"ugh!" Reklamo ko sabay higa sa kama ko.
Andaming nangyare sa school at nakaka stress dagdagan pa nung Hayden nayun!
Simula ng araw na iyon hindi nako tinatantanan! Pag tapos ng araw, lagi ko syang nakikita sa paligid. Buti nga walang nakakapansin sa kanya kasi lagi syang naka hoddie tapos nasa malayo. Napailing ako. Pinikit ko nalang ang mata ko at natulog.
Zzzzzzzzz....
"kuya! Gusto ko pumunta ron!" Sabay tingin ng batang babae sa hardin.
"Hindi pwede Kara! Maraming kalaban don at baka mapahamak ka lang sa pag punta ron!" Sermon ng batang lalaki sa batang babae.
"Kuya..." Ngumuso ang bata at malapit ng umiyak. Huminga ang batang lalaki at parang na i-istress sa batang babae na kasama nya.
"Sige na nga! Pero sasamahan kita ah?" Nanlaki ang mata ng batang babae at walang sabi sabi na yumakap sa batang lalaki.
"Thank you kuya!" Sabi nito at sabay hatak sa kapatid.
"Ang ganda rito!" Sabay takbo ng batang babae sa punong puno na halamanan. Ilang oras na tumatambay ang mag kapatid don ng tumunog ang tyan ng batang babae.
"Kuya gugutom ako" sabay hawak ng bata sa tyan nito."Tara na at umuwi na tayo, mag papahanda tayo ng pagkain sa mga taga silbi" sabay hatak ng batang lalaki sa kamay ng batang babae ngunit hindi lumakad ito.
"Dito lang ako kuya! Lalaro pako" sabay hawak ng bata sa halaman.
"Pano tayo makakakuha ng pakain nyan?" Sabay cross arms nito sa kapatid.
"Kuhaan moko kuya"
"Kukuhaan nga kita kaya nga uuwi tayo sa kaharian---"
"Ayaw" sabay nguso ng batang babae. Hindi na maipinta ang muka ng batang lalaki.
"Kala ko ba nagugutom ka?"tumango ang batang babae "oh? Edi tara na at kukuhaan na kita----"
"Ayaw" hindi na malaman ng batang lalaki kung anong sumpong nanaman ang dumating sa kapatid nya. "Kuhaan moko kuya at dito lang ako. Lalaro pako" sabay takbo ng batang babae.
"Kara!" Sabay habol ng batang lalaki "hindi kita pwedeng iwan!"
"Dito lang ako kuya! Promise! Di ako aalis rito" sabay taas ng kanang kamay ng batang babae.
"Hindi!" Hahawakan na sana ng batang lalaki ang kamay ng batang babae ngunit iniwas nya ito.
"Kuya! Promise! Dito lang ako. Di ako aalis. Please kuhaan moko! Gugutom nako kuya" sabay paawa nito sa kuya nito. Bumuntong hininga ang batang lalaki.
"O sige! Kukuhaan kita! Dito ka lang ah! Wag kang aalis! pag umalis ka di na talaga tayo pupunta rito!" Tumango tango ang batang babae. Ng umalis na ang batang lalaki ay nag tatakbo na ang batang babae sa hardin. Maya maya ay may nakita itong kakaibang paro paro at hinabol nito iyon. Sa kakahabol nito sa Paro Paro hindi nito napansin na lumalayo na sya sa hardin.
"Aray!"
"Aray!"
Sabay na daing ng dalawang batang babae at napahawak sa mga nuo nila.
Napatingin sila sa isa't isa at kumunot ang mga nuo nila."May hinahabol ka ring Paro Paro?" Tanong ng batang babae sa batang nangangalang kara. Tumango ito.
"Pamilyar ka" sabi ni Kara sa bata.
BINABASA MO ANG
Fantasia of Mageia: The Lost Princess
Fantasishe is an ordinary woman living in the mortal world. but unexpectedly, they were attacks by the dark creatures. a portal appeared in front of her and she went to the strange world that was new to her. she met many people in that world until she foun...