"matagal paba tayo?" Bagot kong tanong kay Zaiden. Tae kase, feeling ko habang buhay na kaming nag lalakbay. Kakabagot. Kakaantok.
"Malapit na tayo" tanging sabi nito.
"Oh? Kala koba bukas pa tayo makakarating don?"
"It's a joke" umasim naman ang mukha ko
"Panget mo mag joke. Seminar ka muna sakin" sabi ko rito. Pero tanging kunot noo lang ang sinagot sakin. Hayst.
Ilang minuto pa ay nakakarinig ako ng agos ng tubig. Nanlaki ang mata ko. Humarap ako kay Zaiden then tumango sya.
"Bat ka tumatango?" Taka kong tanong rito.
"It's a answer to your questions" sabi nito.
"Ano bang tanong ko?" Taka ko tanong rito. Lalong kumunot ang noo nya. Nag rolled eyes sya.
"Then why are you looking at me?"
"Wala lang trip ko lang he-he-he" sabay ngiti ko rito.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa crystal falls.
Bumaba nako at nakita ko ang mga representative ng bawat section na sobrang busy. Hinanap ko si Sandra at lumapit dito.
"Anong meron?" Tanong ko rito.
"Ah, nag tatayo ng tent para may matulugan tayo mamayang gabi" sabi nito. Tumango ako.
"Tulungan na kita" sabi ko at nag ayos na kami ng tent.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Tara ligo tayo Destin!" Yaya ni Sandra. Ngumiti ako sakanya at tumango.Nag bihis ako ng damit at lumabas nako sa tent na gawa namin ni Sandra. Nag hihintay sakin si Sandra sa may falls. Lumakad ako papalapit sakanya. Lumingon ako sa paligid at busy ang mga tao rito. Sila ser gumagawa ng camp fire at ang ibang representative nag lilibot rito at yung iba din lumalangoy na sa falls.
Ng nakalapit nako kay Sandra ay sabay kaming lumubog sa tubig. Sinubukan kong lumangoy at pota di pala ako marunong. Muntik pakong malunod. Tinignan ko si Sandra at kinokontrol nya ang tubig. Na amaze naman ako sa ginawa nya. Parang gusto kona tuloy maging water Guardian.
Gumawa ng tubo mula sa tubig si Sandra at nakita kong may lumalangoy na kakaibang isda roon.
'wOw'
Habang pinapanood ko si Sandra ay tumama ang tingin ko sa grupo ng Royals. Nakakapag taka dahil mukang nag mamadali yung isa nilang kasamahan. Tapos yung sinabi ni Abi na babaero is tawa ng tawa. Habang nakatingin ako sa kanila tumama ang tingin ko kay Zaiden na nakatingin sakin. Nanlaki ang mata ko at umiwas. Napahawak ako sa puso kong tumibok ito ng malakas.
'Geez bat ako nakakaramdam ng ganito?'
Tinignan ko ulit sila at nakita kong yung purple hair na yung nakatingin sakin. Umiwas ulit ako ng tingin at lumangoy nalang sa gilid gilid. Ayoko sa malalim mamaya yun ang ikamatay ko hehehe.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
( Audrey POV )Umiwas sya ng tingin sakin. Mmmm. She looks familiar. Tumingin ako kay Zaiden na deretsong nag lalakad. Lumapit ako sa kanya.
"May nakuha ka bang information sakanya?" Tanong ko rito. Kumunot ang noo nya.
"Wala" tanging sabi nito. Nag buntong hininga ako. Simula ng araw na nakontrol nung destin ang white creature na nakakapag taka naman. She's a vampire then nakontrol nya yon? Kaya simula non lagi na namin binabantayan ang kilos nya. Sya ang susi namin para makita namin si Kairan.
"Easy dude masyadong atat?" Natatawang asar ni Lincoln.
"Tsk, pabayaan mo nga sya lincoln, porket lagi mo lang nakakasama yung tadhana mo" saway ni ate Nedruda. Ngumiwi naman si Lincoln.
