Chapter 48

139 3 0
                                    

"tara kuya may titignan lang ako promise!!" pamimilit ng isang batang babae sa isang lalaki.

"hindi kara sige na bumalik kana sa pag lalaro" napasimangot naman yung bata.

"pero kuya sige na, may kasiyahan mamayang gabi sa bayan gusto ko makita yun kuya please!" pamimilit ng bata.

"kara..."

"please kuya??" sabay puppy eyes ng bata sa kapatid nya. napabuntong hininga naman yung lalaki at napatingin sa kapatid.

"hayst sige na ngaa" nanlaki ang mata ng batang babae at dali daling yumakap sa kuya nya.

"salamat kuya" sabay ngiti ng bata.
.
.
.
"kuyaaaa?? kuyaaa??" sabay hagulgol ng batang babae habang yakap yakap ang teddy bear na napalanunan ng kanyang kuya sa palaro.

nag kakagulo sa paligid at maraming nag aaway. nag kalat ang mga armadong lalaki at mga kawal ng kaharian na hindi sa kanila.

"kuyaaa???" sabay iyak ng batang babae habang tinatawag ang kanyang kuya.

nagulat ito ng may nakabungguan ito na batang babaeng pula ang buhok.

"kairan!!" tawag ng batang babae rito. nakita nyang umiiyak ang batang kairan kaya tinahan nya ito at hinatak paalis sa lugar na nag kakagulo.

"bakit ka umiiyak?" tanong ng batang babae rito.

"gusto nila ako kunin kara at ayoko sumama sa kanila dahil bad sila!!" niyakap ng batang kara ang batang kairan.

nagulat sila ng may lumitaw na isang babae.

"andito kalang pala prinsesa, halika sumama ka samin" sabay ngiti nito ng nag tago ang batang kairan sa likod ni kara.

"ayaw nyang sumama sayo!" sabi ng batang kara ngunit ngumiti lang ang babae at nang mapatingin sa leeg nito ay nawala ang ngiti nito.

"dark amulet ikaw ang--arghhh" dali daling tinulak ni kara ang babae.

"takbo kairaaan!!" kaya tumakbo ang dalawang bata.

"bumalik kayo!!!" ngunit hindi nila iyon pinakinggan.

"sino ba kasama mo pumunta dito kairan?"

"yung mga kaibigan mo kara" napatigil naman si kara.

"karaaaaa!!" napatigil naman sila sa tumatawag.

ang kuya ni kara.

"si kuya!"

"asan kana kairan!!!" tawag ng babae.

"kara wag moko iwan" sabay iyak ni kairan.

"hindi kita iiwan kairan" napatango naman nito. "ganito nalang mag palit ulit tayo ng anyo at pumunta ka kay kuya" nanlaki ang mata ni kairan.

"pero paano ka?" ngumiti lang ang batang kara.

"ililigaw ko sila at babalikan kita" sabi ni kara. tumango naman si kairan.

ginawa nila ang pag papalit ng anyo. ngayon si kara ay mukang si kairan na at si kairan naman ay mukang kara na. katulad ng mga kwintas nila.

"tumakbo kana kairan" tumango naman si kairan at pumunta sa kuya ni kara.

"karaaa!" sabay buhat ng kuya nito kay kairan at tumakbo.

habang ang batang kara naman ay pumunta sa ibang direksyon ngunit may humatak sakanyang ibang babae. hindi yung babaeng nang hahabol sa kanya. ang babaeng ito ay itinakbo sya papalayo at nag bukas ng portal. pumasok ito roon kasama sya at napunta sila sa tahimik na lugar. sa kasamang palad ay nahulog sila at tumama ang ulo ng batang kara sa bato.

"kairan! kairan---" ngunit ipinikit na ng batang kara ang mata nito.
.
.
.
"kairan? maayos naba ang pakiramdam mo?" tanong ng babae.

"sino ka po?" nanigas naman ang babae.

"ako ang mama mo"

"mama?" tumango ang babae.

"maayos naba pakiramdam mo anak?" tanong ng babae.

"maayos na po mama".

idinilat ko ang mata ko. umupo ako at napapikit.

'isang weird dream nanaman'

napatingin ako sa aking pinto ng may kumatok at maya maya ay binuksan ito at pumasok ang mga taga pag silbi.

hinanda nila ang panligo ko at susuotin kong damit.

it's been 3 years simula ng bumalik ako sa kaharian. close kona ang mga royals at maayos naman ang pamumuhay ko rito. nabisita kona rin sila giya at piyo at si nanay isme. pinasyal ko sila rito sa kaharian at hindi nila ini expect na ako yung lost princess ng lux Kingdom. pati nga rin ako di makapaniwala eh.

pero, this lately I've been dreaming weirdly. parang ako na hindi. nakakainis nakakagulo. nanghihina rin ako na di ko maipaliwanag.

"handa na po ang paliguan nyo mahal na prinsesa" tumango ako sa kanila at naglakad na sa paliguan ko. Nilubog ko ang katawan ko sa gatas at nag babad.

pinikit ko ang mata ko.

napakaliwanag ng buong paligid. nilibot ko ang paningin ko at ako lang ang mag isa.

'asan ako?'

"hello?" tanging nasabi ko sa napakaliwanag na lugar at umaasa na may sumagot.

dineretso ko ang paningin ko at in the middle there's a floating necklace.

lumapit ako rito at nagulat ako na lux amulet to. hinawakan ko ang leeg ko. kinuha ko ang lux amulet at tinitigan ito ng biglang nag laho ang kulay liwanag sa paligid ko at dumidilim ito.

nakaramdam ako ng takot. tumaas ang balahibo ko ng makarinig ako ng unggol ng kung anong halimaw sa likod ko. unti unti akong humarap sa likod ko at nakita ko ang isang black tiger. unti unti itong lumalapit sakin kaya unti unti rin akong umaatras at walang ano ano ay tumakbo ako palayo rito at alam kong hinahabol ako nito.

sa di inaasahan ay nadapa ako. tatayo sana ako ng maramdaman kong nasa likod kona ang itim na tigre kaya humarap ako rito ng nakaupo.

unti unti akong umatras ng sa di inaasahan ay tumalon ito papunta sakin kaya pinang harang ko ang braso at naramdaman ko ang tulak nito papunta sa sahig at naramdaman kong nahuhulog ako. dinilat ko ang mata ko pero wala na ang itim na tigre.

napatigin ako sa hawak kong kwintas. hindi na ito ang lux amulet na hawak ko. isa na itong ibang uri ng itim na amulet. pula at itim.

'anong ibig sabihin nito'

tanong ko sa sarili ko ng biglang gumalaw ang kwintas kaya dali dali itong lumipad papaalis sa kamay ko at lumabas rito ang itim na tigre. nakatingin ito sakin at nakita ko ang reflection ko sa pulang mga mata nito.  akala ko susugod ito sakin ngunit nag lalambing ito sakin. nakakapagtaka.

hinawakan ko ang ulo nito at kumalat ang pula at itim na linawanag at kasama ako kinain nito.

dinilat ko ang mata ko.

'panaginip nanaman.'

napabuntong hininga ako.

Fantasia of Mageia: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon