba? Anong si Destin ka? Oo kaboses mo sya pero anlayo ng itsura nyo noh?"
"Huh? Pinag sasabi mo dai?" Taka kong tanong.
"Miss hindi ka namin kilala kung sino ka pero plss di kami nakikipag biruan, hindi namin alam kung asan kaibigan namin tapos eto ka nanggugulo" sabi ni Abi at tinalikuran nila ako at umalis.
"Ano bang pinag sasabi nila?" Napakamot ako sa ulo ko at nagulat ako ng pula ang buhok ko. Saka ko lang narealize na bumalik nako sa totoong itsura ko. Kaya pala hindi ako nakikilala ng mga kaibigan ko. Pero bakit parang kilala ako ng mga kaibigan ni Zaiden? Sinabi pa nila na you're back, pati si Zaiden sinabi din yon. Natawa ako.
Ano bang mga pakulo nila. Napailing nlng ako at bumalik ako sa kung san ako inatake ng Gargoyte at hinahanap ang kwintas ko ng may nag ingay. Dumating ang mga lalaking nakaputi na sabi nila ay kawal daw ng kahariang Lux.
'late na kayo mga kuyaaa'
Napailing ako. Ngunit nagulat ako ng mag silapitan sila sakin at nag bow.
"Maligayang Pag babalik mahal na Prinsesa!!" Sigaw nila. Natulala ako.
Ano daw?
BINABASA MO ANG
Fantasia of Mageia: The Lost Princess
Fantasyshe is an ordinary woman living in the mortal world. but unexpectedly, they were attacks by the dark creatures. a portal appeared in front of her and she went to the strange world that was new to her. she met many people in that world until she foun...