"Sino naman si tandhana ang tinutukoy mo ah?" Nginuso ni ate Nedruda si efir at nginitian si Lincoln.
"The fvck! Di kami talo!" Nandidiring saad ni Lincoln. Natawa naman ako. Lincoln at efir? Not bad tho.
Nasa loob na kami ng falls at may daanan rito para makapunta sa lake kung san namin makikita si Marina.
Nang andon na kami lumawak ang ngiti naming lahat ng umahon mula sa tubig si Marina. Lumapit agad sa kanya si thunder para bigyan sya ng jacket."Masaya akong makita kayong muli" sabay ngiti nito samin. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. Ganon din ang ginawa nila Lira at ate Nedruda.
"Kamusta ka naman sainyo?" Tanong ni ate Nedruda.
"Ayos naman po ate, May time na nahihirapan ko ako sa training sa palasyo pero kaya naman po" sabay ngiti nito ng matamis. Binuhat ni thunder si Marina mula sa tubig hanggang sa malinis na damo. Pinunasan din nito ang buntot ni Marina. Sinuot ni Marina ang pearl necklace nya kaya ang buntot nya naging mga Paa.
Tumayo sya at muntik na syang ma out of balance ng masalo sya ni thunder.
"Sanaol" tahimik kong saad
"Gusto mo rin nun?" Napatingin ako sa katabi kong nag salita. Kahit kelan epal neto.
"Tsk, ano nanaman ba yon?" Mataray kong sabi rito
"Oh, nagagalit ka nanaman nag tatanong lang eh" sabay tawa neto. Tsk.
"Maraming salamat" sabi ni Marina kay thunder. Ngumiti lang si thunder sakanya.
"Ang cheesy!" Sabay tawa ni Lincoln. Sinamaan naman sya ng tingin ni thunder. Nag taas naman ng mga kamay si Lincoln. " Joke lang bro, eto naman di mabiro"
"Tsk" saad ni efir. Lumingon naman si Lincoln sakanya at nag kunwareng nagulat.
"Andyan ka papala?" Sinamaan naman sya ng tingin neto. "Eto naman! Bat ba ang hirap nyo ng biruin? Laging galit! Dinaig pa babae" sabay iling.
"Ganun talaga pag in-love" sabi ni Lira.
"Ows? Edi normal lang na maging ganun si thunder. Eh eto?" Sabay turo kay efir. "Di naman in-love to, moody lang talaga yan" saad nito. Sinamaan naman ng tingin ni efir si Lincoln.
"Mali ka, in-love yan" sabay ngiti kay efir. Nanlaki naman ang mata ni lincoln at tumingin kay efir. " In-love ka? Kanin----"
"Tsk, stupid. Uto uto talaga" tinuro naman sya ni Lincoln.
"Dude.... Broken hearted kaba? Chair up, reto nalang kita sa mga chika babes k---" Lalo syang sinamaan ng tingin ni efir.
"The heck? Pwede bang lumayo layo ka sakin Lincoln, nag didilim paningin ko sayo"
"Nag didilim? Gusto mo paputiin natin?" Biglang sabi ni Lincoln. Nanlaki naman ang mata ni efir at nag kamatis ang muka.
"Ano?!"
"Wala, eto naman di mabiro hehehe" sabay iwas ng tingin kay efir. Kumunot ang noo ko.
"Anong ibig sabihin ni Lincoln na paputiin?" Taka kong tanong sa sarili ko.
"You're too innocent. Kalimutan mo nalang yon." Napatingin ako sa katabi ko. Epal talaga.
"Ah, kaya pala gets mona kasi sobrang dumi ng utak mo." Asar ko rito.
"Kung alam mo lang" sabi nito. Kumunot ang noo ko.
"Tsk"
BINABASA MO ANG
Fantasia of Mageia: The Lost Princess
Fantasyshe is an ordinary woman living in the mortal world. but unexpectedly, they were attacks by the dark creatures. a portal appeared in front of her and she went to the strange world that was new to her. she met many people in that world until she foun...