(Audrey's POV)
"Ready kana anak?" Nakangiting tanong sakin mama. Lumapit sya at tumabi sakin para tignan din ang repleksyon ko sa salamin.
Tumango ako ng mahina.
"Tara na?" inanyayahan nako ni mama lumabas ng silid ko kase mag sisimula nadaw ang parada.
Huminga ako ng malalim ng nakasakay nako sa loob ng kahon na kwarto. Maliit lang sya na sakto lang sakin.
Bago ako umalis ay binigyan ni mama ng proteksyon ang sasakyan ko na hindi ito mabubuksan o masisira hangga't hindi nya sinasabi. Hindi ko na pinigilan si mama kase alam kong iniisip nya lang ang kalagayan ko.
Habang nag sisimula ang parada wala akong ganang nakatulala lang harapan ko.
Na mimiss kona ang kaibigan ko.
Kasalanan ko ang lahat ng nangyare bago sya nawala. Kung sana hindi ko kinuwento ang kaibigan ko sa di ko kilalang tao na kalaban pala edi sana di sya nalayo samin. Sana kasama pa namin sya.
Pinunasan ko ang tumulong luha ko. Mahahanap din kita Kairan. Alam kong andito kalang sa Fantasia. Simula ng umilaw ng puti ang tattoo ko alam kong buhay ka at nasa paligid ka lang. Hindi ako titigil hangga't hindi ka nahahanap.
Huminga ako ng malalim.
Pangako ko yan.
Hindi ko alam kung asan nako. Pero alam kong patuloy parin ang parada sa bawat lungsod na pinupuntahan namin. Gumagamit kami ng portal para madali kaming maka parada sa bawat kaharian pati na sa mga malalayong probinsya dito sa Fantasia.
Ilang oras nakong nakatulala ng biglang umilaw ang tattoo ko. Nag tataka akong tinignan iyon at nanlaki ang mata ko. Ang tattoo ko ay umilaw ng puti. Luminga linga ako at gusto kong pahintuin ang parada.
'Kairan!'
Kumatok katok ako sa pader ng sinasakyan ko baka may makarinig sakin. Ngunit walang epekto.
Oo nga pala nilagyan ni mama ito ng proteksyon na hindi ito mabubuksan kung wala ang pahintulot nya.
'Shittt!'
Ang kaibigan ko nasa paligid lang. Tinadyakan ko ang pader ginamit kona rin ang nalalaman kong inkantasyon ngunit wala.
Napatingin ako sa braso ko ng unti unting nawawala ang liwanag.
"No!" Sabi ko at nagwawala nako sa loob. Ang kaibigan ko! Nasa paligid lang sya . Shit kaylangan kong balikan ang lugar kung san umilaw ang tattoo ko.
Hinihingal ako sa pinang gagawa ko sa loob ng kwartong ito.
Dapat ko bang ipaalam ko ito sa mga kaibigan ko?
Napailing ako
Hindi! saka kona ito ipaalam kapag nahanap kona sya. Kaylangan kong itama ang mali kong nagawa.
Tumango ako sa sariling naisip. Tama. Tama iyon ang gagawin ko.
Pag katapos ng parada. Nakangiti akong pumasok sa bahay namin.
"Anak?" Sabay lapit ni mama sakin.
"Bakit po?" Huminto ako ng lumapit si mama sakin.
"Ok kalang ba?bakit ka nakangiti?" Tanong ni mama. Ngumiti ako ng malapad.
"Naramdaman ko ang kaibigan ko ma! Si Kairan! Nasa paligid sya habang ginaganap ang parada.kaylangan ko syang hanapin" sabi ko. Nag aalalang tumingin sakin si mama.
"Anak d-diba p-patay na si---" pinutol ko ang sasabihin ni mama.
"Hindi sya patay ma! Umilaw ang tattoo ko ng puti habang nangyayare ang parada. Puti ibig-sabihin non nasa paligid lang ang kaibigan ko kaya kaylangan ko syang mahanap." Pursigido kong sabi. Malungkot na tumango si mama.
