Chapter 53

35 2 0
                                    

Tulala ako rito sa salamin sa harapan ko at tinignan ko ang aking reflection. Simula ng magawa nya ang holy flame unti unting nag iba ang anyo ko. Ang royal tattoo ko ay nawala. ang pula kong buhok ay ngayon naging itim na. Natural hair ko iyon at ang kulay ng aking mga mata ay naging pula. Siguro sa ibang pag kakataon to nangyari siguro naging gandang ganda ako sa aking sarili.

"Ako nga talaga ang dark princess" wika ko. parang may sumaksak sa aking puso siguro dahil di ko lang talaga matanggap.

Masama ang mga taga dark kingdom sila ang mga nananakit sa mga tao kaya sakit isipin na ako ang prinsesa nila.

Napatingin ako sa aking kwarto ng may kumatok.

"Mahal na prinsesa inaantay na po kayo sa dining hall" sabay yuko ng tagapag silbi.

"Hindi ba pwedeng ihatid nalang dito ang pagkain ko?"

"Pasensya po mahal na prinsesa pero, hindi po maaari. Inaantay po kayo ng inyong tiyo at tiya pati po ng inyong kapatid" sabi nito. Napaiwas naman ako.

"Kapatid" natawa ako. Di ko akalain na kapatid ko pala iyon. Kaya ba malapit sya sakin? Nakakatawa rin na ang dahilan ng kaguluhan dito sa fantasia ay ang mga kamag anak ko pa.

Tiyo Ericson at Tiya Victorina. Hindi ko sila gustong makita pero wala akong magagawa. Sinabi sakin ng kapatid ko kuno na sila raw ang namumuno ngayon sa kaharian dahil namayapa raw ang aming mga magulang sa isang trahedya.

Tumayo ako at di na nag abala pa na mag palit. Sinundan ko ang taga pag silbi papunta sa dining hall. Wala akong ibang nararamdaman kundi pag kamuhi ngayon. Napabuntong hininga ako

Pag karating ko roon nanlaki ang mata ng aking tiya at dali daling lumapit sakin para yakapin ako pero wala nakong pakealam roon.

"Pamangkin ko! Ang gandaaa moo!" Sabay titig nya sakin. Hinawakan nya ang buhok ko at inayos. "Ikaw ang susi ng ating tagumpay Kara" sabay ngiti sakin. Napa tiim bagang ako. Pinag hila nya ako ng upuan at pinaupo.

Nag simula na mag hain ang mga taga pag silbi at tahimik lang ako. Nag uusap sila tiyo at tiya kung anong hakbang nila sa susunod.

"Ano ang masasabi mo Kara na ang ating kaharian ay magiging emperyo?" Nabagsak ko ang aking kutsara ko.

"Emperyo?" Natatawa kong saad. Tumango ang tiya ko kuno

"Oo, ang tiyo mo ang magiging emperor at ako bilang empress" tuwang sabi nito.

"Para saan pa? Hindi pa ba sapat sainyo ang kaharian na ito at nag hahangad pa kayo ng sobra?" Taka kong tanong.

"Hindi sapat ito Kara. Sasakupin namin ang buong kaharian dito at lahat sila itatali ko sa ating mga kamay. Tayo ang mas makapangyarihan kaya tayo dapat ang mamuno sa lahat" paliwanag nito.

Tumayo ako sa aking upuan at umalis.

Ang kapal ng muka nila! At bakit si tiyo ang namumuno rito sa kaharian? Nasa wastong gulang na ang kapatid ko kaya dapat sya ang maging hari at mamuno!

Sinarado ko ng malakas ang aking pinto sa galit.

"Balak nila sakupin lahat? Ah!" Natigilan ako ng maalala ko ang lux princess.

Lumabas ako sa aking silid at pumunta sa kwarto nito.

Hinintay ko na buksan nila ang pinto pero di nila ginawa.

"Ano pang tinutunganga mo riyan? Buksan mo ang pinto!" Galit kong wika.

"Hindi po maaari prinsesa kaylangan po ng pahintulot ng prinsip---"Hindi ko napigilan at naatake ko sya ng kapangyahiran ko. Natigilan ako roon.

"Arghhhh! Ahhhhhh" sigaw sa sakit ng kawal. Napa atras naman ako.

"H-hindi" tanggi ko.

"Anong nangyayari rito?" Tanong ng kadarating ko lang na kapatid. Tumingin sya sakin at sunod sa kawal at nanlaki ang mata nya. Binalik nya ang tingin nya sakin kaya umiling ako at tumakbo pabalik sa kwarto ko.

Nakapag palabas ako ng dark flame

Nagulat ako ng bumukas ang pinto ng silid ko at pumasok ang kapatid ko. Niyakap nya naman ako ng nakita nyakong naiiyak.

"It's ok" sabi nya pero umiling ako.

"It's not! Nakasakit ako!" Sabay singhot ko.

"You did great Kara. He deserves it dahil hindi kanya sinunod" pero umiling parin ako.

"Nakasakit parin ako Keil! Ayoko neto!" Sabay luha ko

"But it's who you are. Being a ledgar runs in your blood."

"Nasa dugo natin na makapanakit ng tao?" Tumango naman ito. Nanlaki ang mata ko at dahan dahan na umiling habang nakatitig sakanya.

"But it's who we are" sabi nito. Galit akong umiling sakanya.

"We can change Keil! Ayoko makapanakit. Staka bakit ba hinahayaan mo sila tiyo at tiya na mamuno? 25 kana! You're in legal age to rule this kingdom!" Wika ko sa kanya.

"I can't"sagot nito. Nag tataka ko naman syang tinignan.

"Bakit?" Pero di nya ako sinagot.

"Bakit ka nasa pinto ng lux princess?" Tanong nito

"Gusto ko lang syang makausap" sagot ko.

"Makausap saan?" Curious na tanong nito.

"Tungkol sa sarili ko" sagot ko rito. Nag tataka nya naman akong tinignan.

"Why you need to talk to her about yourself?"

"I don't know" sagot ko. "Pwede ko ba sya makausap?" Tinitigan nya naman ako."don't worry hindi ako mag tatagal" tumango nalang sya.

"Kaylan mo sya gusto makausap?"

"Ngayon"sagot ko. Tumango naman sya at tumayo.

"Let's go" sumunod naman ako.

"Anong nangyari sa kawal?" Tanong ko rito. Pertaining to the one i hurt.

"He's dead" natigilan ako.

"A-ano?" Humarap naman sakin si Keil.

"It's not your fault. Hindi kanya sinunod kaya deserve nya yon" paliwanag nya pero ewan ko ba, sinasabi nya ata to pampalumbag loob ko pero alam kong di tama yun.

"It's okay" sabay yakap ni Keil sakin. " Btw, call me kuya not keil, okay?" Nahiya naman ako.

"O-okay" tumingin naman ito sakin at tinaasan ako ng kilay. "O-okay k-kuya" ngumiti naman sya.

"Thank you Kara" sabi nito.

"Pasok kana" tumango ako sa kanya ng nasa tapat nako ng kwarto ng lux Princess.

Ang weird, may tinatawag akong ibang lux Princess

Binuksan ko yung pinto at pumasok ako.

"Love!" Sabi ni kairan at napahinto sa pag punta sa pinto ng makita ako.

"I-ikaw pala" sabi nito sabay balik sa kama.

"Gusto sana kita makausap" kumunot naman ang noo nya.

"Para saan?"

"About sa nakaraan"

Tungkol sa past na di ko maintindihan

Fantasia of Mageia: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon