"it's getting late" napatingin ako sa katabi ko. Tumango ako sa kanya at sabay kaming tumayo para pumunta sa kanya kanya naming room. Mag ka iba kaming direksyon na pinuntahan. Kanan ako at kaliwa sya. Hiwalay pala ang room ng Royals. Grabe.
Pumasok nako sa room ko at nakita kong nag lalaway na si Sandra sa higaan nya. Napailing ako. Humiga nalang ako sa kama ko at natulog.
"Kairan!!!!" Napatingin ang batang babae sa mga batang papalapit sa kanya
"Tara punta tayong hardin!" Yaya ng batang babae na brown hair.
"Dun nanaman! Iba naman!" Angal ng batang babaeng green ang buhok.
"Sa lugar nalang nila Audrey?" Suwestyon ng Grey hair na batang lalaki.
"Oy tanda! Puro ka chicks!" Sabay batok ng red hair kid sa grey hair na bata.
"Aray ko ah! Staka anong tanda? Sa gwapo kong to?" Sabay hawak sa baba nito at kagat labi sabay pasingkit ng mata.
"Panget mo talaga" puna ng ng batang red hair sa Grey hair.
"Anong panget? Sinong panget? Ako ba? Bulag kaba bro?!"
"Tama na nga yan! Ang iingay nyo!" Saway ng berdeng buhok na babae sa dalawa.
"So san tayo?" Tanong ng brown hair na batang babae.
"Samen nalang kaya" mahinhing suwestyon ng batang wavy brown hair na babae.
"Pano? Di ako marunong lumangoy" sabi ng batang Kairan.
"Oo nga! Ayoko pang malunod! Maraming iiyak na girls sakin"
"Puro ka babae Lincoln! Kakahiya ka! di marunong lumangoy ka lalaking tao!"
"Hoy! Efir! Nababadingan kaba sakin?puro ka kontra ah! Staka ako lang ba di marunong sa lalaki rito?" Nilibot ng batang Lincoln ang tingin nya sa mga lalaking kaibigan nila
"I can swim"
"Me too"
"Same here"
"Same"
Sabi nila Zaiden, thunder, cerres at Ruscov. Nganga naman ang batang Lincoln sa mga kaibigan nya. Tawa naman ng tawa si efir.
"Kakahiya ka!" Malungkot naman ang muka ni Lincoln.
"Sino sa babaeng di marunong lumangoy rito"
"I can swim" sabi ni Audrey.
"Same here" sabi ni Nedruda.
"Ako ren!" Sabi ni Lia.
Tumingin si Lincoln kay Marina kaya nabatukan sya ni efir.
"Tanga ka talaga kahit kaylan!"
"Ano nanaman!" Sabay hawak sa ulo nya.
"Tinitignan mo pa si Marina eh kita mong sya nag yayaya sa kanila! "
"Oh ano nanaman yon" this time si Nedruda na ang bumatok kay Lincoln.
"Engot! Sirena si Marina! Nako Lincoln babatrip nako sayo!"
"Oo nga pala, he-he-he sorry naman" tumingin naman si Lincoln kay Kairan. "Ikaw Kairan?"
"Hindi ih" nag liwanag ang muka ni Lincoln at niyakap si Kairan.
"Don't hug her! You dumbass--" sabay hatak ni Zaiden kay Lincoln palayo kay Kairan.
"Awts bro! Masisira damit ko!" Sabay layo ni Lincoln kay Zaiden.
"Buti nga sayo!" Napalingon naman si Lincoln kay efir at sa mga kaibigan nya.
"I felt betrayed here! Pinag tutulungan nyoko!" Sabay iyak kunware ni Lincoln.
"Ok lang yan Lincoln" sabay ngiti ni Marina rito.
"Thank you---" yayakapin din sana ni lincoln si Marina ng hinatak sya ni thunder.
"Don't...hug...her!"
"Ano ba! Bat nyo ba laging hinahatak ang damit ko ah! Staka anong meron dito! Bat couple couple!"
"Ang ingay mo Lincoln! O sya pano yan! Si Kairan at Lincoln di marunong lumangoy Marina" sabi ni Nedruda. Ngumiti naman si Marina.
"Di bale inumin lang nila ito" sabay abot kila Lincoln at Kairan ng pearl.
"Ano to?" Tanong ni Lincoln.
"It's a pearl. Once na ininom nyo yan you can breath under water"
"Oh?" Gulat na sabi ni Kairan.
"Oo, pero gusto ko sana kayong bigyan ng tour sa palasyo kaya bibigyan ko kayong lahat" binigyan ni marina lahat sila ng pearl.
"Para makapag tagal kayo sa tubig at makapag tour tayo ng matagal sa palasyo. Staka don't worry di kumulubot balat nyo pag nababad sa tubig" tumango silang lahat.
"So ano pang hinihintay nyo? Let's go under water!" Sigaw ni Lincoln.
"Gising na Destin" unti unti kong dinilat ang mata ko at muka ni Sandra ang bumungad sakin. "Maligo kana at sabay tayong pumunta sa baba para mag breakfast" tumango ako sa kanya. Umupo ako at umunat unat. Tinupi ko ang kumot ko at nag ready ng damit para maligo. Pag katapos kong maligo ay sabay kaming lumabas ni Sandra para kumain na.
"Magandang umaga sainyo! Lumapit na kayo rito at ng makapag umagahan na kayo! Marami tayong bibisitahin lugar mga hija!" Sabi ng matandang babae na kasing age lang ata ni ser Henry.
"Ako nga pala si Erika. Ako ang katuwang ni ser Henry na mag bantay dito sa Eden" tumango kami ni Sandra. Umupo na kame at nakita kong kompleto na kaming mga representatives. "Oh! Upo na kayo!" Sabi ni maam Erika. Napalingon kami sa tinutukoy ni ma'am at nakita naming mga Royals pala iyon. Nag si upo na sila at napakatahimik naming lahat maliban kay ma'am Erika.
Kinuwento nya na ata buong pag katao nya. May tinopic din si ma'am tungkol sa mga isyu sa lugar dito at kung ano ano pa.
Pag katapos naming kumain ay nag si tayo na kami at nag si punta sa kanya kanyang kwarto para kunin ang mga gamit namin. Kinuha kona ang bag ko at lumabas na kami ni Sandra.
"Destin" Tumingin ako sa tumawag sakin at si Keil pala. May inabot sya sakin at isang pill iyon. Kumunot ang noo ko.
"Ano to?"
"Gamot" tanging sabi nito.
"malamang! Hugis palang eh! Ang tinatanong ko! Kung! Anong! Gamot! Ito! Mamaya droga pala itong binigay mo! "
"Aba't! Bat ganyan ang tono mo! Baka nakakalimutan mong sino mas matanda satin?" Sabay cross arms nito.
"Ikaw kase! So, ano ngang gamot po ito KUYA?" Emphasis the word kuya.
"Tch, para di ka mag tawag mamaya ng uwak sa byahe" sabi nito.
"Student!" Napatingin kameng lahat sa tumawag samin. Si ser Henry pala.
"Dadating ang mga dragon kaya mag handa kayo" tumango kami.
'kunware kasali ako, tae! Masyadong allergic ang mga dragon sa magandang tulad ko!'
Dumating na nga ang mga dragon at tulad ng dati wala paring naka pili sakin. Sinubukan kong lumapit sa malapit na dragon at sininghalan ako.
'arte!'
Sininghalan ko sya pabalik.
"Weirdo" napatingin ako sa nag sabi non at walang iba kundi si Zaiden the great. Pssh.
BINABASA MO ANG
Fantasia of Mageia: The Lost Princess
Fantasyshe is an ordinary woman living in the mortal world. but unexpectedly, they were attacks by the dark creatures. a portal appeared in front of her and she went to the strange world that was new to her. she met many people in that world until she foun...