"Gusto mo ng tulong Nak? Mag papadala tayo ng mga tauhan na--" umiling ako at pinutol ng sasabihin ni mama.
"Ma, ang mga tauhan natin walang tattoo na katulad ng akin kaya di nila malalaman kung sino si Kairan. Ako nalang mag hahanap sakanya" sabi ko kay mama.
"Ikaw lang mag isa? Di pwede! Anak marami pa tayong kalaban! Marami pang taong may galit satin na hindi natin kilala. Ayokong mapahamak ka kaya hindi ako papayag" sabi ni mama.
"Mama naman malaki nako kaya kona ang sarili ko" sabi ko.
"Hindi! Ikaw nalang ang kasama ko sa buhay anak ayokong pati ikaw mawala pa sakin" sabi ni mama.
"Mama--"
"Hindi parin anak! Yan din ang sinabi ng papa mo bago sya n-nawala satin! Ayokong p-pati ikaw mawala sakin. D-diko kakayanin yon!" Naiiyak na sabi ni mama.
"Mama"lumapit ako sakanya at yumakap.
"Hindi parin ako papayag" sabi nito na nakayakap sakin.
'Shit pano na?'
(Kairan's POV)
"Nay alis na po ako" sabi ko sabay kuha sa paninda.
"Sama ate!" Sabay na sabi ni piyo at giya.
"Baka naman mag pasaway kayo sa ate nyo ah?" Sabay na umiling ang mag kapatid sa sinabi ni nanay isme.
"Hindi po nay magiging mabait kami kasama si ate" sabi ni piyo.
"Tutulungan namin si ate mag lako" tumango si nanay isme sa sinabi ni giya.
"Mabuti naman at sige na mag iingat kayo ah?" Sabi ni nanay isme. Tumango naman at nag paalam na kame.
Dala dala ko ang bilao at sila piyo at giya ay May dala ng basket.
"BANANACUE!, BANANACUE KAYO RIYAN!" sigaw ko.
"Ate Destin bakit parang sanay na sanay na kayo mag benta ng ganto?" Curious na tanong ni giya.
"Ah bago nyo pa kase ako nakilala nag lalako nako tulad ng ganto" tumango tango naman ang mag kapatid.
"Mag hiwalay hiwalay kaya tayo?" Napatingin ako kay giya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Mas madali tayong makakabenta kapag mag hihiwalay hiwalay tayo ate" napatango ako sa sinabi nya.
"Pero baka kung ano pang mangyari sainyo mag sama sama nalang tayo" sabi ko.
"Ate malaki napo kami ni Piyo kaya keri na namin ito" napatango ako.
"Sige basta mag ingat kayo staka mag kita kita tayo dito sa pag sapit ng 16 ok?"
"Opo" sagot ng dalawa at nag hiwalay hiwalay na kami.
Malapit ng mag 15 kung sa mundo namin ay malapit ng mag 3pm. Isang piraso nalang ang tinda ko ng may tumawag sakin na babaeng naka suot ng cloak. Nasabi kong babae dahil boses babae ito.
"Mag kano iha?" Tanong nito sakin na nakayuko. Ewan ko kung ako lang ba bat parang kinakabahan ako?
"Dalawang pilak lang po" sagot ko rito. Tumango ang babae at unting unti pinasok ang kamay nya sa loob ng suot nya at dali daling may inalabas ito sakin na sanhi ng di ko pag hinga ng maayos.
Nabagsak ko ang paninda kasama ng sarili ko.
Sinusubukan kong huminga ngunit walang lumalabas. Unting unting lumabo ang mata ko hanggang sa nawalan ako ng malay.
BINABASA MO ANG
Fantasia of Mageia: The Lost Princess
Fantasyshe is an ordinary woman living in the mortal world. but unexpectedly, they were attacks by the dark creatures. a portal appeared in front of her and she went to the strange world that was new to her. she met many people in that world until she foun...