Chapter 27

57 3 0
                                    

" Wolves. Ang laro naman sa wolves ay kaylangan nilang matalo ang mga nilalang nalalabas sa coliseum. Ang mga halimaw na iyon ay tinatawag na white creatures. Aatake ito sainyo at kaylangan nyo itong labanan. Sa grupong unang makakatalo sa white creature ang syang panalo" pag katapos sabihin ng emcee iyon isa isang nag sulputan ang white creature na sinasabi ng emcee.

Rinig na rinig at sobrang lakas ng growl ng mga ito. Nag taasan ang mga balahibo ko sa takot at kaba.

"Mag sisimula ang laban. In 3....2...1 Fight!!" Pag kasabi ng emcee ay dali daling nag transform ang representative Wolves section. By pair din sila at kitang kita na sa dalawang pair isang malaking white creatures ang kakalabanin. Kitang kita na nahihirapan ang Wolves na talunin ang white creatures. Ilang minuto na ang lumilipas, maraming natamong sugat ang mga lobo pero ang white creatures ay wala dahil tuwing umaatake ang mga lobo mabilis nag hihilom ang mga sugat neto. Na eliminate ang Luna 3 dahil hindi na nila kinaya ang sugat na natamo. Ganun din ang Luna 1 at 5. Ngunit ang 2 at 4 halata sa muka nilang nahihirapan sila ngunit bago sila umatake nag iisip sila pano papatumbahin ang white creature na Naka assign sa kanila. Ang Luna 4 ang unang nakaisip ng paraan at dali daling pumunta sa uluhan ng white creature at tinanggal ang bato sa ulo non. Nawala ang white creatures na kalaban nila at nag ingay ang mga tao rito sa coliseum sa pag kapanalo ng Luna 4.

"Vampire." Pag kasabi ng emcee yun ay nanginig ang tuhod ko.

'wtf! Kami na!'

Bumaba nako at tumabi kay Keil. Nakita ko rin ang mga representative ng ibang vampire section. Rinig na rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko.

Naiihi ako

Gusto kong mag cr pero alam kong wala ng oras kasi mag sisimula na ang laro.

"Vampire hunting. Ang larong iyon ay imbis kayo ang mag hahanap, kayo ang hahanapin ng mga white creatures. Pag nahanap kayo kaylangan nyong labanan ang white creatures na nakahanap sainyo. Mula sa entrance ng Forrest, may haharapin kayong mga white creatures. Ang unang miyembro na unang makakahanap at makakalabas ang syang tatanghaling panalo" pag kasabi ng emcee may portal na biglang sumulpot sa harap namin.

"Mag sisimula ang laro in 3.....2....1...GO!!" Pag kasabi ng emcee ay dali dali akong pumasok sa portal. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at parang boom! Nasa ibang dimension ako.

Nag simula nakong mag lakad lakad dito sa kagubatan. Tinatalasan ko ang pandinig at pandama ko rito. May narinig akong nag growl sa likod ko at dali dali akong naging alerto. Humarap ako sa likod ko at nanlaki ang mata ko may white creatures akong nakita.

Putang ina...

Wala ng sabi sabi at tumakbo nako gamit ang vampire speed. Tumakbo takbo ako at sa hindi inaasahan ay may nabunggo akong maputi. Tumingala ako at....

w-white....c-c-creature.....

Biglang nag dilim ang paningin ko sa nakita ko.

( Audrey's POV )

Puno ng natawan dito sa coliseum dahil sa babaeng nahimatay sa forest. Napailing ako.

"Di pa ba eliminate yung babaeng nahimatay?" Tanong ni Lincoln.

"Di sya eliminated lalo na wala namang syang sugat na natamo" sagot ni Thunder.

Nanood nalang kami dito mula sa taas ng coliseum. " seryoso na nakikipag laban ang ibang bampira pero yung babaeng yun nahimatay dahil nakakita ng white creature?" Napailing si Lira.

