(Kairan's POV)
"Ok lang ba kayo?may nasugatan ba sainyo?" May ibang tao na tumango kaya lumapit ako sa kanila para gamutin ito.
Nang tapos kona gamutin tinignan ko ang paligid. Nasa loob kami ng kweba para di nila kami mahanap.
"Manatili lang kayo rito, lalabas lang ako para mag bantay sa labas" tumango naman sila kaya lumabas nako.
Nilabas kona ang espada ko at nag manman. Tunog lang ng huni ng ibon, mga sanga at lamig lang ng hangin ang naririnig ko.
Nakakalungkot man dahil ngayon pa nangyari ang ganitong bagay. Ano bang kaylangan ng mga dark kingdom? Bat ayaw nilang tumigil?. Napabuntong hininga ako.
Naalarma ako nang makarinig ako ng kaluskos hinanda ko ang espada ko at handa nakong sumugod ng makita kong si zaiden lang pala ito.
"Anong ginagawa mo rito?" Taka kong tanong rito. Pero hindi sya nag sasalita.
"Zaiden?" Nagulat ako ng hinatak ako nito at daliang hinalikan.
Mabilis ko naman syang tinulak.
"Ano bang problema mo zaiden ah? Bakit ka gan---yan" Napatingin ako sa mata nito at nakita ko na parang may mali.
"Kairan" tawag ni zaiden sakin pero ramdam ko na hindi ito sya. Umatras ako at nag taka naman ang pekeng zaiden.
"Don't you want me?" Sabi nito sakin na may pang aakit.
"Ayoko! Sino ka! At bakit nag papanggap ka bilang sya?!" Ngumiti ito ng kakilabot sakin.
"Akin kana para lumakas ako" sabi nito
"Pinag sasabi mong baliw ka!?" Pero patuloy parin sya sa pag lapit. Nabitawan ko ang espada ko dahil nakaramdam ako ng pang hihina.
"Akin kana kairan or should I say, princess Kara" sabay tawa nito ng malademonyo.
Hindi ko alam anong gagawin ko kaya tumakbo ako. Patuloy parin sa pag tawa yung lalaking nag papanggap na si zaiden.
'na kiss pako putangina!'
Naririnig ko sila sa malalayo. Marami sila ang humahabol sakin. Tumatakbo ako sa isang madilim na kagubatan at hindi ko alam kung bakit nila ako hinahabol. hingal na hingal na ako at hindi ko alam kung anong yayari.
"arghhh!" daing ko dahil nadapa ako
pinilit kong tumayo at sinubukan mag lakad. naririnig ko ang mga yapak nila sa malayo
kumakabog ng malakas ang puso ko at paika ika akong tumakbo. nahihirapan na ako kaya sumandal ako sa isang malaking puno at umiyak.
'Ano bang nangyayari? Bat tinawag ako ng baliw nayun na Kara?'
"kanina ka pa namin hinahanap at nandito kalang pala?" sabay ngisi ng isang babae na lumitaw sa harapan ko.
Nagulat naman dito kaya galit ko syang tinignan. hinawakan nito ako sa baba at pinisil. hinawi ko naman ang kamay nya at ngumisi sya.
"Ano bang kaylangan nyo sakin!" Tanong ko rito. Ngumisi lang yung babae
"Oh kawawa ka naman hindi mo kilala ang pag katao mo, oh well wala akong pakealam. sige na kunin nyo na sya para maialay natin" sabay utos nya at lalapit na sana ako ng mga tauhan nya ng biglang may sumulpot na isang maitim na tigre at inatake ang mga kasamahan ng babae.Nanlaki ang mata ko.
Eto yung itim na tigre sa panaginip ko! Pero napatigil ako at tinignan ang paligid.
'parang nang yari nato'

BINABASA MO ANG
Fantasia of Mageia: The Lost Princess
Fantasíashe is an ordinary woman living in the mortal world. but unexpectedly, they were attacks by the dark creatures. a portal appeared in front of her and she went to the strange world that was new to her. she met many people in that world until she foun...