Nasa malayo layo na ang iba at ang babae tulog parin. Napalingon ako sa likod kami sa likod ng may pumasok si Ruscov at si Zaiden.

Umupo sila sa assign set rito. Kumunot ang nuo nilang pareho at sabay binanggit ang pangalan na Destin.

Nag tataka naman kaming lahat tumingin sa dalawa.

"Kilala nyo ang babaeng yun?" Tanong ni ate Nedruda.

"Yeah" sabay na sagot ni Zaiden at Ruscov. Napatingin sila sa isa't isa at kumunot ang nuo.

"Pano mo sya nakilala?"

"How you do you know her?"

Sabay na sabi ng dalawa. Natigil lang ang pag titinginan nila ng mag salita si efir.

"Nawala lang ng ilang taon si Kairan may pamalit na kayo?" Sabay tawa nito ng nakakairita.

"Hindi namin sya pinalitan" sabi ni Zaiden.

"Sya ang lead ko para mahanap si Kairan" natigilan kaming lahat sa sinabi ni Ruscov.

"Huh? Pano?" Tanong ni Lincoln.

"Nung araw na umilaw ang tattoo ko, May kasama syang gnome. At ang gnome nayun ang kasama ni Kairan nung araw nayun." Paliwanag nito.

"Anong kinalaman ng babaeng yun sa gnome?" Takang tanong ni Lira.

"Ang gnome na kasama ni Kairan, ay yun din ang gnome na kasama ni Destin" nanlaki ang mata ko.

"Maraming gnome sa Fantasia na mag kakamukha Rus, baka kamuka lang ng gnome na yun ang tinutukoy mo" sabi ni ate Nedruda. Umiling si Ruscov

"Nakausap ko na yung gnome nayun at tama ang hinala ko" sabi nito.

"Bat ngayon mo lang to sinasabi samin?" Putol ni efir.

"Matagal ko ng gusto sabihin pero may mga ilan pakong pag dududa--"

"Sinabi ngayon pero di sigurado?" Napailing si Efir.

"Tama nayan" mahinhin na awat ni marina.

Napatingin kaming lahat sa screen ng mag ingay ang mga tao. Pati kami rito nagulat sa nakita namin. Napaamo ng babaeng nangangalang Destin ang white creature.

( Kairan's POV )

Hinawakan ko ang ulo habang umuupo. Napatingin ako sa paligid.

'Asan ako--- oo nga pala nag lalaro pala kami'

Tumayo ako at nanlaki ang mata ko na dalawang white creatures ang nasa harap ko. Take note! Malaking white creatures! Sa sobrang takot ko ay tumakbo ako pero hinabol ako ng mga ito ng nasa harapan kona sila tumakbo ako pabalik at ganun din. Nasa harap at likod ko ang dalawang white creatures na humahabol sakin. Dapat kinakabahan nako sa oras na to pero ng tinignan ko ang dalawang white creatures sa harap ko ang aamo nilang tignan. Ang itim sa mata nila ay sobrang laki na parang nag papa cute.

awwww

Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at tinaas ko ang palad ko pero ang mas nakakagulat ng nilapit ng white creatures ang ulo nyo sa palad ko. Ganun din ang ginawa ko sa isa at nilapit nya rin ang ulo nya.

Natawa ako.Ang cu-cute kasi nila na parang aso. Napatingin ako sa gilid ko ng may nakitang malaking stick kinuha ko at winagay way ko sa dalawang white creatures. Sinundan naman nila ito ng tingin. Binato ko ito at nag unahan silang kunin iyon. Ng makuha nila ito ay pinakita nila sakin at binaba sa harap ko. Nahati pa sa dalawa yung stick kasi pinag agawan pa nila.

Nag laro pa ako ng ilang minuto ng maisip kong nasa laro ako.

'Bawal akong mag tagal dito sa Forrest kaylangan kong mahanap yung exit dito'

Napangiti ako ng may naisip na idea.

Fantasia of Mageia: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon